Ikaapat pa lamang ng madaling araw ngunit gising na gising na ang diwa ng dalagang si Jiselle. Samantalang ang binatang si Timothy naman ay kasalukuyan pa rin na nahihimbing sa masarap nitong tulog. Sa halip na gisingin pa ito ni Jiselle ginawa na muna ng dalaga ang mga dapat niyang gawin. Bago pa man siya tuluyang maligo ay inihanda na kaagad niya ang susuotin niya para sa unang araw ng pasukan nila.
“Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman, pero, may parte sa puso ko na nasasabik para sa mangyayari para sa araw na ‘to,” mahinang lintaya naman ng dalaga sa kaniya sarili.
Kung kaya’t wala siyang sinayang na oras at kaagad siyang naligo, tatlumpong minuto ang nakalipas bago siya tuluyang matapos sa kaniyang paliligo. Hindi pa nagtagal ay unti-unting sumisikat na ang araw kaya naman kaagad na nagtungo si Jiselle sa kwarto ni Timothy upang gisingin ang binatang sarap na sarap pa rin sa pagtulog.
“Timothy, wake up!”
“Hmm… Five minutes more, Jiselle,” inaantok na tugon naman ng binata kay Jiselle.
“No! You need to wake up or we’re gonna be late!”
“Come on, Jiselle, it’s just six thirty in the morning.”
“No! You’ll wake or I’ll burn your precious hair?”
Dahil sa narinig ng binata mabilis pa sa kidlat ang ginawa niyang kilos at kaagad na nagtungo sa banyo upang maligo. Ilang minuto pa ang pinaghintay ni Jiselle bago tuluyang matapos ang binata sa pagligo nito at ngayon nga ay bihis na bihis na ito sa harapan niya. Kung kaya’t sabay naman silang bumaba upang makapag-agahan na sila bago pumunta sa School nila. Habang nag-aagahan sila kagaya nang dati muling nabalot ng kasiyahan ang hapagkainan nila, dahil dito, pakiramdam ni Jiselle ay parang kabilang na rin siya sa pamilya nina Timothy. Nang matapos sila sa pagkain mabilis silang nagpaalam upang magtungo na sa kanilang School.
Laking pasasalamat na lamang ni Jiselle na magkaklase sila ng binata, sapagkat, hindi niya alam ang gagawin niya kung nagkataon na magkaiba ang klase nila. Hindi pa nagtagal ay nakarating na sila sa kanilang School wala namang sinayang na oras si Timothy at kaagad na nagpark ng kotseng sinasakyan nila. Ngunit, bago pa sila bumaba ay kaagad na kinausap muna ni Timothy ang dalagang si Jiselle na ngayon ay tila namamangha sa nakikita niya.
“Pinapaalala ko lang sa ‘yong babae ka na h’wag na h’wag mong ipapaalam sa kanila kung sino ka talaga,” mahinahong bilin naman ni Timothy kay Jiselle.
“Timothy naman! Paulit-ulit ka naman! ‘Di ba sinabi mo na rin ‘yan sa bahay?”
“Makinig ka na lang kasi! Bukod dito, h’wag na h’wag mo rin ipapaalam sa kanila na magkasama lamang tayo sa iisang bahay, maliwanag ba?”
“Oo na!”
Dahil sa kakulitan ni Timothy hindi maiwasan ng dalaga na mainis dito sapagkat para bang pakiramdam niya ay tinuturing siyang para bata ng binata. Habang si Timothy naman ay kaagad na nakaramdam ng inis sapagkat pakiramdam nito ay hindi nakikinig dito ang dalaga. Kung tutuusin wala itong pakialam kahit malaman pa ng iba na magkasama sila sa iisang bahay ng dalaga, kaya lang ay naisip ni Timothy na baka maging sanhi pa ito upang masaktan ang dalaga dahil lamang sa mga tagahanga nito.
“Ipangako mo na mananatiling lihim lamang sa pagitan nating dalawa ang tunay mong pagkatao,” muling litanya naman ni Timothy kay Jiselle.
“Nangangako ako, okay na ba? Pwede ba tayong bumaba?” nagtataray namang litanya ni Jiselle sa kaharap niyang si Timothy.
Kung kaya’t wala namang nagawa ang binata kung ‘di ang tumango na lamang sa kagustuhan ng dalaga. Pagkababa pa lamang nila ng kotse kaagad na natanaw ni Timothy ang mga kaibigan nitong sina Tungsten at Magnesium. Hindi pa man sila nakalalapit sa pwesto nina Tungsten at Magnesium kaagad na maraming kababaihan ang napatigil sa paglalakad ng matanaw ng mga ito si Timothy na papalapit sa pwesto ng mga kaibigan nito. Dahil doon, samo’t saring bulong-bulungan ang narinig ng binata tungkol sa kanilang magkakaibigan.
“Gosh! Hindi pa rin talaga nagbabago ang kagwapuhan ni Timothy!” kinikilig na sambitla ng babaeng may kakapalan ang kolorete sa mukha.
“Tumingin siya sa ‘kin! Nakita mo ba ‘yon?” nagmamataas namang litanya ng may katabaan na babae sa kaibigan nito.
“Sa kaniya raw tumingin! If I know, sa ‘kin kaya tumingin si Timothy!” maarteng pagsingit naman ng babaeng may kapayatan.
“Who’s that girl? Girlfriend ba siya ni Prince Timothy?” tanong naman ng isang babae na may kaliitan sa kaibigan nitong daig pa ang tikin sa tangkad nito.
Wala namang nagawa si Timothy kung ‘di ang mapailing na lamang dahil sa naririnig nito dahil sa sanay na ito sa pinapakitang paghanga rito ng mga kababaihan. Habang si Jiselle naman ay tahimik na naglalakad lamang habang nakahawak sa braso ng binata. Kasabay naman nito ay ang paglingon ni Jiselle sa ilang kababihan na naririnig niyang nag-uusap-usap tungkol sa binatang si Timothy. Mabilis namang napatingin si Jiselle kay Timothy sapagkat hindi niya akalain na marami palang tagahanga ang binata sa School nila. Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Jiselle ang masasamang tingin na ipinukol ng ilang kababaihan sa kaniya.
“Hindi ko alam na marami ka pa lang tagahanga.” Litanya naman ni Jiselle kay Timothy habang nakahawak pa rin siya sa braso ng binata.
“Don’t mind them!” masungit namang sagot ni Timothy sa dalaga.
Sa halip na kulitin pa ang binata pinili na lamang ni Jiselle na manahimik dahil ibang-iba na Timothy ang nakikita niya ngayon sa harapan niya. Para bang bigla na lamang naging matapang ang hitsura ni Timothy mula nang makalabas sila ng kotse. Dahil doon, hindi maiwasan ni Jiselle na magtaka sa pinapakitang kilos sa kaniya ng binata. Hindi pa nagtagal ay nakalapit na sila sa pwesto nina Tungsten at Magnesium sa halip na magbiruan pa ang mga ito mabilis na nagtanguan lamang ang mga ito at nagpasiyang magtungo na sa kanilang klasrum.
“Hey, may problema?” mahinang tanong naman ni Jiselle kay Timothy habang naglalakad sila patungo sa klasrum nila.
“Nothing,”
“Then, why are you acting like this? It’s like you’re different person now.”
“Stop questioning me, Jiselle. This is my usual self! So, please stop bothering me!” Inis na litanya naman ni Timothy sa dalaga kasabay ng pag-alis sa pagkakahawak dito ni Jiselle.
Dahil sa ginawang pagkakaalis ni Timothy sa pagkakahawak ni Jiselle sa braso nito kaagad namang nakaramdam ng hiya ang dalaga sapagkat marami ang nakasaksi sa ginawa sa kaniya ni Timothy. Hindi rin nakaligtas sa paningin ng dalaga ang ilang kababaihan na para bang natutuwa dahil sa ginawa sa kaniya ni Timothy. Sa halip na sumabay si Jiselle sa paglalakad ni Timothy kasama ang kaibigan nito sinadya ng dalaga na bagalan ang paglalakad niya. Nakatatawa mang isipin pero umasa si Jiselle na lilingunin siya ng binata ngunit kahit isang tingin ay hindi nagawang ipukol sa kaniya ng binata. Hanggang sa marating na sila sa klasrum ay walang imikan ang namagitan sa kanilang dalawa.
Sa halip na tumabi si Jiselle sa pwesto ng binata pinili na lamang niyang maupo sa pinakahulian malapit sa may bintana. Hindi pa nagtagal ay dumating na ang kanilang guro kaya naman napukol ang atensyon ng dalaga sa unahan ng klasrum nila. Ilang oras pa ang lumipas at tanging pagpapakilala lamang sa isa’t isa ang ginawa nila hanggang sa sumapit na ang tanghalian nila ay hindi man lang siya nagawang pansinin ni Timothy. Sa inis ni Jiselle nagpasiya siya na huwag din kausapin ang binata. Bagamat wala pa siyang ganoong kakilala nagpasiya ang dalaga na pumunta na lamang sa hardin ng paaralan nila kaysa kumain ng pananghalian niya.
Ilang minuto pa ang tinagal niya sa hardin ng marinig niya ang tunog ng bell senyales na magsisimula na ulit ang klase nila. Hanggang sa matapos ang klase nila sa araw na ‘yon kahit tingin ay hindi nagawa ni Jiselle kay Timothy. Sapagkat aminin man niya o hindi naiinis siya kay Timothy sapagkat bigla na lamang nagbago ang pakikitungo nito sa kaniya. Kung kaya’t mabilis niyang inayos ang gamit niya upang lumabas na ng klasrum nila. Hindi pa man siya tuluyang nakalalabas ng klasrum nila ay kaagad na tinawag siya ni Timothy.
“Where are you going, Jiselle?”
Sa halip na sagutin ni Jiselle ang tanong ni Timothy isang masamang tingin lamang ang ipinukol niya sa binata. Dahil aminin man ni Jiselle o hindi sa sarili, hindi niya maiwasan na mainis sa binata. Kung kaya’t walang lingon-lingon na nilisan niya ang klasrum nila. Habang naiwan namang tulala si Timothy dahil sa inasal dito ng dalagang si Jiselle.
“What the! Ano bang problema ng babaeng ‘yon?” may halong inis na pagtatanong ni Timothy sa dalawa nitong kaibigan.
“Talagang sa amin mo pa ‘yan tinanong!” may inis din namang litanya ni Tungsten kay Timothy.
“Kaya nga sa inyo ko tinatanong kasi hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang nainis sa akin!”
“Alam mo, Timothy, naiinis siya sa ‘yo dahil bigla mo na lang siyang hindi pinansin. Isama mo pa rito, ‘yong pagtagal mo ng pagkakawak niya sa braso mo. Hindi mo ba alam na napahiya siya dahil sa ginawa mong ‘yon!” Iiling-iling namang sabat ni Magnesium sa kaibigan nito.
“Dahil lang sa ginawa kong ‘yon? Nainis kaagad siya sa akin?”
“Kung ako sa ‘yo, hahabulin ko na siya. Ikaw rin baka mamaya umuwing mag-isa si Jiselle,” seryosong litanya naman ni Tungsten.
Kung kaya’t walang sinayang na oras si Timothy at mabilis na nagtungo sa Parking Lot ng School nila. Ganoon na lamang ang panlulumo ng binata ng hindi nito naabutan sa Parking Lot ang dalaga. Kaagad namang nakaramdaman ng inis ang binatang si Timothy sapagkat bigla na lamang umuwi ang dalaga ng hindi man lang ito hinihintay. Bukod dito, naiinis din si Timothy, sapagkat, hindi nito akalain na tinotopak din pala ang dalagang si Jiselle. Wala namang sinayang na oras ang binata kung ‘di ang mabilis na sumakay sa kotse nito at kaagad na pinaharurot ito.
Sa kabilang dako naman, akmang papalabas na sana ng banyo si Jiselle nang harangin siya ng tatlong babae na kaklase nila. Akmang lalampasan na sana niya ang mga ito sa kadahilanang gusto na niyang umuwi nang bigla na lamang hinawakan ni Megan ang kanang kamay niya. Habang sina Madona at Mina naman ay nasa may gilid niya na para bang bantay sarado siya ng mga ito. Kung kaya’t hindi maiwasan ni Jiselle na mapakunot ang noo sapagkat batay pa lamang sa nakikita niyang reaksyon ng mukha ng mga ito, nababakas dito ang matinding galit na hindi niya maintindihan kung para saan.
“May problema ba tayo rito?” mahinahon naman ng tanong ni Jiselle kay Megan.
“Talagang may gana ka pang itanong sa amin ‘yan?” mataray namang sagot ni Megan kay Jiselle.
“Kaya nga nagtatanong ako sa ‘yo dahil hindi ko alam ang ipinupunto ninyo.”
“Ang lakas naman ng loob mong pilosopohin kami!” naiinis namang pagsabat ni Madona.
“Hindi ako namimilosopo sa inyo, kaya nga nagtatanong ako nang maayos dahil hindi ko alam ang rason ninyo sa panghaharang sa akin,” nababagot namang sagot ni Jiselle sa mga ito.
“Ang yabang mong babae ka! Akala mo kung sino kang umasta!” galit na galit namang litanya ni Mina.
Akmang sasampalin na sana ni Megan si Jiselle nang bigla na lamang may pumigil na kamay rito. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ni Megan nang makita nito kung kaninong kamay ang pumigil dito. Halos mamutla naman ito dahil sa nababakas ang kakaibang galit sa mukha ni Timothy. Para bang kulang na lamang ay umusok ito sa galit dahil sa tindi ng panlilisik ng mata ng binata.
“What is the meaning of this?” malamig na tanong ni Timothy kay Megan.
“T-Tinuturuan lang namin siya ng leksyon dahil sa panlalandi niya sa ‘yo,” natatakot namang sagot ni Megan kay Timothy.
“O-Oo n-nga P-Prince, gusto lang naming malaman niya ang lugar niya sa School na ‘to.” Nauutal namang sagot ni Madona sabay hawaka nang mahigpit sa kaliwang kamay ni Jiselle.
Dahil sa ginawang paghawak ni Madona sa kaliwang kamay ni Jiselle kaagad niyang napansin na para bang sinadya pa nitong higpitan ang pagkakawak nito. Sa madaling salita, binabalaan ni Madona si Jiselle na huwag sabihin ang totoo kay Timothy. Sa halip na matakot dito si Jiselle pabigla niyang inalis ang pagkakahawak dito ni Madona dahilan upang mas lalo itong mainis sa dalaga. Samantalang si Mina naman ay kaagad siyang sinamaan ng tingin na siya namang sinalubong ni Jiselle.
“Pagsabihihan mo ‘tong mga ‘to, Timothy. Baka kapag ako ang nainis baka hindi na sikatan ng araw ang mga ‘to. Kilala mo ako, Timothy, ang ayoko sa lahat ay iyong iniistorbo ako sa walang kasaysayang bagay!” malamig namang litanya ni Jiselle bago umalis sa harapan ni Timothy.
Naiwan namang nakanganga ang binatang si Timothy dahil sa naging litanya ni Jiselle. Sapagkat, kahit hindi sabihin ni Jiselle, alam ni Timothy kung ano ang tinutukoy ng dalaga. Batay pa lamang sa lamig ng boses niya kaagad na napansin ni Timothy na galit na nga ang dalagang si Jiselle. Laking pasasalamat na lamang ng binata dahil hindi pa ito tuluyang nakakalayo sa School nila nang tumawag ang mommy nito at hinahanap na silang dalawa ni Jiselle. Kung kaya’t walang sinayang na oras naman si Timothy at kaagad na bumalik sa School nila upang hanapin si Jiselle.
Kung hindi pa narinig ni Timothy ang usap-usapan ng ilang kababaihan hindi nito malalaman na nasa banyo lamang pala ang dalaga. Kaya nga nang makita ni Timothy na akmang sasampalin sana ni Megan si Jiselle mabilis na pinigilan kaagad ito ng binata. Sa inis na nararamdaman ni Timothy kaagad nitong binaling ang atensyon nito kay Megan na mababakas sa mukha nito ang matinding takot.
“Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi ninyo ako pag-aari! Hindi ako pumapatol sa babae, pero ang pasensiya ko sa inyo ay kaunting-kaunti na lang!” nagngangalit namang litanya ni Timothy sa tatlong babae na nasa harapan nito.
“Gusto lang naman namin siyang balaan na huwag ka niyang landiin.” Nakatungo namang sagot ni Megan habang nangangatal ito sa takot.
“Balaan? Kailan pa kayo nagkaroon ng karapatan na gawin ang bagay na ‘yon? Sa oras na malaman kong ginugulo ninyo ulit si Jiselle, alam ninyo na ang mangyayari sa inyong tatlo. Hindi ninyo naman siguro nakakalimutan kung sino ako ‘di ba?” nanlilisik naman litanya ni Timothy.
Sa halip na hintayin pa nito ang sagot ng tatlong babaeng nasa harapan nito. Walang lingon-lingong umalis si Timothy sa harapan ng mga ito. Habang naiwan namang tulala ang tatlong babae na akala mo’y nalugi sa negosyo dahil sa hitsura ng mga ito. Kaagad namang nagtungo si Timothy sa Parking Lot at laking pasasalamat nito na nandoon si Jiselle na prenteng nakasandal sa kotse ng binata. Kung kaya’t walang sinayang na oras si Timothy at mabilis na lumapit sa gawin ng dalaga na mababakas sa mukha ang matinding pagkainip.
“Bakit ba ang tagal mo?” naiinis namang tanong ni Jiselle sa kalalapit lang na si Timothy.
“Pasensiya naman! Binalaan ko na sila na huwag ka na nilang guluhin pa.”
“Dapat lang! Dahil kapag ako hindi nakapagtimpi sa kanila, susunugin ko sila ng buhay.”
“Bakit ba ang init ng ulo mo? Kanina ka pang hindi namamansin,” nakakunot ang noo namang tanong ni Timothy sa dalaga.
“Sinong hindi iinit ang ulo sa ginawa mo sa ‘kin? Alam mo namang hindi ko masyadong kabisado ang lugar na ‘to bigla ka na lamang hindi namamansin. Kung alam ko lang na ganito ang ita-trato mo sa akin hindi na sana ako pumayag sa kagustuhan mong mag-aral din ako rito,” mahabang litanya naman ni Jiselle sa harap ng binata.
Sa halip na sagutin pa ni Timothy ang dalaga kaagad na lamang nitong ginulo ang buhok ng dalaga kasabay ng pagyakap nito kay Jiselle. Sa paraan pa lamang ng pagyakap ni Timothy kay Jiselle para bang inaalo nito ang dalaga na huwag na siyang magalit pa. Isang matamis na ngiti naman ang sumilay sa labi ni Timothy nang maramdaman nitong yumakap na rin dito si Jiselle. Habang napatigil naman sa pagsakay ng sasakyan ng mga ito ang ilang nakasaksi sa pagyayakapan nina Jiselle at Timothy. May ilang nasaktang kababaihan ngunit hindi naman mawawala sa mga ito ang matinding panibugho para sa dalagang si Jiselle.
Natigil lamang ang pagyayakapan nilang dalawa nang bigla na lamang sumulpot sina Tungsten at Magnesium. Mababakas naman sa mukha ng dalawa ang kakaibang ngisi na para bang inaasar ng mga ito ang kaibigan nilang si Timothy. Kasabay naman nito ang malakas na pagtunog ng tiyan ni Jiselle senyales na nagugutom na siya. Dahil sa naalala ni Timothy ang bilin ng mommy nito, mabilis naman itong nagpaalam sa mga kaibigan nito. Habang ang mga kaibigan naman ni Timothy ay mabilis na tumango at sumakay na rin sa sasakyan ng mga ito.
“Let’s go home, Jiselle.”
“Sure!” masaya namang sagot ni Jiselle bago tuluyang sumakay sa sasakyan ni Timothy.
Wala namang sinayang na oras si Timothy at kaagad na pinasakay si Jiselle sa kotse nito. Hindi pa nagtagal ay kaagad ng pinaandar ng binata ang sasakyan nito upang makauwi na sila ng dalagang si Jiselle. Ilang minuto pa ang nakalipas bago sila makarating bahay ng binata. Dahil sa gutom na gutom na ang dalaga mabilis siyang bumababa ng sasakyan ni Timothy upang magpahanda ng pagkain sa yaya nila. Samantalang lihim namang napangiti si Timothy dahil sa naging kilos ng dalaga na para bang daig pa niya ang isang bata na gustong-gusto ng kumain.