Napatingin na lang si Tamar sa pintong kalalapat lang. Matapos ang tagpong iyon ay bigla na lang siyang iniwan ng boss niya ng walang pasabi. "Luh? Bakit parang kasalanan ko? Siya iyong nanghalik, tapos iniwan ako ng basta na lang? Ako nga ang dapat magalit. Ilang beses nga niyang ninakaw ang halik ko? Tapos ngayon sinadya akong halikan. Siya pa ang may kakayanang magwalk out?" aniya at napapaypay pa ng palad sa tapat ng mukha, kahit malamig naman ang paligid. Medyo naiinis kasi siya sa ginawang pag-alis ni Alarik ng walang binibitawang salita. "Bakit bigla na lang siyang umalis? Madumi ba ako para sa kanya? Wala ka namang alam boss sa ginawa kong paraan para makaipon ng pera di ba?" isang buntong hininga pa ang kanyang pinakawalan. Naiinis siya sa sarili. Pero pagnaiisip niya si Rik wal

