Pagkaalis ng club ay bumalik lang ng bahay si Alarik para kunin ang pagkaing ipinaluto niya sa cook. Matapos niya itong bayaran ay nagpaalam na rin ito sa kanya. Bumalik lang din siya sa kwarto ni Tamar para kunin ang gamit nito. Inayos din niya ang gamit na medyo kumalat na kagagawan niya. Palabas na siya ng kwarto ng maalala ang pangalan ni Simmon. "Simmon? Bakit naman naging Simmon ang pangalan niya?" Hindi niya iyon lubos maisip kaya napatanong siya. "Aaminin ko na rin sa kanya ang lahat mamaya. Sana naman ay hindi siya mailang at sana ay hindi niya ako iwasan." aniya at inilagay lang niya sa kotse ang mga gamit na kakailanganin ni Tamar. Pagdatung niya sa ospital ay nandoon na ang tatlo niyang kaibigan. Tumupad ang mga ito na babalik sa gabi. Hindi tuloy niya alam kung paano makak

