Nakatingin lang si Tamar sa labas ng bintana habang hindi maipaliwanag ang nararamdaman. Sakay na sila ng kotse ni Alarik patungo sa bahay nito. "Babe ayos ka lang?" tanong pa ni Alarik na ikinatango niya. "Pero mukhang hindi. Ano ba ang bumabagabag sayo ngayon?" "Nahihiya kasi ako sayo. Iniwan kita noong panahon na iyon. Tapos ngayon ikaw pa ang nagbayad ng mga nagastos ko sa ospital. Hindi ko alam kung paano ako makakabayad sa kabutihan mo sa akin. Nahihiya ako sa lahat ng ginawa mong mabuti para sa akin, pero nagawa ko pa ring iwanan ka at hindi nagtiwala sayo." Iginilid muna ni Alarik ang kotse sa tabi ng daan. Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Alarik at hinawakan ang kamay ni Tamar. "Babe, wag mo ng isipin ang bagay na iyon. Higit sa lahat walang masama sa ginawa mo. Kung t

