Kabanata 6

1968 Words
Kabanata 6 I smirked mockingly. I'm not f*****g stupid to believe this s**t. It's a wrong move Cruors... ain't gullible. Sumandal ako habang nakatitig pa rin sa video na nakahinto. Nanliit ang mata ko roon habang pinagmamasdan iyon. It's f*****g impossible. I shook my head incredulously. Pero sandaling matigilan nang maalala ang sinabi noon ni Xaira. "Pinatay ang sariling kaibigan..." Marahan akong napailing doon. Hindi magagawa ni Atasha sa kaibigan niya iyon, sa pinsan niya... I trust her... I know she didn't. It's just a f*****g line from a retard Caceres. I shouldn't believe that Xaira. Kakapitan ko ang kadugo ko. Pahampas kong isinara ang laptop dahil sa inis. Kung ganito lang pala ang laman ng mga flashdrive, bakit kailangan pa nila kaming habulin? Isa na nga lang ang mayroon, wala pang kwenta ang laman. Malutong akong napamura at napailing. Excruciating truth can't make me stupid. I stood and go through my door. I walked leisurely downstairs, surveying my eyes around. "Wala pa rin si Vielle?" bungad na tanong ko kay Ate na siyang pinakamalapit. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Pati ang ibang pinsan ay wala, si Avani at Ate lang ang narito. "Wala pa rin," sagot ni Ate. "Si Atasha kung hinahanap mo, sinamahan si Hattie." Tumango lang ako bilang tugon sa kaniya. Kinapa ko ang susi ng motor sa bulsa. Sinenyasan ko lang si Ate na lalabas. "Saan ka?" pahabol na tanong niya. "Hahanapin si Vielle," sagot ko bago tuluyang nakalabas ng bulwagan. Huminga ako nang malalim upang ikondisyon ang sarili. My head is still clouded, I can't drive. Nagpalipas ako ng ilang mga minuto habang nakatitig sa motor bago tuluyang napagpasyahang umalis na. Hindi ako nagsuot ng helmet dahil mukhang kailangan ko rin ng hangin. Gusto kong makaramdam. Lalo na't nagiging manhid na ako sa mga nangyayari. Tangina. I slow down my speed since it's a light a traffic. I took out my phone and tried to contact Kaiden. "Hello, Leuxia?" ani Kaiden nang sagutin ang tawag. Nagmaneho ako na isang kamay lang ang gamit dahil kausap siya. "Can you find Vielle's location right now?" I asked with eyes on the road. "Nakalimutan mo na yata Leuxia," natatawang sabi ni Kaiden. "Hindi ako nakakahanap ng mga Levesque na nawawala." Umismid ako nang maalala ang tungkol doon. Hindi ko alam kung bakit pero sigurado akong sila Lucien ang dahilan noon. "Tss," inis na untag ko habang nagmamaneho pa rin patungo sa hindi alam na daan. Sandaling tumahimik ang linya. Ibaba ko na sana pero narinig ulit si Kaiden na nagsalita. "Si Leuxia," mahinang sabi ni Kaiden na para bang may kausap na kasama roon. "She's in the junkyard!" I heard the voice from the background. "Nasa junkyard daw, Leuxia," pag-uulit ni Kaiden. My brows furrowed as my forehead creased perplexedly "Sino may sabi?" takang tanong ko. Saglit pang tumawa si Kaiden sa kabilang linya, mukhang inaasar ang mga kasama roon. "It's Magnus, Laxur," Kaiden said almost laughing. My brows furrowed on it. What the f**k. I drifted expertly, still in call. Magsasalita palang sana ako ay biglang naputol ang linya. Hinayaan ko iyon at ibinalik na sa bulsa. Iniba ko agad ang direksyon ng pinupuntahan. Sa junkyard, kung saan namin ginagawa ang street racing. What is she doing there? My brows were furrowed while driving expeditiously until I finally reached the junkyard. Amoy agad ng gasolina at kinakalawang na bakal ang sumalubong sa akin habang nagmamaneho sa mahabang daan na iyon. "Laxur? Narito ka rin?" bungad sa akin ni Bryson, kasunod niya si Vox. "Stop calling me Laxur," I said coldly as I get off from my Ducati. Nagkatinginan sila ni Vox pero tumango nalang. "Anong meron? Pati ikaw narito na rin," Vox said perlexedly. "Pati ako? Narito nga si Vielle," bahagya akong tumango. Inilibot ko ang tingin habang nakatukod ang siko sa manibela at nakasandal sa motor. The whole Gorostiza Racing Community are here. Gaya namin na malimit tumabay dito lalo na't gabi na. "Oo nakita ko lang kanina 'yon dito," sagot ni Bryson sabay tango. "Nasaan siya ngayon?" tanong ko at ibinalik ang tingin sa kanila. Naghintay ako ng sagot pero pareho silang nagkibit-balikat. Masama ko silang tiningnan. Vox laughed and raised his hands. "Basta hindi pa 'yon nakakaalis," he answered and pursed his lips. "Baka lumibot lang dito." Tipid akong tumango at inilipat ang mata sa motor. I opened the secret storage where a gun was hiding. Pasimple ko iyong ginawa at tuluyang kinuha para hindi makita nila Vox. Nanlaki nalang ang mga mata nila nang makita ang baril na hawak ko. "May ganap ba?" pangtsitsismis agad ni Bryson. "Wala," tiningnan ko sila na nagababanta ang mga mata. "'Wag lang kayo maingay." Sumaludo lang sila bago ako tuluyang tumalikod. Dumiretso ako sa loob ng casino bar na pagmamay-ari ni Allison dati. Naging alerto ako sa paligid hanggang sa makapasok doon. May iilang natigilan nang lumangitngit ang kahoy na pinto nang buksan ko. Napatingin sila sa direksyon ko. I can easily see their shock faces as well chilling. I was standing straight without any emotion looking at them. "Avior?" gulat na tanong ng isang pamilyar lang sa akin. Tinanguan ko lang siya bago nagpatuloy sa paglalakad. Inilibot ko ang tingin hanggang sa makarating sa gitna. Hindi ko nakita ni-anino ni Vielle sa loob ng casino bar. "Si Vielle ba? Kalalabas lang daw sabi nila," singit ni Bryson na sumunod pala sa 'kin. I looked around again, observing the surrounding. I felt something strange, I ignored it but still being observant. Diretso lang ang tingin ko gaya ng lakad pero ramdam ko ang pagsunod ng mga mata nila. Gulat at nanibago na bigla kaming lumitaw ni Vielle rito. Mabilis kong inilibot ang paningin sa labas. Dumapo ang mata ko sa medyo madilim na parte. Malapit doon ang tunnel na kinakarerahan namin. Nanatili ang titig ko nang makita ang pamilyar niyang bulto. Mabilis akong naglakad patungo sa kaniya. "Vielle," I called her. She turned her back and glanced at me. She didn't look shock, seeing me here. She didn't even flinch when I pointed my gun at her directly. I surveyed her face coldly. "Anong ginagawa mo rito?" malamig na tanong ko. "Tungkol kay Allison," kaswal na sagot niya at walang pakialam sa baril na nakatutuok. Saglit lang na nagsalubong ang kilay niya nang itutok ko ang baril kanina. Mukhang nakuha niya. Kasabay ng pagputok ko ng baril ay ang paglingon ni Vielle sa parehong direksyon kung saan patungo ang bala. Nanatili ang titig namin sa bultong tumatakbo palayo. Kanina ko pa nararamdaman iyon habang papunta palang dito. Kaya hindi na rin nagulat si Vielle doon. "Bakit?" takang tanong niya na tinutukoy ang baril. "Umuwi na tayo, tsaka ko maipapaliwanag," untag ko. Tumango siya agad kaya pareho kaming pumunta sa kani-kaniyang motor. Mabilis kaming humarurot paalis doon. Nagtaka ako nang bahagyang dumikit si Vielle kaya nilingon ko siya. "May sumusunod," aniya. Napatingin agad ako sa side mirror at nakita ang dalawang motor na nakasunod sa amin. Two plain black motorcycles chasing us. Tinanguan ko si Vielle bilang senyas. Nagtataka lang ako kung bakit hindi sila umaatake hangga't nasa halos harap lang nila kami. Napaawang ang bibig ko nang biglang mag-overtake ang isa sa unahan namin. Sobrang bilis ng takbo niya at nagawa niya iyon. Ang isa ay naiwan sa likod. Nanatiling nakasunod sa amin. Nagtagal ang titig ko sa nasa unahang nakamotor namin. Natatabunan ng itim na hood ang ulo nila at itim din na maskarang kalahati ng mukha. Halos matigilan ako nang bahagya niya kaming nilingon mula sa likod. Kitang-kita ko ang pamilyar niyang mata. Napaawang ang bibig ko. Itinagilid niya ang ulo kaunti bago tuluyang humarap ulit. Ramdam ko ang kakaiba sa akin habang nakatingin pa rin sa kaniya. No f*****g way. "Yung isa pa," ani Vielle sa na nakalingon sa likod. Hindi na 'ko nagtaka nang bigla niya kaming ungusan. Nanlaki ang mata ko nang tanggalin niya ang hood at mask. Aitana smirked on us insultingly. She waved her hand mockingly before driving away. "What the heck?" Vielle said with eyes widened. "f**k it!" I cursed loudly. Lalo kong binilisan ang takbo na para bang nasa karera. Pero kahit anong pilit ko, hindi ko na naabutan. Silang dalawa rin ang humabol sa amin kanina. Malutong akong napamura... "s**t," Vielle hissed. She took out a gun and tried to shoot their motorcycle. We both failed until we reached our mansion. "Kailan pa nagpapakita ulit si Aitana?" agad na tanong niya nang makababa kami. "Kanina lang din," untag ko at napailing. "Noong tumatakas kami galing kila Allison." "Sino yung kasama niya?" she asked again. I shrugged, remembering it. I shook my head, it's f*****g impossible. "Hindi ko rin kilala." Sinenyasan ko siyang sumunod na sa akin papuntang kwarto. Nagsalubong pa ang kilay niya nang makitang kinuha ko ang laptop. "Nakuha ko ang mga flashdrive na 'to sa gamit ni Allison," panimula ko. "Lahat ay walang laman maliban sa isa." "Anong laman?" takang tanong niya. Binuksan ko ang laptop. Sinunod ko ang nag-iisang ang folder. I tried hacking the system of the link file. Gaya kanina, ay biglaang bumukas iyon na hindi ko pa natatapos. I played the video as Vielle watched carefully. Her brows furrowed, staring at the monitor. She smirked mockingly. "Ang babaw na plano," ngumisi si Vielle. Hindi pa natatapos ang video ay biglang nag-glitch iyon. It suddenly turned off. Sabay kaming nagkatinginan ni Vielle dahil doon. Ilang segundo lang ay narinig ko ang tawag sa phone. "Hello," sagot ko agad. "Go here," Trevan said. "It's about the flashdrives." "Okay," mabilis na sagot ko at tumayo. Nilingon ko si Vielle. "Sa mga Bloodfeud." Tumango siya at hinintay akong kuhain lahat ng mga flashdrive na nakuha mabilis kaming sumibat paalis ulit ng mansion. Wala nang sumubok na habulin kami habang papunta na kila Trevan. Nakarating kami roon nang mapayapa. We quickly entered the hideout. Bumungad sa amin ang mga Bloodfeud sa paligid. Gabi pero gising na gising pa rin. "Leuxia, Domina," bati nila. We just nod. Tinungo namin ang mesa kung nasaan sila Trevan. Parehong may kaharap na laptop sina Kaiden at Giusteo. "Ano bang meron?" tanong ni Kyro na humihikab pa. "Just shut up," Laxner warned him. Sumimangot si Kyro at humikab pa ulit. "Nakakarindi, matulog ka nalang," untag ni Zyon na masama ang tingin. "Paano 'e ang ingay mo rin," sagot ni Kyro sa kaniya. "Bakit sa akin ka ba tatabi?" sarkastikong untag ni Zyon. "Ha? Nasa kama ka ba?" tanong ni Kyro. I looked at them with brows furrowed. "Can you two just shut up?" Trevan glared at them. He stood from the swivel chair and looked at me. "Where's the flashdrives, Laxur?" Trevan asked and walked towards me. "Heto," untag ko at iniabot iyon. "Walang mga laman. Malib-" "We already knew," Trevan nodded, still eyes on me. My brows furrowed. Nagkatinginan kami ni Vielle sa pagtataka. "Paano?" takang tanong ko. "Giusteo just hacked the site where you are watching the video," he said in a monotone. Napaawang ang bibig ko roon. What the f**k? The glitch earlier and blackout. "May laman talaga ang mga flashdrive na iyon," ani Laxner. "Dahil kung wala, hindi naman kayo hahabulin kanina." "Paanong nawala bigla?" naguguluhang tanong ko. I surveyed my eyes upon them. "They maybe corrupted or deleted the files before you can even open it," Giusteo answered. "Paano? 'E nasa atin naman yung flashdrive?" singit ni Kyro. "The technology. Think of it, they can do anything," Magnus remarked. Napailing ako roon. Sabi ko na, hindi pwedeng ganoon lang iyon. "Iba rin ang huling ito sa apat," untag ko. Tumango sila nang marinig iyon. "Dahil iba talaga 'yan," ani Giusteo. "Iba rin ang laman sa totoong nakuha niyo." Napaawang ang bibig ko nang marinig iyon. Marahan akong napailing. Someone meddled again. f**k it. "Someone exchanged the last flashdrive with you, earlier." - LIV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD