His Ruthless Temptation Kabanata 26 “AALIS KA?” Boses ni Azaleah ang halos nagpaigtad kay Calantha nang walang babalang dumating ito sa kanyang likuran habang kumukuha siya ng straw fishing hat mula sa koleksiyon ng kanyang Nanay Tonya na naroon at naka-display lamang sa sala de bisita. Calantha cleared her throat and straightened her expression. “I’m going to visit the newly acquired farm.” Tugon niya kay Azaleah, acting too formal. “Hindi ko pa iyon nasusuri ng maigi kaya naisipan kong gawin iyon habang naririto pa ako.” Atsaka niya isinuot ang napiling sambalilo na magiging panangga niya mamaya sa init ng araw. Balak na talaga niyang magtagal sa nasabing farm na kanyang nabili sa dating Alkalde sa bayan nila. Kung hindi lang sasama ang loob ni Nanay Tonya ay ngayon na sana bal

