AFTER 11 DAYS...
(RICK'S POV)
"Vic!" Malakas na sigaw ko nang saktong pagpasok ko sa sala nila ay naaktuhan ko ang akmang pagsampal ni Vic kay Lena.
Nakaluhod na si Lena sa sahig, sabog ang buhok sa mukha at malakas na umiiyak.
Natigilan naman si Vic at nagtatakang napalingon sa akin.
I never thought, never imagined that I'd see him hurt Lena like that.
Sa pinanggalingan ko, kahit naman inabuso at ibinugaw ni Vic si Lena ay alam kong never niyang tinangkang pinagbuhatan ng kamay ang dalaga. Kaya nga ganoon na lang katindi ang attachment ni Lena at pagmamahal sa kanya kahit noong namatay na siya. Na pati alaala na lang niya ay ayaw abandonahin ni Lena at ipagpalit sa iba.
So, here... Why?
"Stupid b***h!" narinig ko namang saad ng isang babae kasabay ng pagsulpot nito mula sa likod ni Lena. Sinabunutan din nito si Lena bago malakas na itinulak hanggang sa mapasubsob si Lena sa sahig.
Parang kumulong bigla ang dugo ko sa nasaksikan ko. Kuyom ang mga kamao na dali-dali akong naglakad palapit kay Lena para daluhan siya.
So this is the reason why Victor can hurt Lena in this life. Dahil may babae siyang kinababaliwan na siya rin sigurong tunay na may pakana sa pananakit kay Lena.
Bigla ding sumalubong sa akin ang babaeng iyon kaya naharangan niya si Lena mula sa akin.
"Hey, Ricky! What a surprise! Hindi sinabi ni Vic na pupunta ka!" patili at excited pa na wika ng babae sa akin.
Kunot-noo akong napabaling sa kanya. She looked familiar... Until a realization hit me kung sino siya.
Siya si Kyrie, ang first love ni Vic. Naging sila noong college kami pero nag-cheat siya kay Vic kaya naghiwalay sila. Iyon ang dahilan kaya naging maloko si Vic sa babae.
But then I also immediately realized na doon pala iyon sa pinanggalingan kong future nangyari... Dito sa mundong ito ay mukhang iba rin ang nangyari... At nagkabalikan pala sila dito ulit...
Bigla akong niyakap nang mahigpit ni Kyrie. Si Lena naman na dalagita pa sa panahong ito ay kaagad na tumayo at nagsimulang humakbang paalis.
Kaagad ko namang itinulak si Kyrie.
"Labhan mo ang mga damit ng Tita Kyrie mo! 'Wag na 'wag kang magpapahinga hanggat hindi ka natatapos!" ani Vic kay Lena sa mabagsik na tinig.
"O-Opo, Daddy—"
"Tss! Ipaghanda mo muna kami ng meryenda bago ka magpatuloy sa mga gawain." istrikto pang utos ni Vic.
Parang nalusaw ang puso ko sa awa sa mahal ko dahil ganito pala ang buhay niya sa mundong ito. Kahit saan pala ay inaabuso siya ni Vic.
"'Wag ka nang mag-abala... Okay lang ako. Can I talk to you for a minute?" seryosong wika ko naman kay Vic.
Halatang nagtataka man ay napatango pa rin siya sa akin.
"Sure. Let's go to my office." sagot niya.
"Honey, mag-relax ka lang muna diyan. We won't take long. Iutos mo na lang kay Lena kung may kailangan ka." aniya naman kay Kyrie na ikinakulo pa lalo ng dugo ko sa kanilang dalawa.
I swear, ilalayo ko sa kanya si Lena sa lalong madaling panahon! Kukunin ko ang mahal ko mula sa mga kamay nila ng babae niya!
"Victor, bakit naman sinasaktan ninyo si Lena?" pang-uusig ko agad sa kanya as soon na maisara niya ang pinto ng opisina sa bahay niya.
Tumawa siya ng sarkastiko, at tila nagtatakang napatitig sa akin matapos ang tanong ko.
"Why do you care all of a sudden? Hindi ba't ininsulto mo pa nga siya na ulila na siya pagkatapos na pagkatapos ng libing ng Mommy niya? Sinabihan mo pa siyang mangatulong na lang sa'yo para may pangtustos siya sa pag-aaral niya. Did you forget all that?"
"W-What?"
I was that harsh to Lena?
Damn it. But it wasn't me!
Yes, it was a version of me in that universe. But it wasn't really me! Hinding-hindi ko iyon magagawa kay Lena lalo na ngayon na mahal na mahal ko siya. I even traveled beyond time and universe just to be with her again.
And now that I'm there, I will save and take care of my baby. Ilalayo ko na siya kay Vic.
"Forget about it. Answer me, Vic, kailan ba talaga kayo nagkabalikan ni Kyrie? Hindi ba't isang buwan pa lang ang nakakaraan noong namatay si Sarah?" tanong ko sa kanya.
About that information, I am sure of it dahil iyon ang sabi nong 'isang' Rick sa akin. Tsaka iyon naman talaga ang panahon sa past na ini-set ko sa time machine, iyong panahon na namatay si Sarah para mailigtas ko agad si Lena mula kay Vic. It just so happened na totoo pala ang multiverse at sa isang parallel universe ako napunta, kaparehas nong mundo kung saan ako nagmula.
Marami mang pagkakaiba sa mundong iyon at sa mundong ito, may mga bagay pa ring magkakapareho kagaya na lang kung kailan namatay ang Mommy ni Lena.
It's just unfortunate na sa mundong ito, ibang pang-aabuso naman ang ginagawa ni Vic kay Lena. Dalawa pa sila ng babae niya. At mukhang si Kyrie talaga ang nananakit nang husto kay Lena. Kay Lena siguro niya ibinubunton ang galit niya dahil sa selos niya kay Sarah at iniimpluwensiyahan niya si Vic na magalit din kay Lena.
My baby... 15 years old pa lang siya ngayon... Ang bata pa niya pero pinapahirapan at inaalila na siya... Damn Victor and Kyrie!
"It doesn't matter anymore. Patay na rin naman si Sarah kaya balak na talaga naming magsama ni Kyrie. Tsaka alam mo naman na mahal na mahal ko pa rin si Kyrie kahit na pinakasalan ko si Sarah. Kyrie always have that special place in my heart. Hindi na iyon mawawala." aniya na lalo kong ikinagalit ng lihim.
At ano, balak niyang hayaan na alilain at saktan ng demonyitang iyon si Lena porket hindi niya dugo't laman si Lena!? Pati siya ay wala na ring ni katiting na pakialam o pag-aalala kay Lena?! Damn him! Pati pala talaga sa mundong iyon ay hayop pa rin siya! Mabuti na lang pala at sa mundong iyon ako dinala ng time machine! Dahil sa mundong iyon ay kailangang-kailangan din ako ni Lena. And who knows kung ano ang magiging future niya sa mundong iyon kung hindi ako dumating para iligtas siya?
"Teka nga. May kakaiba talaga sa iyo ngayon. Why do you look strange today? Aside from your weird attitude, bakit ang plain mo yata ngayon, brother?" tanong pa ni Vic sa akin.
Brother his ass!
Marahil ang tinutukoy niya ay wala na ang sangkatutak na gel sa buhok ko, eyeliner sa mga mata at mga burluloy sa katawan ko na kinasanayan niya dahil ganoon 'ako' sa mundong iyon. Tsk.
Wala na... Hindi na niya makikita ang ganoong version ko dahil ang version ko na ang mananatili sa mundong iyon. At tatapusin ko na agad ang pagpapahirap niya sa mahal ko.
"Don't mind it. Listen carefully, Vic. I have a proposal to you." saad ko sa seryosong tinig habang titig na titig ako sa kanya.
"Ano 'yon, Pare?" bigla ay seryoso din niyang tanong sa akin habang bahagyang nakakunot-noo.
Napalinga muna ako sa paligid ng home office niya.
Luma na ang lamesa. Ang swivel chair niya ay may maliit nang sira. Ang computer niya ay hindi pang-mamahalin ang tatak.
Mukhang gaya sa mundong pinagmulan ko ay hindi pa rin siya mayaman sa mundong ito. Nasa middle-class pa rin siya. Sapat lang ang pera niya at malamang hindi magtatagal ay magkukulang na iyon kung magiging maluho sila ni Kyrie.
Alam ko ang isa sa mga kahinaan niya at ni Kyrie. Pera.
Tumitig ako ulit kay Vic diretso sa mga mata niya.
"Ibigay mo sa akin si Lena. Ibigay mo sa akin lahat ng karapatan mo bilang stepfather niya kapalit ng malaking halaga." seryoso at puno ng determinasyon kong wika sa kanya na ikinanganga niya.
"W-What? Seryoso ka ba?"
"I'm serious as hell, Vic. 100 million pesos. Akin na si Lena."