Chapter Seven

3030 Words
Chapter Seven: Work The week passed with Calix taking care of me. Last day we went to my OB for check up. Healthy naman daw ang baby at kailangan ko e-maintain iyon. Sabay din kami ni Calix nag grocery for our daily food. He was staring at the baby section when were roaming around. "What do you think will be the gender of our baby?" Hearing him saying 'our baby' makes my heart melt for no reason. I smile. "I don't know either. I want to surprise" Nong gabi ding iyon ay napagusapan namin na babalik na'ko sa trabaho. Di pa naman masyadong malaki ang tiyan ko and I can still work. Pumayag din naman siya paghulihan. At napagusapan namin iyong meeting kina Mommy. Don ako mas kinakabahan. "I won't pressure you. If you're ready then we will meet them but if you're not, then it's fine. Don't stress yourself too much, babe" nakakainis talaga iyang mga callsign niya sa'kin. "Alam mo Saavedra, maharot ka. Diyan ka na nga!" He laughed. "Really? Am I being maharot? Hindi naman ah" he said in a baby tone with matching pout. Hinampas ko nalang siya ng unan pero tumawa lang siya at mas lalo pa akong inaasar. "Why so pikon Camille? Just admit na kinikilig ka, I won't mind" Hinayaan ko na siya don sa sofa na mas lalo niyang ikinatawa at kung ano na ang tinatawag sa'kin. "Hey, babe. Love? Hahaha, you're so pikon, sweety" I shouted. "Shut up, Saavedra! Maharot ka! Kinaumagahan ay maaga akong gumising pero mas maaga pala si Calix. He greeted me a good morning with a smile. Umupo ako sa counter at pinagsadhan siya ng tingin. He's topless but wearing the pink apron. He looks professional while cooking. This Seaman can cook. "Where did you learn cooking?" I asked. "Hmm, my Mom and Titas taught me. Then, some are my own recipe. I cooked pasta" Amoy ko agad ang niluto niyang pasta na may weird sauce. Kumain agad ako and it taste really good. Not just typical pasta. And as I heard from him he's really close with his family. Pero nong nasa dinner kami ay parang di sila bati ng kapatid niya. "Ahm, bakit ka nga pala nag sinungaling nong dinner. You can't tell to your parents that I get pregnant because of one night stand? You can't bare the shame?" I suddenly asked. Baka lang kasi. He's known as a respected Seaman and a Saavedra pero may nabuntis dahil lang sa isang Gabi ng pagkakamali. Well, who can't bare the shame because of that. "Hey, iniisip mo ba kaya ako nag sinungaling para takpan ang reputasyon ko? No! It's not, Camille. I lied so they won't asked you more and humiliated you, lalo na si Daddy. I can bare the shame Camille but I can't bare, you being humiliated and feel ashamed of yourself" napayuko nalang ako. Yeah, I was wrong. He held my hand. "I don't want you to be sorry for yourself, Camille. Let me handle it. You deserve to be happy, not being humiliated." I smiled at him. "Thank you, Calix" Iyon lang ang tangi kong nasabi. If without him I don't know how will I handle it. I've been saying to myself that I can do this but the truth is I can't. I don't know how to handle this alone. Duwag ako basta ganito, pinipilit ko lang ang sarili kong maging matapang dahil alam kong sarili ko lang ang kakampi ko. But now, I have Calix beside me and I'll choose to trust him. Kinuha ko na agad ang lab coat at bag ko bago kami lumabas. Usapan kasi namin ay hatid sundo niya ako kaya di na ako umangal. He open the car door for me and remind me to buckle my seatbelt. "Text or call me if there's something happen, okay? I'll be back later. Don't forget to eat lunch and take your vitamins. Take care" bahagya akong nagulat nang halikan niya ako sa noo. "Ah, okay.." medyo nakatulala akong napatalikod. I heard his low chuckle kaya mas binilisan ko ang paglalakad papasok sa Ospital. Damn you, Saavedra! But heck, why am I smiling like an idiot? Ugh! Stop it, Camille! Winaksi ko nalang sa isip si Calix at nag simula nang mag rounds. Kinamusta ako ng mga co- Doctor at team ko. It's felt good to be back. I miss walking in the hallway of this Hospital. Calix called when it's lunch time. Pina remind niya sa'kin na kumain at inumin ang gamot ko. [I'm with Travis. Take care, okay?] "Okay po. Sige, bye!" I already hang up the phone. Bigla akong sinundot ni Alice. "Yiee! Sino iyon? Bago mong jowa? Iyong naghatid sa'yo kanina?" Nag simula na silang tuksuhin ako tungkol sa lalaking naghatid sa'kin kanina. Umiling nalang ako at di na sumagot. Di ko naman din kasi alam kung ano ang isasagot ko. Nagpatuloy ang rounds ko. Wala naman akong Operation ngayon kaya mas madali ang trabaho ko. Nong gumabi ay maaga akong nag out kaya naghihintay lang ako sa labas. Calix hasn't replying to my text so I'll just wait here. Then a car stop in fornt of me. It's Calix. "I'm sorry if nalate ako. Inuwi pa kasi namin si Migo. Kanina ka pa dito?" He really looked worried. I shook my head. "Hindi, bago lang" I lied. Pinasakay niya na'ko at nagmaneho pauwi. "How's your day?" He asked. "Okay lang naman,masaya. Ikaw? Ano palang ginagawa niyo kila Travis?" His eyes is still on the road. "May problema si Migo, nag aya ng inuman sa Bar ni Travis" tumango nalang ako. Marami pa kaming napagusapan sa mga araw namin ngayon. At nag simula na naman siya sa kaharutan niya buti nalang tumigil na siya nang makauwi kundi masasapok ko na talaga siya. Sabay kaming pumasok sa unit ko. Like the usual routine, he cooked for our dinner. Dahil pagod siya ay adobo nalang ang niluto niya. After non ay nag half bath at nagbihis na para makatulog. Habang si Calix ay naliligo pa. I just lie in my bed and scroll in my social media. I was stunned when I receive a chat from the guy I want to forget... it's Arthur. Kahit kinakabahan ay binuksan ko parin ang message niya. artgamboa_ : Hi love, Camille pala. How are you? I'm really sorry for what I did. Can we talk? Pls. I off my phone and close my eyes. s**t! Bakit nagparamdam pa siya? Love? Bwesit! Bakit niya pa binabalik iyon. Ano wala na sila ng bestfriend ko at babalik siya? Ughhh! This is frustrating. Gusto kong magkaroon kami ng closure pero paano ko gagawin iyon kong masakit parin at alam kong may pagmamahal pa'ko sa kanya. Matagal naming binuo ang relasyon namin at sinira niya lang iyon. Hindi lang iyon pati ang pagkakaibigan namin ni Julie, nasira. For now, I can't find the forgiveness that he wanted. Maybe next time if the pain is healed and I didn't love him anymore baka... baka makuha ko siyang patawarin pero hindi ngayon. Lumabas naman si Calix sa banyo na naka topless at sweatpants lang ang suot. Pinupunasan niya ang buhok ng towel. Napaiwas ako ng tingin dahil mukhang nagiiba na naman ang paningin ko. Mag hunos dili ka Camille! Kinuha niya na ang unan ay blanket. "Goodnight. Sleep well" he said and give a peck to my head. "Wala bang goodnight back diyan?" Mapang asar niyang sabi. "Night." I said and cover my body with a blanket. He chuckled. I heard the door open and close. Inalis ko na ang blanket at napanguso nalang. Why I want him to sleep with me? Hays! Pinikit ko nalang ang mata ko at piniling matulog na. Baka ma-stress lang ako sa mga iniisip ko. Weekends, my cousins visited me at todo tukso sila sa'kin. Umalis naman sandali si Calix kaya naiwan kaming apat dito. Nagdala pa sila ng grocery at ibang pagkain. "Yiee! Ikaw ah. May nangyari ba?" Mapanuksong sabi ni Maye. Tinampal ko siya. "Anong nangyari? Wala ah. Nagkaroon na nga sa loob dadagdagan pa? Baliw!" Nagtawanan sila sa sinabi ko. Nag kwentuhan pa kami doon tungkol sa mga nangyari sa'min, like the usual. Umabot pa iyong usapan kung kailan magkakaanak si Reign na siyang unang kinasal sa'min. Siya nga ang unang kinasal ako naman ang unang magkakaanak, weird right. Umuwi na sila nong hapon na at siyang pag uwi ni Calix. "Uwi na kami. Bye Cammy, take care. Calix alagaan mo ang pinsan namin ah" Reign said. Napailing nalang ako. Bago sila makalabas ay binigyan pa nila ako ng makahulugang tingin. Inirapan ko nalang na kinatawa nila. Mga sira talaga. Bumalik nalang ako sa sofa at humiga. "San ka galing?" I asked out of curiosity, walang malisya. "I went out with Leo. Are you hungry, I'll cook for you" Tumango nalang ako nag request ng chopsuey. "Okay, your wish is my command" Napailing nalang ako. Umupo ako sa counter para tingnan siyang magluto. I'm just amazed to his cooking skills, he seems professional. Lalo na iyong mabilis niyang pag chop, di ko kasi kaya iyon. I know how to cook but simple and easy food nga lang din pero healthy. "Ahm, when are we meet your parents" Oh,that topic again. I'm still thinking about it. Natatakot at kinakabahan parin ako. Ang mga pinsan ko palang ang may alam tungkol dito sa Pamilya ko. Pero ayaw ko na ring patagalin pa ito. I want to tell them so I won't hide and feel guilty anymore. After all, they deserve to know as my parents. "Maybe, tomorrow. Day-off ko bukas, kung pwede sa'yo?" I asked. "Of course. Don't overthink, okay" I nod. Nang matapos kaming kumain ay bumalik na ako sa sofa. Naghuhugas pa ng pinggan si Calix. My phone keeps beeping so I open it. Napabuntong hininga nalang ako at pinatay ang phone. It's Arthur that's keeps messaging me. Kahit papaano ay namiss ko rin makasama si Julie. She's been my friend since then but I really didn't expect that she will betrayed me. Naupo sa tabi ko si Calix. "Are you okay?" I nod. "Are you sure for tomorrow?" I nod again. The earlier the better. "Sige na matutulog na'ko. Nighty" tinaklob ko agad sa katawan ko ang kumot. Honestly, I'm so nervous. Mataas ang expectation my pamilya ko sa'kin, hindi man nila ako pinepressure pero alam ko iyon. How can they make me proud to all of our relatives. And knowing my family as a respected people and known in different field, baka mapahiya lang ako. But Calix' words always kept in my mind. I know this was a huge mistake but whatever it takes I won't back out. Kasama ko naman si Calix, e kaya di dapat ako matakot. Besides, this baby is a miracle for me... for us. "Ah, bumili muna kaya tayo ng foods? Ahm, ano bang favorite nila? Drinks? Ah, ano ba pa?" Di ko alam kung matatawa ba ako o mag aalala sa inaakto ni Calix. "Aish! Wag kang OA. Don't overthink too much" Kanina pa kasi siya nagsasalita at nagpalakad lakad. Para tuloy siyang kinakabahan na mamanhikan sa Pamilya ko. Aish, pamamnhikan agad? Kayo na ba? Kayo na. Pinilig ko nalang ang ulo ko at iniwan siya don. Di pa'ko nakapag ayos dahil bigla niya akong tinawag dahil lang don. Actually, I'm the one who's really nervous. How would I tell it to them? Will I explain everything? Paano mag magalit sila? Paano pag itakwil nila ako? Hindi naman siguro. Mahal naman ako ng mga magulang ko. "Says who overthink too much.." umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. Everytime he did that it makes my heart flutter. "I admit, I'm also nervous. But, always remember that I'm on your side. Whatever the outcome is, I'm always here for you." I think his words is enough to make me feel at ease. Iyon naman ang lagi kong sinasabi sa utak ko. Ano man ang mangyari alam kong hindi niya ako iiwan... syempre para sa bata. Iyan din ang lagi kong sinaksak sa utak ko. He all did this for the baby. Para malibang I get my phone and listen to a lullaby song that I downloaded. Sabi kasi ng OB-Gyne ko na nakakapag relax daw ito para sa'kin at sa baby. I actually read many pregnancy brouchers at iba pa para malaman ang tama at safe na pagbubuntis. Eh, ano naman kasi ang alam ko. And it's better this way, nakakalibang. Napatingin ako kay Calix at nahuli siyang nakatingin sa'kin. Madali niyang iniwas ang tingin. Patago nalang akong ngumiti. The car stop infront or our house. Binuksan ng guard ang gate para makapasok ang kotse ni Calix. Pagpasok ay si Mommy agad ang bumungad sa'min. "Cammy baby. Buti nalang at dumalaw ka. Mommy misses you so much. How--- Oh, may kasama ka pala" awkward nalang akong ngumiti kay Mommy. Napatingin naman si Daddy at Ate sa gawi namin. Biglang nangunot ang noo ni Ate. "Good morning po, Mrs. Lopez. Pati rin po sa inyo Mr. Lopez" Calix greeted. Napakaformal naman ng lalaking 'to. Nakatinginan muna si Mommy at Daddy. "Ah, My, papaupuin muna na'tin siya. Ah, hi baby Caira, Tita miss you na" Lumapit nalang ako kay Caira upang makaiwas sa mga tingin nila. "Oh, okay. Ah, Calix why don't you eat lunch with us. Nong nalaman kong uuwi si Camille dito nagluto agad ako ng favorite niyang chicken curry. Hon, let's eat na." Sabay kaming pumunta sa dining table. Super awkward namin sa mesa. Kahit na super favorite ko ang ulam ngayon ay di ko ma appreciate dahil sa presence sa paligid ko. Naramdaman ko rin na kinakabahan nga si Calix. Buti nalang nagsalita si Mommy. "Ah, Calix it's a surprise na pumunta ka rito. Ahm, can I ask kung bakit magkasama kayo ni Camille?" Ayan na.. Calix cleared his throat. "Ahm, actually we came here po to tell you something important..." Kainis naman ako iyon kinakabahan para sa kanya. "Camille is pregnant. Pero wag po kayong mag aalala dahil papanagutan ko po siya" Talaga bang straight forward siya? Napatingin naman ako agad sa parents ko at lahat sila ay natahimik at napatulala. Napalunok ako dahil sa kaba. Ito na ba kasi iyong sinasasabi ko eh. Kung kinakabahan ako kanina sa dining mas lalo ngayon. Nakaupo kaming lahat dito sa sala. Seryoso ang mga mukha ni Mommy at Daddy at nakakunot naman ang noo ni Ate. And for sure may namumuo diyan sa isip niya. "Bakit ngayon niyo lang sinabi? Kailan pa? Paano nangyari?" Napalaki naman ang mata ko sa sunod sunod na tanong ni Mommy. Hinawakan siya ni Daddy para pakalmahin. "Okay, di na namin tatanungin kung ano ang mga nangyari. So what's your plan? Are you willing to marry my daughter, Calix?" "Po? Ah, eh, Dad di naman po siguro kailangan ng kasal. I mean kaya naman po namin palakihin ang anak namin, diba Calix?" Sinagi ko pa siya. Napatingin siya sa'kin kaya sumenyas ako na sumangayon siya sa'kin. He cleared his throat. "Ahm, yes po. Kaya ko naman pong buhayin si Camille at ang magiging anak namin. But if you'll allow I can marry her anytime" nanlaki ang mata ko sa huli niyang sinabi. Anong pinagsasabi ng lalaking 'to? Napatingin ako kina Daddy at tumango tango naman sila. Oh my gosh this isn't in my plan. Di naman ako maka sabat dahil baka anong isipin nila Mommy. Nakita ko naman na sumenyas si Mommy kay Ate kaya nagtaka ako. "Ah, Camille tulungan mo'ko mag prepare ng merienda, dali" agad naman akong hinila ni Ate papunta sa kitchen. Kumuha nalang ako ng apple at nag slice nito. Alam ko naman na gusto na talaga akong kausapin ni Ate. Knowing my sister na masyadong observant at matalino para malaman kung ano ang sitwasyon ko. She cross her arms and face me. "So, mind explaining to me, Cammy? Ano iyon? And what? You're pregnant?!" Napayuko nalang ako kasi alam ko naman na guilty talaga ako. Kaya wala akong choice kundi sabihin kay Ate ang lahat. After all, she's the person I really trust and I can rely on. Gulat na gulat siya sa nangyari matapos kong sabihin sa kanya iyon. And I know that she's mad for what happened. She lower her voice but she still emphasize her words. "Ano ba naman ang pumasok sa utak mo, Camille. I know you're broken and hurt but why did you get to that point. What if kung ibang lalaki iyon? Eh, hindi mo pa nga kilala si Calix non. Paano na? Matalino ka Camille pero bakit minsan di mo ginagamit ang utak mo?" Masakit, oo pero tama siya. Di ko naisip kung paano kung ibang tao iyon baka napano na talaga ako. "Nagkamali na din ako Camille kaya nga ayokong matulad ka sa'kin." She sigh and hold my hand. "But at the same time, I'm somehow thankful to Calix cause he didn't leave you. Alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo but I hope you'll learn your lesson. Nagaalala lang ako." Pinilit kong di maiyak sa sinabi ni Ate. I know what she's trying to point out and I'm not mad. Masaya ako kasi alam kong nagaalala siya. Nagpaalam narin kami kina Mommy at Daddy kanina. Calix is driving on our way home. Di ko alam kung anong sinabi ng parents ko sa kanya pero medyo nagaalala ako. Pero ngayon na nasabi ko na sa kanila, magaan na ang pakiramdam ko. "Are you okay now?" He asked then I answer him a nod. While his left hand is in steering wheel his other hand was caught mine. By holding his hands make me feel at ease. I shouldn't feel this way but my heart says otherwise. After all galing ako sa broken hearted at baka hindi pa talaga fully healed ang puso ko. I don't want to hurt Calix and I don't want to be hurt either. But whatever it is, I'm always thankful to Calix. He stay with me throughout all of this. Afterall he's the father of my child. But for now I think I should guard my heart. Mahirap na.... Another heartbreak sounds devastating.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD