"Hold on Tamar! Hold on!" nag-aalalang wika ni Alarik habang mabilis na nagmamaneho ng kotse niya. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa dalaga. Natakot siya sa kalagayan nitong may iniindang sakit at nagsuka hanggang sa mawalan ng malay. "Pick up the phone a*shole!" sigaw ni Alarik habang tumatawag sa group chat nilang magkakaibigan. Ilang sandali pa at nagsunod-sunod din ang pagsagot sa tawag. "Anong proble. . . ," si Arnold. "Atin. . . ," si Harry. "Yow bro. . . ," si Lindon. Sabay-sabay na wika ng tatlo ng sigawan ang mga ito ni Alarik. "Follow me at the biggest hospital, near at my place. ASAP!" "Why?" sabay-sabay pang tanong ng tatlo. "Don't asked questions. Just follow me!" may diing wika ni Alarik na kahit sa cellphone lang sila magkausap ay napakunot noo ang tatlo. "Y

