Nakaupo lang si Tamar sa may garden sa bahay ni Alarik. Nakatingin lang siya sa mga bulaklak na nandoon. Tulala at hindi alam kung ano ang dapat gawin. Mula ng sabihin sa kanila ng doktor na kailangang isakripisyo ni Tamar ang bata sa kanyang sinapupunan ay hindi na siya napilit ni Alarik na magstay pa ng ospital. Si Tamar na ang nag-ayang umuwi kinabukasan. Kaya wala na siyang nagawa kundi sundin ang dalaga. Isa sa bagay na kanyang iniiwasan ang sumama ang kalooban nito. Gusto sana niyang ipilit na magpagamot si Tamar, pero hindi naman niya kayang isakripisyo ang batang nasa sinapupunan nito. Masakit para sa kanya ang sinabi ng doktor. Ayaw niyang mawala ang sino man sa dalawa. Ang anak man niya o si Tamar. Wala siyang pipiliin. Gusto niyang makasama ang dalawa, habang buhay. "Kung ala

