Chapter Six: Family
Nakayuko ako habang patuloy parin si Seb sa pagtatanong ng kung ano ano. Pareho kaming nagulat. Siya, dahil nakita niya ang ultrasound picture. Ako ay dahil nakita kong hawak niya ang ultrasound picture. Ngayon alam na nila at ang dami nilang tanong at pangaral.
"Camille Meryl Salazar Lopez. Ano ba naman ang iniisip mo. Bakit di mo sinabi sa'min agad? Nasaan si Art at sasapakin ko ang lalaking iyon. Dapat panindigan ka niya!" Andi hysterically said.
Mas napayuko ako. They thought that the father of my child is Art. Di ko talaga alam paano sasabihin sa kanila. Di ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila. Sobrang gulong gulo na'ko sa sitwasyon ko ngayon. Di ko na alam ang gagawin ko. Napakagat labi nalang ako. I'm really doomed.
"Ano nang plano mo Camille? Hindi ka ba papanindigan ni Arthur? Halika pupuntahan na'tin siya. He just can't abandoned his child. Gago siya! Pag nakita ko siya baka masapak ko lang ang putanginang iyon" susugod na sana si Seb pero pinigilan ko siya.
Kita sa mukha niya ang pagaalala at inis. Nakayuko parin ako. Kailangan kong sabihin sa kanila ang lahat. Bahala na kung ano ang mangyayari. Napakagat labi ako at huminga ng malalim bago nagsalita. I really stop my tears from falling. I need to be strong.
"Guys, hindi si Art ang ama nito..." Nanlaki ang mata niya. "What?... Ano.. Paano nangyari iyon? Kung ganoon sino?" Napatingin ang boys sa'kin at parehong naguluhan din.
Naiiyak ako. Nanginginig na din ang mga kamay ko. "Si... si.. si Calix ang ama"
Natahimik sila sa sinabi ko.Inangat ko ang ulo ko para makita ang reaksyon nila. Di sila nagsalita at nakatulala lang, parang pinoprocess pa sa utak nila ang sinabi ko. Yeah, I know, I'm such a disappointment. Mali na ako pero wala na akong magagawa. Andito na'to at kailangan ko nalang tanggapin. Napayuko at tinakpan ang mukha gamit ang palad habang umiiyak. Hindi ko na talaga napigilan eh.
Lumapit si Drew sa'kin at hinagod ang likod ko. Tahimik niya akong pinaupo.
"Calix? You mean Calix Saavedra, pinsan ni Travis?!" I nod as a confirmation to Drew's question.
Napahilamos si Andi at Seb. Umiyak lang ako ng umiyak. Pinapatahan parin ako ni Drew kahit alam kung pati siya ay di alam kung anong gagawin. After I became calm I tell them the whole story for them to understand. I even tell them that Calix knew and he took the responsibility.
"Aba dapat lang! Kasi kung hindi ako ang sasapak don" Saad ni Andi. "Pero ano nang plano mo? May alam ba ang girls dito? Si Reign did she know?" Andi asked.
"The girls knew about my pregnancy but Reign didn't know who is the father"
Napahilamos nalang sila. I felt guilty and bad. Dapat masaya ang araw na'to eh but I just lied. Di ko sinabi kay Reign kung sinong ama ng bata na pinsan ng asawa niya. Sinekreto ko sa mga boys kaya pati sila nadamay at naguluhan. Mas naging magulo.
May nag buzzer kaya si Andi na ang nag offer na mag open. Nakangiti pumasok ang girls pero nawala ang ngiti nila nang makita akong umiiyak.
Sianbi ni Seb ang lahat at pati sila ay nagulat. Mas lalong nagulat si Reign nang malaman na ang ama ng bata ay si Calix. Napayuko nalang ako sa disappointment. Umupo si Reign sa tabi ko at niyakap.
"I'm sorry, I don't know. Ano nang plano niyo ni Calix? Gosh! I can't still believe it. Kaya pala he keeps looking for Camille and little didn't I know ikaw ang tinutukoy niya.." Reign said.
Medyo nagulat naman ako doon. Totoo ngang hinanap niya ako. Nagsorry nalang ako sa kanila. Sa mga maling bagay na nagawa ko. But I didn't regret anything now. Maybe I should just face the consequences of my acts. Sa'kin lang ayaw kong may madamay at mas lalong lumaki ang gulong 'to.
My phone didn't stop ringing and beeping so I already checked it. Namilog ang mata ko nang makita ang maraming missed calls and text ni Calix. Siya pala ang tumatawag kanina pa. May nag do-doorbell at kumakatok sa pinto. Mailey open it. Mas lalo akong nagulat nang makitang papasok si Calix. Napatayo kami ni Reign.
Nagulat siya ng makita si Reign sa tabi ko. What the heck is he doing here? And the worst is hindi lang siya ang andito. He's with his cousins and even Reign's husband. s**t! Anong meron? My heart beats so fast.
"Okay, what's happening?" Naguguluhang sabi ni Mailey.
Lumapit agad si Travis kay Reign at hinalikan ito. Lumapit si Calix sa'kin at hinawakan ang kamay ko. Bahagya akong nagulat sa ginawa niya.
"You didn't answer my calls and text so I got worried. Are you okay? You're crying" He caress my hair. I saw worry in his face.
Nasa Salas kaming lahat. Magkatabi kaming dalawa ni Calix. Base sa mga tingin ng pinsan niya ay parang inoobserbahan ako. Kinakabahan ako. Alam na siguro nila ang pagbubuntis ko. Hawak ng isang pinsan ni Calix ang ultrasound picture na nilagay kanina ni Seb sa table. Kumakabog parin ng malakas ang puso ko.
"I already punch Calix. So, what's the plan now? Kailan niyo sasabihin sa kanila?" Travis said.
"It's not easy as what you think. It's fine in Calix side but how about Camille? Mahihirapan siya. Magiging malaking usapan 'to. And for sure disappointments at panghuhusga lang ang matatanggap ni Camille galing sa Pamilya namin" Drew calmly said but his expression says otherwise.
Medyo nagtatalo pa sila kung anong gagawin. I just silently listen to them. Whatever the decision is, it's still won't change all.
"I suggest na sabihin niyo nalang. You can't keep this matter forever. Sa tingin ko ay wala din naman na silang magagawa kasi nangyari na. Tita Calisa would be glad to know that she will have a grandchild. Just explain it well, Camille. Di ka naman papabayaan ni Calix eh. Besides you have us as a back up..."
Di ko alam pero sobrang gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi ng pinsan niya. They willing to support their cousins. Sinangayunan ng lahat ang sinabi ni Migo. Tinukso pa siya ng ibang pinsan sa pagbibigay ng magandang advice.
"Tangina! First time iyon Migilito!" Napailing nalang si Calix sa kanila. Nagulat ako nang hawakan ni Calix ang kamay ko. "I'll be with you in every way it takes. Just trust me." Ngumiti nalang ako sa kanya at nagpasalamat.
I think it's not this bad at all. Ang hindi niya pagtakbo sa responsibilidad ay ayos na sa'kin. Pero sobra pa na salamat dahil handa siyang samahan ako sa lahat ng 'to. Nong araw na iyon ay nag order lang sila ng pagkain pero shemay puro gulay at nutritious foods ang inorder nila. Kung OA ang mga pinsan ko double pa ang pinsan ni Calix. Natatawa nalang si Reign at Maye sa kanila. Ganito ba talaga sila pag may buntis? Ang OA ha.
Naging maayos naman ang boys dahil kinausap na sila ni Maye at Audy. Alam ko naman na nagaalala lang talaga sila sa'kin and I really appreciate it.
After that lunch ay umuwi narin sila. Nagpaalam narin si Reign at Maye. I thank Calix' cousins for their concerns. Todo paalala naman ang boys sa'kin. Nagpaiwan naman si Calix, dito daw siya matutulog para bantayan ako.
"Calix, ingat ha. Wag mo munang sundan ng pangalawa. Kawawa naman si Camille. Sige, bye!" Bigla siyang tumakbo nang aambahan siya ni Calix ng suntok.
Awkward nalang akong tumawa. Pumasok na'ko at umupo sa couch. Gosh, this day is stressing. Tumabi si Calix sa'kin. He turn on the TV and we stay silent. Si Calix ang unang nagsalita.
"So, kailan na'tin sasabihin? I'll let you decide. Don't pressure yourself. Sabihin mo lang kung kaya mo na.."
I sigh deeply. "I actually didn't know. Ano sa tingin mo? Una na iyong parents mo o iyong sa'kin?" Napaisip din siya doon. "I'll bet my parents first para pag nakausap na na'tin iyong parents mo wala ng maaaring problem. What do you think?" Bakit ako? Pero tama din naman siya. Kaya at the end ay pumayag nalang din ako.
Tinawagan na niya ang parents niya for a dinner tomorrow night. Kahit wala pa ay kinakabahan na agad ako. I'll meet Calix parents. Nakita ko naman iyong nong kasal but this time it's a different situation. I just stayed up watching Medical Dramas with Calix.
"You really like Medical, huh!" Tumango ako. "Eh, ikaw pala. I thought you're a Seaman. Wala ka bang trabaho?"
"I took a leave. Nong time na nasa Cruise tayo ay naka leave na ako non. Maybe next two months ang sunod kong pagsakay ng barko" sagot niya. Tumango ulit ako. Ang cool siguro mag Seaman no. I mean if a Pilot is a driver of a plane and they are in the air, Seaman is a driver of a ship and they're working in the water. Nakakapaglayag din sila sa iba't ibang bansa.
"Mahirap ba maging Seaman? Kailan ka nag graduate?" I suddenly asked. I'm just curious. "Hmm, if you don't like your job it's really hard but I love it so it's not that hard. I graduate four years ago. Three years palang ako bilang Seaman."
We talked about random sutffs till night. Hindi naman siya boring kausap minsan nga may pahugot hugot pa siyang nalalaman. Nong gumabi na ay si Calix ulit ang nagluto. I like his cooked food. Nakaupo lang ako sa counter habang nakatingin sa kanyang magluto.
"Anyway, kamusta kayo ng ex mo?"
"Why did you ask?... I don't know, I cut my connections with him. Probably, happy with my bestfriend, I mean ex bestfriend... Let's stop talking about them.." nag okay nalang siya. Actually, di ko talaga alam but I'm sort of curious. Ano na ang nangyayari sa kanila but till now it's still hurt.
Matapos siyang magluto ay sabay kaming kumain. Ang sarap niya talagang magluto. After we ate he insisted to wash the dishes. Pumunta ako sa kwarto ko para kunin ang laptop. Last night Doc Buenaventura emailed me about the Medical Mission. I think I won't make it because of the surprise pregnancy. Hays, I miss working in the hospital.
Di ko namalayan na tumabi na pala si Calix sa'kin. He's just intently staring at me that makes me concious. Matalim ko siyang tiningnan pero tinaas niya ang dalawa niyang kamay.
"Anyway, did you pass your maternity leave?" He asked.
I shook my head. "Not yet. Maliit palang naman ang laman ng tiyan ko so I can still work.."
"No. Kahit na. Just rest here..."
Medyo nag argue pa kaming dalawa tungkol doon pero at the end hinayaan niya muna akong mag trabaho till 3 months of my pregnancy. I want to work but also prioritizing the health of my baby. Napagusapan din namin ang magiging meet up namin sa parents niya. I was slightly nervous meeting his parents. I mean I will announce to all that I'm pregnant and Calix is the father.
"It's night now. Wait, pagtimpla kita ng gatas" tumayo agad siya para mag timpla ng gatas. Okay, my heart harshly beating. Damn it. Hinayaan ko nalang siya doon at pumunta na sa kwarto ko.
Inabot niya sa'kin ang gatas at nagpasalamat ako. Hinagis ko na sa kanya ang dalawang unan. Nagulat ako nang lumapit siya sa'kin. Our face was too close and I thought we would.. kiss me but he just put the pillow beside me.
"Ikaw na gumamit nito. Goodnight, baby..." Saad niya habang nakatingin sa tiyan ko patungo sa'kin. Inirapan ko nalang siya na kinatawa niya. He said goodnight for the last time before he close the door. Napangiti nalang ako at natulog na.
Goodnight Calix!
I wake up around midnight. Kumukulo kasi ang tiyan ko, gusto kong kumain ng apple. Sinuot ko muna ang flip-flops bago lumabas. Nakita ko sa salas si Calix na natutulog. Pagalaw galaw siya na parang hindi comfortable at nilalamig. Lumapit ako sa kanya at sandaling nakatitig sa maamo niyang mukha. From his thick brows, pointed nose, clear skin down his kissable lips. Gonna admit that he really has a looks of a Saavedra.
I sighed and stop staring at him. Inayos ko ang kumot paayos sa katawan niya. It's cold. This man is the father of my baby. All my life I've never imagine that this things will happen. But I'm still glad because Calix came. He came to our life.
"Thank you, Daddy" I said while caressing my tummy. Let's thank your Dad for taking care of us baby. Bahagya akong nagulat ng unti unti niyang imulat ang mata niya. Bahagya akong napa atras.
He rubbed his eyes. "What is it?... It's still 1 am, why you're still awake? You need anything?"
"Huh?, Ah, eh.. gusto ko sanang kumain ng apple."
Tumayo siya at kumuha ng apple sa fridge at inabot sa'kin. I was sitting in the couch while eating apple. Binigyan niya na rin ako ng gatas. Pinabalik niya na'ko sa kwarto para matulog. Kinaumagahan ay maaga akong nagising kesa sa kanya. He still sleeping in the couch so I decided to cook breakfast for us. I know how to cook naman.
I cook bacon, ham, egg ang vegetable rice. Mga ilang minuto ay nagising na si Calix. Kinusot kusot niya pa ang matang lumapit sa'kin. I greeted him a good morning.
"Hey, ako na jan. Umupo kana don" he said. "No! Ikaw ang umupo jan. Let me handle it, Mr. Saavedra. Ako naman ang magluluto." Wala siyang nagawa kundi umupo sa counter. Medyo na concious ako dahil sa mga titig niya sa'kin.
Nilagay ko na sa mesa ang mga niluto ko at siya naman ang nag prepare sa mga plates. Tapos ay sabay kaming kumain.
"Don't judge my cooking skills coz I know I'm not as good as you" he chuckled. "I didn't say anything, baby.." nagpatuloy nalang ako sa pagkain kahit naghaharumetado na ang puso ko sa sinabi niya.
After naming kumain ay si Calix na ang naghugas. Umuwi muna si Calix nong hapon para kumuha ng damit. Mamayang gabi kasi ang meet up namin sa parents niya. Di ko parin alam anong sasabihin o gagawin ko pag nasa harap na ng parents niya. Like, 'hi po buntis ako anak niyo ang ama', ganoon? O baka 'Papanagutan po ako ng anak niyo kasi nabuntis niya ako'. Kainis naman!
Tumunog ang buzzer ko kaya binuksan ko agad ang pinto. Nagulat ako nang makita si Calix na may dala dalang maleta.
"Bakit may maleta kang dala? Lalayas ka ba?" I exclaim.
"No, I'll stay here for awhile. Ang hassle na if pabalik balik ako"
I raise my brow. "And who says I'll allow you?" He entered to my unit. "Ako, kasi kailangan mo ako."
Wala na akong nagawa nang makapasok na siya. Sa gilid niya lang daw ilalagay ang maleta niya dahil wala na akong spare drawer. Nong nag 6 o'clock na ay pumasok na'ko sa kwarto para maligo at magbihis. After 30 minutes of shower I open my wardrobe and choose a nice clothes.
I first try the puffed blouse but I looked like a kid. Next, wrap pumper but it's too short. I'm getting frustrated by just choosing a nice dress for that simple dinner. Calix knocked the door and make me fast. I have no choice but to choose the ruffle trim wrap dress. I put some minimal make up and let my hair down. I wear my white shoes and get my sling bag.
Pagkalabas ay nakita ko na si Calix. He's wearing a pink long sleeves and jeans partnered with black shoes. His clean cut hair and calm face makes his image more handsome. He looks formal but hot at the same time. I just avoided my gaze to stop my thoughts. Lumabas na kami at pumunta sa parking lot.
He open the car door for me. He drive our way to their house. I'm not sure if sa subdivision din ba nila Travis nakatira ang family ni Calix. Coz as I heard from Reign Saavedra has their own subdivision exclusively for Saavedras. Hindi nga ako nagkamali dahil doon din pumasok ang kotse namin. The car stop in a modern white huge house.
Nasa labas pa kami ng bahay nila pero kinakabahan na'ko. I felt my hand shaking but I slightly gasped when I felt Calix hands on me. Napatingin ako sa kanya at bahagyang ngumiti.
"Don't worry ako'ng bahala. Let's go?" I nod. The double door open and a maid lead us the way to their dinning area. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Calix.
Nakita ko na sa dinning ang isang babae na nasa mid-30's wearing her fabulous floral dress. She's preparing the food in the table. Napatingin siya sa gawi namin. Bahagya siyang nagulat pero ngumiti rin. Gosh! Infront of me is Mrs. Cassandra Saavedra.
"My son! I'm glad you came... and with a beautiful lady." Ngumiti ako nang tumingin siya sa'kin.
Pinaupo niya na kami sa dining table. Dumating na rin ang Padre de Pamilya. Mr. Brian Saavedra. He greeted his son and me. Bago kami nag simulang kumain ay dumating ang isang lalaki na mas bata lang sa'min ng dalawang taon. Some of his features is the same with Calix, but this guy is more darker. If Calix has a calm face then this kid is otherwise.
"Ah, kain na tayo. Kumain ka lang ng marami, Camille. I'm glad that I saw you again." Mrs. Saavedra said. I just said thank you.
Kahit masarap ang pagkain ay di ko masyadong naa- appreciate. Para kasing may tensyon sa paligid. Tahimik ang hapagkainan, umiingay lang pag nagtatanong si Mrs. Saavedra. Kanina ko pa din nahahalata na parang may tensyon sa dalawa, I mean Calix and his brother. Matapos ay kainan ay nagsalita na din si Mr. Saavedra.
Geez, I'm nervous.
"So, I will be straight to the point. What's your relationship with my son, Camille? Nagulat kami nang makita kang kasama si Calix"
"Ah, Sir, ahm..." Di ko alam kung anong sasabihin ko kasi ano ba kasi dapat. Sabihin ko ba na nabuntis lang ako?
"Dad, Mom.. Carlo, this is Camille, my girlfriend. And she's pregnant. Papanindigan ko siya, gusto ko lang malaman niyo." Deritsong sabi ni Calix. Literal kaming nagulat lahat sa sinabi niya.
Nakainom ng tubig ang Mommy niya. How can say that while being calm. "How? Paano? Kailan pa?" Her Mom said.
"Matagal ko na siyang kilala at gusto but I don't have a courage and I'm focused to my studies. We meet our paths again nong naging si Travis and si Reign na pinsan niya. Nagpapansin ako sa kanya pero may boyfriend pa siya non so I stop. Nong mag hiwalay sila ng boyfriend niya ay nag kita ulit kami sa Valerian Cruise Ship then it happened." He said those things with a calm face. Most of what he said is lies. Galing mag sinungaling.
Marami pang tanong ang Mommy ni Calix sa'min. Ilang weeks na ang baby. Ano ang magiging set up namin. Magpapakasal ba kami at don ako nagulantang.
"We still think about that,Mom. For now our baby is our priority."
"It's good that you're being responsible... Kuya" his brother said.
Buti naman ay okay lang sa kanila basta ligtas ang apo nila. Mrs. Saavedra is smiling widely. Before we leave Mrs. Saavedra hugged me. Tinapik naman ng Daddy niya si Calix. Pormal na kami nagpaalam at umalis pero nong nasa labas na kami ay nakasandal sa isang kotse ang kapatid ni Calix.
He's smirking. "What a good liar. Napaniwala mo sila Mommy at Daddy sa sinabi mo pero hindi ako. We all know what's the truth, Kuya"
Calix clenched his jaw. "Mom and Dad is not around, don't push yourself calling me Kuya kong labag lang sa loob mo. And I don't f*****g care, Carlo"
Nilampasan lang namin si Carlo pero iyong tingin at ngisi niya ay di parin nawala. Pinapasok agad ako ni Calix sa loob. Why they treat each other like that? Habang pauwi sa condo ay parang wala sa mood si Calix kaya nanahimik nalang ako.
Pagkauwi ng bahay ay pinagtimpla niya muna ako ng gatas bago pinatulog. It's 9 o'clock but I still can't sleep. I'm just staring at the ceiling and caressing my tummy. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at niluwa si Calix dala ang isang unan.
"Di ka rin makatulog?" Tanong ko at tumango siya. Umupo siya sa tabi ko.
"Ahm, did I disturb you?" I shook my head. "Can I sleep here? Just for a night." Umusog ako para bigyan siya ng space. Malaki naman ang kama ko kaya kasya kaming dalawa.
May isang unan sa gitna namin. I can't still fall asleep knowing that Calix is just beside me.
"Sleep, Camille." He suddenly said. "Di ako makatulog"
"I remembered when I was a kid my Mom used to held my hand if I can't sleep. She would caressed it until I fell asleep. You wanna try?"
Pinatong ko ang kamay ko sa unan. I stiffed when he hold my hand. He slowly caress it. Napapakalma ako non. Para siyang nanghehele habang maalagang hinawakan ang kamay ko na unti unting nag papaantok sa'kin. Before I close my eyes I heard him speak that makes me sleep with a smile.
"Goodnight Camille. I'll just hold your hand, I promise."