His Ruthless Temptation Kabanata 25 NAKALABAS NA sa dambuhalang tarangkahan ng mansion ang Gran Tourer BMW ng kapatid niyang si Chandler nang dumating sa porch si Calantha. Ngunit hindi iyon ang nagpatigas sa kanyang mukha kung hindi ang kanyang sasakyan na sana ay gagamitin niya pauwi ng Macalelon. Naliligo iyon sa bula. Habang si Mang Nando na inaasahan niyang magmamaneho sa kanila ay nakapambahay pa rin at basa pa dahil sa paglilinis ng kanyang sasakyan. “Mang Nando!” Akma na niyang sisigawan ang chauffeur na halatang sinasadyang hindi lumingon sa kanya nang tapikin ni Favru ang kanyang balikat. Halos mapaigtad siya roon. “You don't need to get furious. Kagustuhan ko na ako ang magmamaneho para saiyo.” Favru huskily spoke beside her in almost a whisper. Napatingala rito si Calan

