PROLOGUE
(RICK'S POV)
"How's it going?" tanong ko kay Albert nang bisitahin ko siya sa working place niya.
I built him his own working space kung saan ay makakapag-focus siya sa paggawa niya ng time machine.
I'm already 63 years old now and it's been almost ten years since he started building that time machine for me. Within that past ten years ay sa time machine lang na iyon umikot ang buhay niya. And fortunately, malapit na niyang matapos ang time machine na ipinagmamalaki niya sa akin. I am so excited to use it, to go back to the past and meet young Lena again.
"Malapit na, boss... Kailangan ko na lang ayusin at hanapan ng tamang timing ang engine ng time machine." ani Albert na tila nasa malayo pa rin ang isip habang may kinakalikot sa computer at maya't-mayang may chini-check sa ini-invent niyang time machine.
"Kailangan ko ring siguraduhing hindi masisira ang shield ng time machine at hindi masisira ang tunnel. Kailangang makagawa tayo ng stable na wormhole para hindi ka magkaproblema sa pag-time travel." dagdag pa ni Albert.
Sa bilis ng pagsasalita at sa dami ng sinabi ni Albert ay halos hindi ko na iyon masundan, lalo at wala naman akong alam tungkol sa mga teknikal na bagay tungkol sa paggawa ng time machine.
Ang gusto ko lang ay magawan ako ng time machine ni Albert para makabalik ako sa nakaraan...
Wala naman akong planong baguhin ang future dahil alam ko kung gaano kasaya si Lena kay Nathaniel... Pero kung sakaling may babaguhin ako, siguro ay ang iligtas si Lena mula sa kumunoy na pinagsadlakan ni Vic sa kanya.
Pero ang pinaka-goal ko talaga sa pagpapagawa ng time machine ay makasama ulit si Lena... Maramdaman siya ulit... At kung sakaling ako na ang pipiliin ni Lena, salamat... Pero sisiguraduhin ko ring maihahanap ko ng babaing mamahalin ang kapatid kong si Nathaniel.
MAKALIPAS PA ang ilang buwan ay na-perfect na ni Albert sa wakas ang paggawa ng Time Machine.
Isinakay namin sa binili kong plane ang Time Machine. At mula sa Pilipinas ay dadalhin namin iyon sa ibang bansa na sobrang init... At doon ko na sasakyan at gagamitin ang Time Machine.
Si Albert lang at ang piloto ang kasama ko sa plane. At kapag sumakay na ako sa Time Machine, after a few minutes ay tatalon at bababa na sina Albert at ang piloto gamit ang parachute. Papalabasin na lang namin na sumabog ang aircraft na siyang ikakamatay ko kahit and totoo ay sakay na ako ng time machine at nagta-travel na ako pabalik sa nakaraan...
Tuluyan na akong magpapaalam sa panahong iyon oras na sakyan ko na at paandarin ang time machine... At hindi magtatagal ay makakabalik na ako sa nakaraan...
"Boss... Goodluck at mag-iingat ka. Hiling ko na makarating ka nang ligtas sa nakaraang gusto mong balikan... At sana... Kung maaari lang ay magkita tayo ulit kahit sa nakaraan pa 'yan... Kung makita mo ako, sabihin mong nagtagumpay ako sa paggawa ng time machine." emosyunal na paalam sa akin ni Albert nang nakapasok na ako at nakaupo na sa loob ng time machine. Ikinabit na rin niya sa katawan ko ang mga protection gear.
Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kanya. Napuno ng saya at pag-asa ang puso ko. Sobra ang pasasalamat ko dahil naniwala at nagtiwala ako kay Albert. At ngayon, after more than ten years ay magkakatotoo na ang pangarap ko.
Kinakabahan ako, pero lamang ang saya at excitement ko na makabalik sa nakaraan... Magaan ang loob kong aalis dahil wala naman akong iiwan. Pero sa pupuntahan ko ay mayroon akong babalikan... At mayroon akong magandang samahan na sisimulan...
"Salamat, Albert. Utang ko sa'yo lahat ng ito. Magkikita pa tayo. Pangako." turan ko kay Albert habang sa isip ko ay hahanapin ko siya sa nakaraan at tutulungan ko rin siya na magtagumpay.
Tuluyan na siyang napaluha hanggang sa napaiyak na talaga siya. Ganoon din naman ako. Bigla ay niyakap niya ako nang mahigpit at ganoon din ang ginawa ko. Pagtagal-tagal ay marahan ko nang tinapik ang balikat niya.
"Mag-iingat rin kayo." wika at paalam ko na rin sa kanya.
Tumango na siya at pinunas ang mga luha niya.
"Huling paalala lang boss... One-way lang ang time machine na ito... Hindi ka na makakabalik dito sa panahon na ito...
Kaya sana, magtagumpay ka sa pakay mo at maging masaya ka sa pupuntahan mo... Paalam... Mag-iingat ka, boss Rick." muling paalam ni Albert sa akin.
"I know. Hindi ko sasayangin ang chance na ginawa mo para sa akin. Salamat at... Paalam."
Muli pa siyang naiyak pero hindi nagtagal ay dahan-dahan na niyang isinara ang pinto ng Time Machine. Huminga ako ng malalim at pinindot ko ang pinakamalaking button para masimulan ko na ang paglalakbay pabalik sa nakaraan... Sa nakaraan bago pa man maabuso ni Victor si Lena. Babalik ako para iligtas si Lena at kukunin ko siya...
~~~~~
HELLO MY LOVELY READERS!
ITO NA PO ANG BOOK 2 NG NYMPH0MANIAC. GINAWA KO PO ITONG BOOK NA ITO PRIMARILY PARA SA MGA FANS NI TITO RICK.
SA MGA HINDI PA PO NABABASA ANG BOOK 1, MAS MAGANDA KUNG IYON MUNA ANG BABASAHIN NIYO BAGO ITO PARA MAS MAINTINDIHAN NIYO ANG STORY NA ITO. PWEDE RING PAGSABAYIN NIYO.HEHEHE.
📌BOOK1 TITLE: NYMPH0MANIAC
(GENRE: EROTIC/DRAMA)
📌BOOK2 TITLE: MARILENA: Forbidden Desires
(GENRE: FANTASY/EROTIC)
SANA PO MAGUSTUHAN NIYO RIN ANG BOOK NA ITO GAYA SA BOOK 1. MARAMING SALAMAT PO!
~~~GRACIEHEART❤️