"Anong ginagawa mo dito?" inis na tanong ni Tamar ng umagang-umaga pagkalabas niya sa paglilinis sa Solteria ay nabungaran niya si Alarik. Kinawayan naman ni Bruno at Kristan si Alarik ng makita ito. "Bakit ba ang aga-aga pa ay ang taray mo na. Ganyan ka ba sa manliligaw mo?" "Hindi naman. Sayo lang. At isa pa wala naman akong manliligaw na iba kung hindi ikaw lang." "Mabuti naman kung ganoon at baka may kalagyan ang mga manliligaw mo sayo," bulong ni Alarik na hindi umabot sa pandinig ni Tamar kaya naman lalo siyang nainis sa binata. "Anong sabi mo? Umalis ka na nga lang sa harapan ko at hindi na ako pumapayag na ligawan ako ng tulad mong mayaman na walang pagpapahalaga sa pera. Tulad mo ay hindi nababagay sa isang tulad ko. Alam kong hindi mo dapat tinitipid ang sarili mo basta sa p

