Napakunot noo si Alarik ng makarating sila sa likurang bahagi ng Solteria at tumigil ang sasakyang sinusundan nila sa bahay na nandoon. Sabagay ang kasama ni Tamar ay ang dalawang bouncer sa darkroom, kaya hindi na makakapagtaka na doon dinala ng mga ito si Tamar. Bigla namang lumabas si Madam Soraya ng marinig ang pagbusina ng sasakyan. Nagulat pa ito ng bumaba si Bruno na buhat ang walang malay na si Tamar. Bumaba na rin silang apat sa sasakyan, ngunit hindi pa sila napapansin ni Madam Soraya. "Sumunod na kayong apat sa loob ng bahay ni madam. Siguradong hindi niya kayo napansin. "Bruno anong nangyari kay Tamar?" nag-aalalang tanong ni Madam Soraya habang hinahaplos ang ulo ng walang malay na si Tamar. "Nagkita sila noong tatay ni Alrick," ani Bruno na nagpatayo kay Madam Soraya. "

