Naalimpungatan si Alarik ng marinig ang malakas na sigaw ni Tamar. Matapos kasi niya itong mapakain kaninang madaling araw ay nakaramdam ito ng antok kaya hinayaan niyang matulog ang dalaga. Habang pinagmamasdan niya ang maamo nitong mukha ay hindi niya napansin na nakatulog na pala siya sa tabi nito. "A-Alarik!" nauutal na sigaw ni Tamar habang nanginginig ang boses. "What happened? Babe," ani Alarik na hindi malaman ang gagawin dahil sa gulat. Hawak ni Tamar ang ulo na halos masabunutan na ng dalaga ang sarili. Hindi naman makakilos si Alarik sa nakikita niyang nangyayari kay Tamar. "Oh sh*t Alarik! Tangna anong ginagawa mo at nakatulala ka lang dyan!" sigaw ni Harry na hindi niya napansin na nakapasok na ng kwartong iyon. "Tumawag ka ng doktor Arnold!" utos ni Lindon na siyang na

