"Tamar, di ba sabi sayo ni Clea ay magpahinga ka muna ano yang ginagawa mo? Alagaan mo ang sarili mong bata ka," sermon ni Madam Soraya ng isumbong ni Bruno ang dalaga sa kanya na hindi magpaawat sa paglilinis. "Sino po nagsumbong sa inyo? Si Kuya Bruno? Napakatigas talaga ng lalaki na iyon. Sabi ng kaunti lang naman pong tulong ang aking ginagawa. Winawalisan ko lang naman po ang sahig." "Oi, nadamay ako dyan? Galing akong labas ha. Kumuha ako ng mop at timba na may sabon at tubig," sabay taas ng dala nito. "Asus kuya kita, kitang kasunod ni madam. Kaya nayari ako. Madam kaunti lang po ito. Gusto ko lang pong tumulong gusto ko po sanang mamasyal. May bibilihin daw po kasi si Kuya Kristan para sa asawa niya sa mall. Sasama po sana ako," nahihiyang sambit ni Tamar na ikinatungo niya. "

