bc

My ROBOT Husband

book_age18+
14.5K
FOLLOW
98.4K
READ
revenge
sex
age gap
self-improved
drama
sweet
straight
faceslapping
lonely
wife
like
intro-logo
Blurb

Si Vanessa ay third year highschool student sa mataas na paaralan ng Benigno National Highschool. Sa mura niyang edad maghahanap siya ng trabaho para makatulong sa kanyang Papa dahil may sakit ang kaniyang kapatid na si Jonjon. Dahil sa kagustuhang makatulong ay pumayag siya sa alok ng babaeng boarder ng kaniyang Lola. Hindi niya kilala ang babae pero dahil sa alok nito na matutulungan siyang magkatrabaho ay sumama siya rito. Ang hindi niya alam ang trabahong mapapasukan niya ay maging isang dancer sa bar. Dito niya makikilala si Rafael. Ang lalaking magliligtas sa kanya. Ang lalaking mapapangasawa niya ng wala sa plano.

Magiging masaya kaya ang pagsasama nila Rafael at Vanessa bilang mag asawa? Sa gayong hindi pa nila lubos na kilala ang isa’t isa. At bata pa si Vanessa at wala pang alam sa buhay may asawa. At si Rafael naman ay napilitan lang na pakasalan si Vanessa para panagutan ito. Dahil nahuli sila sa akto ng ama ni Vanessa. Magiging maayos kaya ang pakikisama ni Rafael kay Vanessa gayong napilitan lang itong pakasalan ang dalaga.

Vanessa and Rafael

October 30, 2020

UD: February 1, 2021

END: March 31, 2021

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Nakadapa ako sa kama habang pahagulgol na umiiyak. Kalilibing lang ng Mama ko kanina. At para sa’kin iyon na ang pinaka masakit na pangyayari ng buhay ko. Mama’s girl ako at tanging si Mama lang ang nagiging karamay ko sa lahat ng bagay. At sa tuwing sumasagi sa isip ko na wala na siya ay may tila ba napakaraming punyal na tumatarak sa puso ko. “Napakasakit! Hindi ko matanggap, hindi ko kaya.” Sabi ko sa sarili habang walang tigil na bumubuhos ang mga luha ko. Tila ba hindi ito nauubos, halos pasigaw na ang pag iyak ko na parang bata. Habang yakap yakap ang malaki kong unan na nagsisilbi kong sandalan.Dito ko ibinuhos lahat ng sakit at bigat ng damdamin ko. “Mama bakit mo naman ako iniwan? Mama sino na ang magiging kakampi ko ngayong wala kana? Sino na ang magpapatawa sa’kin kapag nalulungkot ako?” sunod sunod na bulong ko sa hangin. Ang sakit mawalan ng Ina, sobrang sakit. Walang katumbas na sakit at pighati ang nararamdaman ko ngayon. At hindi ko alam kung hanggang kailan ang sakit na ‘to sa puso ko. Dahil habang buhay ng wala si Mama sa’min, sa piling namin. Hindi na maibabalik ang buhay na nawala hindi na maibabalik ang Mama ko. Napakasakit! Tuloy tuloy lang ako sa pag iyak hanggang sa makatulog na ako. Nagising na lamang ako nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. “Anak kain na tayo halika na lumabas kana riyan. Kanina kapa hindi kumakain. Nag-aalala na ang Papa sayo.” Bakas sa boses ni Papa ang pag-aalala sa’kin kaya naman agad akong tumayo at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang maamo at malungkot na mukha ni Papa. Kitang kita sa mga mata niya ang labis na pagkalungkot. Naaawa tuloy ako kay Papa dahil imbes damayan ko siya dahil sa pagkawala ni Mama heto ako nagsasarili ng kalungkutan. Muli na namang tumulo ang mga luha ko at alam ko ring namamaga na ang mga mata ko dahil pakiramdam ko naningkit ang mga ito. Agad namang pinunasan ni Papa ang pisngi ko. “Tahan na anak.” Mababang boses ni Papa na lalong nagpaiyak sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagulgol na ako sa pag iyak. Yumakap ako kay Papa at umiyak ako nang umiyak sa dibdib niya. Napakasakit hindi ko talaga kayang tanggapin. Hinahaplos naman ni Papa ang aking likuran na para bang hinahaplos niya rin ang puso ko. “Ako man ay malungkot na malungkot din anak pero kailangan magpakatatag ni Papa para sa inyo.” Garalgal at mahinang boses ni Papa. Tiningala ko siya para tignan ang mga mata niya at kita ko na lumuluha na din si Papa. “Papa bakit ang bilis tayong iwan ni Mama? Hindi ko po matanggap Papa, hindi ko kayang wala si Mama.” Muli na namang bumuhos ang mga luha ko. Naninikip ang puso ko dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Na para bang wala ng paglagyan ng saya at puro lungkot nalang ang bumabalot dito. “Hindi niya tayo iniwan Vanessa anak, alam kong mahal na mahal niya tayo. Hindi ba’t sa mga huling sandali ng Mama niyo ay lumalaban siya para sa’tin.” Tinitignan ko lang si Papa ramdam kong tinatatagan niya din ang sarili niya para sa’min. Lalo na wala na ang kanyang katuwang sa buhay. Hindi ko tuloy maiwasang maawa kay Papa. Kanina lang ay nilibing si Mama. Namatay siya dahil sa sakit na cancer. Nadiagnose si Mama na may breast cancer at nung malaman namin ay malala na pala ito at di na makukuha sa gamutan. Sinabihan din ng doktor ang Mama na di na siya magtatagal at ilang buwan nalang ang itatagal niya. Halos madurog ang mga puso namin ng marinig ang balitang iyon. Pero si Mama matapang siya at matatag nakikita naming pinipilit niyang lumaban. At ayaw niya kaming iwan. Maliit pa ang bunso namin, apat kaming magkakapatid at pangatlo ako sa’min. Walang araw na hindi pinaramdam ni Mama na okay lang lahat na para bang normal lang at wala siyang karamdaman. Hanga ako sa katatagan ni Mama kaya nga sa kanya lang ako humuhugot ng lakas at inspirasyon. Third year highschool ako at nag aaral sa Benigno Aquino National Highschool. Simple lang ang buhay namin hindi naman masasabing mahirap dahil nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw. At parehong may trabaho ang mga magulang ko. Sapat na para buhayin at pag aralin kaming magkakapatid. Masaya at tahimik ang buhay namin hanggang sa dumating ang balita na may sakit si Mama at stage four breast cancer pa ito. Ngayong taon ay kinuha din agad si Mama sa amin. Masakit isipin, oo dahil sa loob lang ng ilang taon wala na si Mama. Hindi man lang niya ako inantay grumaduate sa highschool. Minsan naiisip ko bakit ang unfair ng mundo kung sino pa ang mga taong mababait, siya pa ang mabilis kunin ng langit. Nagpatuloy lang ang buhay namin gaya ng kinagawian. Pero hindi na tulad ng dati na laging masaya sa bahay. Ngayon parang wala ng kabuhay buhay ang bahay. Kami ni ate Tina ang naghahanda at nagluluto ng agahan. Wala na si Mama para ipagluto kami. Namimiss ko na ang mga luto ni Mama lalo na ang homemade tocino niya. Naiiyak na naman ako pero agad ko ding pinigilan. Kinain ko nalang ang agahan kong itlog at sinangag. Agad kong hinugasan ang pinagkainan ko. Simula ng mawala si Mama ay kanya kanya na kaming hugas ng sariling plato. Dati rati ay si Mama ang gumagawa, ang gagawin lang namin ay asikasuhin ang aming mga sarili sa pagpasok sa eskwela. Maagang umaalis si Papa para mamasada ng jeep. Doble kayod siya para mabuhay at mapag aral kaming magkakapatid. Si bunso naman ay hinahatid ni Papa lagi kay Lola Felly dahil walang titingin sa kanya kapag pumasok kami ni Ate sa eskwela. Nag aaral na din ito sa elementary, grade 6 palang si Jonjon at graduating na. Hindi naman na ito maliit na bata pero mas panatag si Papa kung may kasama si bunso. Pagkatapos kong hugasan ang pinagkainan agad kong tinungo ang banyo at saka naligo. Pagkatapos ay nagbihis na ko ng uniform at papasok na sa eskwela. Gusto kong makapagtapos para matulungan ang Papa. Ang panganay kasi namin na inaasahang makakatulong ay nag asawa ng maaga. Wala din matinong trabaho at paextra extra lang dahil hindi siya nakapagtapos ng highschool. Nabuntis kasi ni Kuya Chris ang nobya niya, kaya maagang nagkapamilya. Alas siyete na ng umaga at 7:15 ang flag ceremony namin. Kaya naman nagmadali na ako at halos talunin ko na ang hagdan sa pagmamadali. Takbo lakad ang ginagawa ko para makarating sa eskwelahan. Malapit lang naman ito at hindi na kailangang magcommute kaya laking tipid din talaga. Pagkarating ko sa eskwela ay nakita kong naglilinya na ang mga estudyante. At sa hindi kalayuan nakita ko ang best friend kong si Abby. Agad kong tinungo ang kinaroroonan niya at agad din naman niya akong nakilala at kinawayan. “Oy girl namumugto na naman ang mga mata mo. Hmmm umiyak ka na naman noh?” may halong pag aalala sa boses ni Abby. “Okay lang ako napuyat lang kakareview diba third grading exam na natin ngayon?” Agad namang nanlaki ang mga mata niya. “OMG! Hindi ako nakapag review girl pumunta kasi si Mark sa bahay kagabi kaya napuyat ako.” May halo pang hagikhik at sabay kagat pa sa ibabang labi niya. Kinabahan tuloy ako para sa besfriend ko. “Girl ha? Wag mong sabihing may nangyari na sa inyo ng Mark na yan? At okay lang sa mga magulang mo na pumunta punta siya doon?” nakapameywang at taas ang isa kong kilay na nakatitig sa kanya. Tumawa lang ito ng malakas sabay palo sa braso ko. “Oo pinakilala ko naman si Mark kina Tatay eh okay lang naman sa kanila at saka minsan doon na rin natutulog si Mark.” Bakas sa mga mata ni Abby na masaya siya kaya naman ‘di ko na kinontra pa. “Ah basta Abby sinasabi ko sayo girl pag ikaw nabuntis alam mo na paalala lang bilang kaibigan.” Saka ko siya pinanlakihan ng mata. “OO na Miss Martinez napaka istrikto mo talaga kaya walang naglalakas loob na ligawan ka eh kasi ang sungit sungit mo. Sayang naman ang ganda mo girl kung napapanis lang.” Sa boses palang niya ay halata ng inaasar niya ako pero natutuwa ako sa kanya dahil kahit papano naiibsan ang kalungkutan ko. “Wala pa sa isip ko yan saka ang pakikipag relasyon hindi minamadali at dapat pinag iisipan. Kung talagang siya ang para sayo tadhana ang gagawa nun para magkrus ang landas niyo.” Sabi ko. “Ang lalim naman nun! girl sa panahon natin ngayon hindi na uso yan.” Sabi ni Abby at sabay tawa. Natigilan lang kami nung kinalabit kami ng teacher namin. “Miss Martinez and Miss Valdez please form your line papaano tayo magsisimulang mag flag ceremony kung puro kayo tsismis diyan.” Nakataas pa ang kilay ni Maam Jessica habang nagpapaypay. Siya ang advicer namin. Agad kaming umayos ni Abby sabay duro ko sa kanya. “Ikaw kasi eh daldal mo.” Sabi ko sa kanya natawa nalang kami pareho. Maya maya pa ay nagsimula na ang flag ceremony. Pagkatapos ay nagsipasukan na sa kanya kanyang classroom ang mga estudyante ganun din kami ni Abby at mga kaklase namin. Pagpasok sa classroom namin ay agad bumungad sa’min ang test paper. Agad kaming umupo ni Abby sa pwesto namin. Maya maya pa’y pumasok na si Maam Jessica. “Good morning Class so today is your third periodical test. I hope na nagreview kayo dahil ayaw na ayaw ko ang bumabagsak sa klase ko maliwanag?” istriktong sabi ni Maam. “Yes Ma’am.” agad naming sagot. At isa isang pinapasa ni Ma’am ang test paper ng matapos na ay bumalik na siya sa kanyang desk na nasa harapan. “And no Cheating maliwanag?” istriktong sabi ulit ni Maam. Agad naman kaming sumagot “Yes Ma’am.” Maaga akong natapos sa exam namin ‘di naman masyadong mahirap ang iba doon dahil nakapagreview ako kagabi. Agad din pinapauwi ni Maam ang mga natapos na at halos sabay kami ni Abby matapos. “Girl nahirapan ako sa exam grabe natunaw ang kagandahan ko dun ah.” Pabirong reklamo ni Abby. Napailing nalang ako sa kanya sabay ngisi. “Tutal maaga pa naman sama ka sa’kin may pupuntahan tayo.” Paanyaya ni Abby. “Ayoko pagod ako eh saka marami pang gawain sa bahay. Sige girl mauna na ko sayo. Ingat ka nalang muwah!” agad kong paalam dahil alam kong mangungulit na naman yun hanggang sa mapapayag ako. At nagmadali na kong naglakad pauwi ng bahay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K
bc

Dangerously In Love

read
44.3K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
293.7K
bc

A Writer's Block (TAGALOG)

read
50.8K
bc

DEYANIRA (His Secret Agent)

read
44.9K
bc

An Innocent Angel

read
178.0K
bc

Want You Back (Filipino)

read
228.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook