Kabanata IV - Ang Lindol

2965 Words
Limang buwan na ang nakalilipas mula noong nagsimula ang klase nila at masasabi ni Jiselle na masarap pala sa pakiramdam na maging isang normal na tao lamang. Dito rin, napagtanto ni Jiselle na ang mundong kinabibilangan na niya ngayon ay tinatawag na lugar ng mga normal na tao. Isama mo pa rito ang malaking pinagkaiba ng paaralan ng mga ito kaysa sa lugar nila. Kung dito ay pinag-aaralan ang iba’t ibang asignatura kagaya nang: Filipino, Ingles at marami pang iba. Samantalang sa lugar na pinagmulan niya ay puro mga mahika ang pinag-aaralan nila kung kaya’t hindi niya maiwasan na mamangha sa mundo ng mga mortal.   “Jiselle, bakit tulala ka diyan? Ayaw mo ba nitong pagkain na binili ko sa ‘yo?” nagtatakang tanong ni Timothy sa dalagang si Jiselle.   “Ha? Wala ‘to. May naisip lamang ako."   “Sigurado ka ba?” muli pang tanong ni Timothy sa dalaga.   “Oo.”   Kasalukuyan silang nasa canteen ngayon at kumakain ng pananghalian nila kasama ang dalawa pang kaibigan ni Timothy. Batay pa lamang sa hitsura ni Tungsten, mapapansin na kaagad ng dalaga ang matinding kaseryosohan ng binata. Ngunit, kahit na ganito hindi maipagkakaila ni Jiselle ang angkin nitong kagwapuhan na siya rin na kinahahangaan ng ilang kababaihan sa paaralan nila. Samantalang, ibang-iba naman si Magnesium, kung anong ikinaseryoso ni Tungsten ay siya namang ikinapilyo nito. Isama mo pa rito ang taglay nitong kagwapuhan na para bang bolero ang dating ng hitsura ni Magnesium.    Laking pasasalamat na rin ni Jiselle na hindi na siya muli pang ginambala pa ni Megan kasama ang mga kaibigan nito. Pero, kahit hindi na siya ginagambala ng mga ito may iilan pa rin na nagpaparinig at nagagalit sa kaniya dahil sa pagiging malapit niya sa grupo nina Timothy. Kaagad na lamang siyang napailing kapag naiisip niyang paano pa kaya kapag natuklasan ng mga ito na magkasama sila ni Timothy sa iisang bahay. Para bang nakikita na niya sa isip niya ang magiging reaksyon ng mga babaeng labis na nahuhumaling sa grupo nina Timothy. Nang matapos silang kumain ng pananghalian nila kaagad na silang nagtungo sa klasrum nila para sa klase nila sa hapon. Kagaya noong una nilang pasukan hindi pa rin nawawala ang ilang bulong-bulungan tungkol sa pagiging malapit niya sa grupo nina Timothy. Para bang hindi na ang mga ito nagsawa sa walang ka-kwenta-kwentang bagay na pinaggagagawa nila sa mga buhay nila.   “Hanggang kailan ba siya bubuntot sa grupo nina Prince Timothy?”   “Akala mo naman kung sinong maganda!”   “Ewan ko na lang sa kaniya kung makapagmalaki pa siya kapag tinutruan siya ng leksyon ng grupo nina Megan!”   Dahil sa may naisip na paraan si Jiselle upang inisin ang mga ito kaagad siyang sumabay sa paglalakad ni Timothy at mabilis niyang ikinawit ang kamay niya sa braso nito. Lihim naman siyang napangisi dahil hindi tinatanggal ni Timothy ang pagkakahawak niya sa braso nito dahil abala ito sa pakikipag-usap sa dalawa nitong kaibigan na sina Magnesium at Tungsten.   “Pare ano na! Sasama ka ba mamaya o hindi?” nakangisi namang tanong ni Magnesium kay Timothy.   “Tsk! Pag-iisipan ko pa! Bakit ba atat na ata kang isama ako? Saan ba ang punta natin mamaya kung sakaling sasama ako sa ‘yo?” nakakunot ang noo namang pagtatanong ni Timothy sa kaibigan nito.   “Para namang may iba! Alam mo namang suki ng bar ‘yang si Magma,” pagsingit na litanya ni Tungsten sa usapan ng dalawa nitong kaibigan.   Kung kaya’t walang magawa si Tungsten kung ‘di ang mapailing na lamang sapagkat alam nito ang dahilan kung bakit gustong-gusto ni Magnesium na magtungo sa bar. Samantalang si Timothy naman ay kaagad na nanahimik at malalim na nag-iisip kung sasama nga ba ito sa kaibigan nito mamaya sa bar.   “Manahimik ka nga, Tungsten! Palibhasa mas maraming babae ang nahuhumaling sa akin kaysa sa ‘yo!” nagmamalaking tono naman ni Magnesium sa kaibigan.   “Tss! Bahala na mamaya, hindi pa ako sigurado kung makakasama ako sa’yo,” muling litanya naman ni Timothy habang patuloy na naglalakad.   “Come on, Timothy! Sumama ka na mamaya! Sayang din ang mga babaeng ipapakilala ko sa ‘yo! At saka humingi pa sila sa akin ng pabor na kung pwede raw ay isama kita mamaya,” pangangatwiran pa ni Magnesium.   “Huwag mo nga akong igaya sa ‘yo na saksakan ng babaero! At saka wala akong pakialam kung sino mang mga babae ‘yang isasama mo mamaya!” inis namang sambitla ni Timothy. Hindi pa nagtagal ay nakarating na sila sa klasrum nila at kaagad na nagtungo sa kani-kanilang upuan. Hindi kagaya noong una, ngayon ay magkatabi na sina Timothy at Jiselle sa klasrum nila. Kung kaya’t hindi maiwasan ng ibang babae nilang kaklase na mainggit sa katayuan ni Jiselle sapagkat ito lamang ang babaeng bukod tanging pinapansin ni Timothy sa klasrum nila. Nasa kalagitnaan sila ng klase nang bigla na lamang lumindol nang malakas dahilan upang magsigawan ang lahat ng estudyante maliban na lamang kay Jiselle pati na rin ang grupo nina Timothy.   Mabilis naman ang naging kilos ni Timothy at kaagad na niyakap si Jiselle na tila nagulat pa sa ginawa sa kaniya ni Timothy. Hanggang bigla na lamang tumigil ang malakas na lindol na siya naman nilang ikinatuwa, may ilan pang nagtatalon sa tuwa, may ilan namang pailing-iling lamang na akala mo’y hindi natakot sa malakas na lindol kani-kanina lang. Ngunit, ang kaninang mga ngiti sa labi nila ay bigla na lamang nawala nang bigla na namang lumindol. Kung kanina ay malakas na ang lindol ngayon naman ay tila na-doble pa ang lakas nito na siyang naging dahilan ng pagkabasag ng bintana sa klasrum nila. At halos mawalan silang lahat ng ulirat ng bigla na lamang nagitak ang pader ng klasrum at malakas itong natumba dahilan upang mahagip sa pagkakabagsak nito ang ilan nilang kaklase.   “Timothy, we need to leave here as soon as possible!” natatakot namang litanya ni Jiselle habang yakap-yakap pa rin ni Timothy.   “It’s not safe outside, Jiselle.”   “But… I can feel it, Timothy. May sunod pang lindol na magaganap at ang mas ikinatatakot ko ay mas triple pa ang lakas nito. Kaya naman kailangan na nating umalis dito kung hindi lahat tayo ay mapapahamak!” pangangatwiran naman ni Jiselle.   “Are you sure, Jiselle?”   “Yes, so we need to leave now, Timothy.”   Kung kaya’t wala namang nagawa si Timothy kung ‘di ang makinig sa sinasabi ni Jiselle sapagkat nararamdaman nito na hindi nagbibiro ang dalaga. Wala naman silang sinayang na oras at kaagad na tumayo sa harapan ng klase nila habang ang guro naman nila ay abala sa pagtulong sa ilang kaklse nila na nahagip ng bumagsak na pader. Dahil sa napupuno ang klasrum nila ng samo’t saring sigawan malakas na nagsalita si Timothy sa unahan ng klase nila habang yakap-yakap pa rin nito sa gilid niya si Jiselle.   “Guys, manahimik muna kayong lahat! Kailangan na nating lisanin ang klasrum na ‘to dahil nasisiguro kong may susunod pang lindol na magaganap. ‘Yong ibang lalake alalayan ninyo ang ibang babae sa paglabas natin para masiguro ang kaligtasan nila. Habang iyong iba naman ay tutulong sa pagbubuhat sa ilang kaklase nating nasugatan!” malakas na litanya ni Timothy sa unahan ng klase nila.   Dahil sa sinabi ni Timothy wala naman sinayang na oras ang mga kaklse nito at mabilis na kinuha ang kani-kanilang gamit upang maghanda na sa paglabas. Bagamat, hindi pa rin tumitigil ang lindol nilakasan nila ang loob nila lalo na’t napapansin nila na may malaki na rin gitak ang kisame ng klasrum nila. Hindi pa nagtagal ay mabilis nilang nilisan ang klasrum nila at ganoon na lamang ang pagsigaw ng ilang kababihan nilang kaklse nang bigla na lamang bumagsak ang kisame ng klasrum nila. Laking pasasalamat na lamang nila na walang estudyanteng gumagamit ng laboratoryo ngayon sa taas ng klasrum nila dahil kung hindi marahil ay nasaktan na ang mga ito.   Kagaya ng klase nila isa-isa na rin naglalabasan ang ibang klase upang magsilikas na rin ang mga ito. Sa takot ni Timothy na mawalay rito ang dalaga, mahigpit na hinawakan nito ang kamay ni Jiselle upang makasigurado na hindi ito mawawala sa paningin nito. Habang si Jiselle naman ay nananatiling tahimik lamang sapagkat sa hindi malamang dahilan bigla na lamang kumabog ang dibdib niya ng ubod nang lakas. Para bang nararamdaman niya na may hindi magandang mangyayari sa mga susunod pang araw na labis niyang ikinatakot.   Ilang minuto pa ang nakalipas nang tuluyan na silang nakalabas ng gusali kung saan sila nagkaklase. Kaagad naman silang tumungo sa malawak na football field sa School nila upang doon pansamantala manatili habang hindi pa nasisiguradong ligtas na sila. Kasabay naman nito ay ang pagdating ng ilang nars at doktor upang matingnan ang kalagayan ng ilang estudyanteng nasagutan buhat nang malakas na lindol. Kagaya ng sinabi ni Jiselle, muli na namang lumindol na mas triple pa ang lakas sa mga naunang lindol na naganap. Habang lumilindol pakiramdam nila ay nasa duyan sila dahil ramdam na ramdam nila ang pagyanig ng lindol dahil sa lakas nito. Para bang pakiramdam nila ay inaalog-alog ang mundo dahil sa ramdam na ramdam nila na para bang iniuga-uga silang lahat.   “Paano mo nalaman na lilindol pa ulit?” pabulong na tanong naman ni Timothy kay Jiselle na nanatili pa rin na tahimik.   “Hindi ko rin alam, basta may narinig na lamang akong bulong na nagsasabi na lilindol pa ulit nang malakas,” mahinang sagot naman ni Jiselle kay Timothy.   “Bulong? Kilala mo ba kung kaninong boses ‘yon?”   “Hindi ko kilala kung kaninong boses ‘yon. Pero, nararamdaman kong hindi siya kalaban. Para bang pakiramdam ko ginagabayan niya ako,” mahinahon namang sagot ni Jiselle sa binatang si Timothy.   Akmang magsasalita pa sana ulit si Timothy nang bigla na lamang sumingit sa usapan nila ni Jiselle ang kaibigan nitong si Magnesium. Habang nababakas naman sa mukha ng kaibigan ni Timothy ang kakaibang ngisi na tila ba inaasar ang kaibigan. Samantalang, bigla na ulit natahimik si Jiselle sapagkat muli na naman siyang kinabahan na hindi niya maintindihan kung para saan ang nararamdaman niya.   “Woah! Ikaw ha, Timothy, kaya naman pala nagdadalawang-isip ka pa mamaya sa lakad natin,” nang-aasar naman na litanya ni Magnesium kay Timothy.   “Tsk! Shut up, Magna! Nagkakagulo na nga rito, nakukuha mo pang mang-asar diyan!” inis namang sagot ni Timothy sa kaibigan nito. Sa halip na sagutin pa ni Magnesium ang kaibigan isang halakhak na lamang ang pinakawalan nito habang hindi pa rin nawawala ang nakalolokong ngiti sa labi nito. Habang ang iba namang estudyante ay tahimik lamang at nababakas sa mukha ng mga ito ang matinding takot dahil sa lindol.   “What the eff! I can’t believe it!” hindi naman makapaniwalang litanya ni Tungsten habang nakatingin sa gusaling unti-unting gumuguho.   Ang kaninang nang-aasar na si Magnesium ay bigla na lamang naging seryoso habang nakatingin na rin ito sa lugar na kanina lamang ay pinagka-klasehan nila. Hindi nila akalain na guguho ang gusaling matagal nang nakatayo dahil lamang sa lindol. Ilang oras din ang lumipas bago tuluyang mawala ang lindol na siyang dahilan kung bakit maraming sugatan. Dahil sa nangyari nagpasiya ang may-ari ng School na pauwiin na muna ang lahat ng kanilang estudyante para na rin sa kaligtasan ng mga ito.   Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Jiselle ang matinding kalungkutan sa mata ni Timothy habang nakatingin ito sa gusaling gumuho na. Kung kaya’t walang nagawa si Jiselle kung ‘di ang yakapin na lamang ang binata sapagkat nagbabakasali siya na maibsan man lang ang lungkot na nararamdaman nit Timothy.   “Hey, are you okay, Timothy?”   “Y-Yeah.”   “You’re lying! I know that you’re not okay.” pangangatwiran pa ni Jiselle.   “I’m fine, Jiselle. Hindi lang ako makapaniwala ng dahil sa lindol mawawala ang lahat na pinaghirapan ng pamilya namin,” malungkot na litanya naman ni Timothy sa dalagang si Jiselle.   Dahil sa narinig ni Jiselle kaagad na kumirot ang dibdib niya sapagkat hindi niya akalain na makikita niyang malungkot ang binata. Para bang hindi siya sanay na makita ang binata na nalulungkot kung kaya’t may naisip siyag paraan para matulungan niya ang binata. Bagamat, mahirap ang gagawin niya pinili pa rin niyang sundin ang ninanais ng puso niya makita lang niya na masaya ang binatang si Timothy.   “Mamayang gabi, pumunta ulit tayo rito,” pabulong na litanya naman ni Jiselle kay Timothy.   Kasalukuyan silang naglalakad patungo sa Parking Lot upang umuwi na rin nang bigla na lamang mapatigil sa paglalakad si Timothy dahil sa sinabi rito ni Jiselle. Habang mababakas naman sa gwapo nitong mukha ang matinding pagkalito dahil hindi nito malaman ang dahilan ni Jiselle kung bakit kailangan pa nilang bumalik sa School nila. Dahil na rin sa nangyaring lindol at pagkaguho ng ilang gusali sa School nila halos isang linggo silang walang pasok.   “Ano naman ang gagawin natin dito?” kunot-noong tanong ni Timothy kay Jiselle. “H’wag ka nang marami pang tanong! Basta sasamahan mo ako mamaya sa School.”   “Sasabihin mo sa akin ang dahilan o hindi kita sasamahan pabalik sa School natin?”   “E, kung sunugin ko kaya ‘yang pinakamamahal mong buhok!” mahinang litanya naman ni Jiselle sa binata.   Mabilis namang nanlaki ang mata ni Timothy sabay hawak sa buhok nito dahil sa pananakot dito ng dalaga. Kung tutuusin pwede naman itong hindi pumayag sa kagustuhan ng dalaga kaya lang natatakot si Timothy na baka totohanin ng dalaga ang sinasabi niya.   “Fine! Sasamahan na po kita mamaya pabalik dito!” pagsukong pahayag naman ni Timothy kay Jiselle na ngayon ay nababakas na sa labi niya ang ngiting tagumpay.   “Hehehe! Papayag ka naman pala gusto mo pang tinatakot kita.” Tatawa-tawa namang litanya ni Jiselle sabay lapit sa sasakyan ni Timothy.   Sa halip na sagutin pa siya ng binata, tanging pag-iling na lamang ang nagawa nito at kaagad na lumapit na rin sa sasakyan nito. Hindi pa nagtagal ang biyahe nila at kaagad na silang nakarating sa bahay nina Timothy. Pagkababa pa lamang nila ni Jiselle nagulat na lamang sila sa kanilang nabungaran dahil halos nandoon lahat sa bahay nina Timothy ang ilang nakatataas din sa School nila. Ang mas ikinagulat pa nilang dalawa ay nang makita nila ang guro nila na nababakas din sa mukha ng mga ito ang matinding pagkagulat. Kaagad namang sumilay ang ngiti sa labi ng mommy ni Timothy nang makita silang dalawa ni Jiselle.   “Ayos ka lang ba, Jiselle? May masakit ba sa ‘yo?” natataranta namang tanong ng mommy ni Timothy sa dalaga.   Akmang sasagot na sana si Jiselle nang maunahan siya ni Timothy na nababakas sa mukha nito ang matinding pagkainis dahil sa inasal ng mommy nito. Isama mo pa rito na hindi alam ni Timothy na may mga panauhin pala sila sa bahay, dahil kung alam nito na ganito ang madadatnan nila ni Jiselle, hindi na sana muna sila umuwi ng dalaga.   “Tsk! Mommy, baka nakakalimutan mong ako ang anak mo at hindi si Jiselle!” nakasimangot na litanya naman ni Timothy sa mommy nito.   “Hahaha! Ikaw naman anak nagtampo ka kaagad. Alam ko naman ‘yon, pero, siyempre kailangan ko rin malaman kung ayos lang ba ang future daughter in law ko. Alam mo namang mahirap na ngayon ang makahanap ng babae na kagaya ni Jiselle na bukod sa maganda na ay may taglay rin na kabaitan.” Tatawa-tawa namang litanya ng mommy ni Timothy habang tinatapik-tapik nito ang balikat ng anak.   “Hehehe! Huwag mo na lang pong masyadong pansinin ang topaking si Timothy, tita. Alam mo naman pong bugnutin talaga ang isang ‘yan,” natatawa rin naman litanya ni Jiselle sa mommy ni Timothy. “Pasok na muna kami, mommy,” nakabusangot na litanya naman ni Timothy.   Tanging pagtango na lamang ang naging sagot ng mommy nito at kapagkuwan ay mabilis na hinila ni Timothy si Jiselle papasok sa bahay nila. Bakas man ang kakaibang tingin ng guro nila sa kanilang dalawa ni Jiselle sa halip na pansinin pa ito ni Timothy taas noo itong naglakad papasok sa bahay nila habang hila-hila pa rin ang dalaga. Akmang paakyat na sana sila ng hagdan nang bigla na lamang tumunog ang tiyan ni Jiselle senyales na nagugutom na siya.   “Mauna ka na sa taas, Timothy. Kakain lang ako saglit.”   “Gutom ka na naman? Anong klaseng buwaya ang nasa tiyan mo?”   “Manahimik ka ngang lalake ka!” mataray na saad naman ni Jiselle kay Timothy na nababakas sa mukha nito ang pang-aasar sa dalaga.   Wala namang nagawa si Timothy kung ‘di ang manahimik na lamang sapagkat nagtaray na naman ang dalagang si Jiselle. Dahil sa pakiramdam ni Timothy ay nanlalagkit na ito kaagad na nagtungo ang binata sa kwarto nito upang maligo ulit habang si Jiselle naman ay kaagad na nagtungo sa kusina. Kaagad namang bumungad sa dalaga ang isang katulong nina Timothy na tila abala sa pagluluto nito. “Okay lang po ba na igawa ninyo ako ng sandwhich? Pakidala na rin po sa kwarto ko.”   “Iyon lang ba, Senyorita?”   “Yes, yaya. Salamat po,” nakangiti naman sagot ni Jiselle.   Kaagad namang nagpaalam si Jiselle at mabilis na nagtungo sa kwarto niya upang maligo ulit sapagkat pakiramdam niya ay nanlalagkit na siya dahil sa dami ng nangyari sa araw niya. Isama mo pa rito ang boses na nagsabi sa kaniya na may lindol ulit na paparating. Sa halip na pakaisipin pa ito ni Jiselle nagpasiya na lamang siyang maligo habang hinihintay niya ang sandwhich na ipinagawa niya.   “Sana nga lang ay maging matagumpay ang gagawin ko mamaya,” mahinang sambitla ni Jiselle bago muling ipagpatuloy ang pagligo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD