Ang Simula
(Celine POV)
Ako si Celine Ferrer, 23 years old. Isa sa pinakamayayaman ang aking pamilya sa aming bansa, pero kahit ganoon, pinili kong mamuhay nang mag-isa at maging independent. Sa ngayon, nakatira ako sa isang condo at wala akong regular na trabaho. Kumikita lang ako sa pamamagitan ng trading.
(PHONE RINGING)
"Yes, hello, Mom? What’s up?" sagot ko nang sinagot ang tawag ng aking ina.
"Tinatawag mo pa talaga akong 'Mom,' ha? Kung iniisip mo pa na ina mo ako at may pamilya ka pa, umuwi ka dito!" sagot naman ni Mama, halatang may galit sa kanyang boses.
"Mama naman, bakit ka ba nagagalit diyan? Relax lang. Uuwi rin ako d’yan. Bye, Mom. I love you!" sabi ko sa kanya nang may lambing sa tinig. Hindi ko na hinintay ang sagot ni Mama at agad kong pinatay ang phone.
Pagkatapos ng ilang araw, nagdesisyon akong umuwi sa bahay. Gusto ko ring makita ang pamilya ko kahit pa medyo tensyonado ang huling tawag namin ni Mama.
Pagdating ko sa malaking gate ng bahay namin, bumukas ito nang dahan-dahan, at sinalubong ako ng aming mga kasambahay. Napansin ko ang kakaibang excitement sa kanilang mga mukha.
“Welcome home, Ma’am Celine!” bati nila nang sabay-sabay. Ngumiti ako at tumango bilang pasasalamat.
Pagpasok ko sa malaking sala, naroon na ang buong pamilya ko. Nakaupo si Mama sa kanyang paboritong upuan habang nagbabasa ng isang dokumento. Si Papa naman, nakasandal sa sofa habang nakatingin sa akin, Ang nag-iisa kong kapatid, si Andrew, agad akong sinalubong ng mahigpit na yakap.
“Wow, nagbalik ang lost daughter namin,” biro ni Andrew na may halong pang-aasar.
“Tumigil ka nga, Andrew,” sagot ko nang pabiro rin, sabay hampas sa kanyang braso.
“Celine, anak, halika na sa dining room. Nagpa-prepare ako ng dinner para sa ating lahat,” sabi ni Mama. Hindi ko alam kung bakit parang masaya siya pero halatang may gusto siyang pag-usapan.
Sa dining room, kumpleto ang pamilya. Ang mesa ay punong-puno ng mga paborito kong pagkain, roast beef, pasta, at mango float. Habang kumakain, nagsimula na ang usapan.
“Celine,” sabi ni Mama habang inilalapag ang kanyang kubyertos, “napag-usapan namin ng Papa mo ang tungkol sa iyong future.”
Tumigil ako sa pagsubo at tumingin sa kanya. “Okay… ano naman po ang tungkol sa future ko?”
“Gusto namin na simulan mo nang magtrabaho. Hindi puwedeng ganyan lang ang ginagawa mo. Kailangan mo ng mas stable na trabaho,” sagot ni Mama na seryoso ang tono.“Pero, Ma…” sinubukan kong magsalita pero pinutol niya ako.
“Makinig ka muna. Hindi namin sinasabi na masama ang ginagawa mo, normal lang na mag relax pagkatapos sa pag-aaral. Pero gusto naming i-consider mo ang isang oportunidad. Ang kasosyo namin sa negosyo ay naghahanap ng bagong executive assistant. Sa tingin namin, perfect ito para sa iyo para matuto ka sa mundo ng negosyo.”
Natigilan ako. Executive assistant? Para sa kasosyo nila, bakit doon pa kung may sarili naman kaming companya? Napatingin ako kay Papa na tahimik lang at kay Andrew na halatang nagpipigil ng ngiti.
“Mama, sigurado ba kayo dito? Alam niyo namang hindi ko forte ang corporate world,” tanong ko.
“Sigurado kami, anak. Kailangan mo lang subukan. Hindi ka namin pipilitin kung hindi ka magugustuhan doon, pero ayaw naming hindi mo bigyan ng pagkakataon,” paliwanag ni Mama, sabay tingin kay Papa na tumango bilang suporta.
Napaisip ako. Gusto ko bang subukan? O tatanggihan ko ito? Wala naman akong magawa talaga dahil kahit tatanggi ako dito seguradong hindi ako titigilan ni mama.”Okay, I will try on it.” sinabi ko nalang at nagpatuloy ng kumain.
Pagkatapos ng dinner, hindi ko maiwasang mag-isip nang malalim tungkol sa sinabi ni Mama. Ayoko ng spotlight, at lalong ayoko ng special treatment. Kaya bago pa tuluyang ma-finalize ang plano, nagpasya akong kausapin si Papa.
Kinabukasan, habang nagkakape si Papa sa veranda, lumapit ako sa kanya.
“Good morning, Pa,” bati ko, sabay upo sa tabi niya.
“Good morning, Celine. Ano na naman ang nasa isip mo?” tanong niya, halatang alam niyang may kailangan akong sabihin.
“Pa, tungkol dun sa trabaho na sinasabi ni Mama…” nagsimula ako, medyo kinakabahan.
“Hmm, ano naman ang tungkol doon?” tanong niya habang iniinom ang kape niya.
“Pwede ba, Pa, na… itago na lang muna ang identity ko? Ayaw kong makilala bilang isang Ferrer sa kompanya nila. Gusto ko, dumaan ako sa proseso na parang ordinaryong tao lang,” sabi ko nang diretso.
Napatingin si Papa sa akin. Halata sa mukha niya ang pagtataka pero may halo rin itong respeto sa desisyon ko.
“Bakit naman, anak? Hindi ka ba proud sa pamilya natin?” tanong niya, pero hindi galit ang tono.
“Proud naman ako, Pa. Pero gusto ko lang patunayan na kaya kong tumayo sa sarili kong paa, kahit na nasa loob ako ng mundo ninyo. Ayoko ng special treatment o ng tingin ng iba na nandoon lang ako dahil anak ako ng mga Ferrer,” paliwanag ko.
Tahimik si Papa saglit, tila iniisip ang sinabi ko.
“Fair enough,” sagot niya pagkatapos ng ilang sandali. “Pero paano natin gagawin ‘yan? Kilala ka sa circle namin.”
“Gusto ko rin sana, Pa, na hindi executive assistant ang posisyon ko. Secretary na lang. Mas mababa, pero mas makikita ko kung paano gumagana ang trabaho mula sa ibaba.”
Napangiti si Papa nang bahagya. “Talagang decidido ka, ha? Alam mo bang hindi magiging madali ‘yan?”
“Alam ko, Pa. Pero gusto kong subukan,” sagot ko nang may kasiguraduhan.
Tumango si Papa. “Sige. Ako ang bahala. I’ll talk to our business partner. Pero tandaan mo, anak, kapag pinasok mo ito, wala kang special privileges. Totoo ang laban.”
Ngumiti ako at tumango. “Iyon naman talaga ang gusto ko, Pa. Salamat.”
Habang umaalis si Papa, naramdaman ko ang excitement at kaba. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin, pero handa na akong harapin ang hamon na ito nang hindi dala ang bigat ng pangalang Ferrer.
Papunta na sana ako sa aking kwarto ng napansin ko at narinig na nag-uusap si Papa at Mama. Kaya naman sinilip ko sila, sabay silang nagkakape at masayang nagkwekwentuhan.
"Mahal alam mo, masaya ako sa naging desisyon ni Celine, kahit matigas ang ulo nang batang iyon, hindi ko akalain na tatanggapin niya ang offer natin sa kanya," sabi ng ama ko na subrang saya. Ano kaya ang nakakasaya don? Aalis na sana ako ng bigla kong marinig ang salita ni mama.
"Mahal, mas mabuti nga yung secretary lang siya, mas malapit lang sila at saka baka malay mo magka developan pa sila ng feelings." sabi ng mama ko na kilig na kilig. Napaisip tuloy ako kung bakit nila iniisip ang ganon, nako naman baka sa susunod nito ibenta na nila ako, makaalis na nga at may gagawin pa ako.