Ikasampu ng gabi pero gising na gising pa rin ang diwa ni Jiselle sapagkat handang-handa na siyang bumalik ulit sa paaralan nila upang gawin ang bagay na sadya niya sa lugar na ‘yon. Habang si Timothy naman ay naghahanda na rin dahil nangako ito na sasamahan nito ang dalaga sa paaralan nila. Bagamat, nagtataka ang binata wala itong nagawa kung ‘di ang sundin na lamang ang kagustuhan ni Jiselle. Hanggang sa makarinig si Timothy nang mahihinang katok at kaagad namang binuksan ng binata ang pinto ng kwarto nito upang makapasok si Jiselle.
“Are you ready, Timothy?”
“Yes.”
“Ano pang hinihintay mo? Buksan mo na ang pinto sa veranda mo.”
“Ano namang gagawin natin sa veranda ng kwarto ko?” kunot-noong tanong ni Timothy.
Iiling-iling naman ang dalaga bago sagutin ang tanong ni Timothy. “Malamang, doon tayo dadaan papalabas ng bahay ninyo.”
“Ha? Hindi kita maintindihan.”
“Ano bang hindi mo maintindihan sa sinasabi ko? Mas madali na ang pag-alis natin kapag sa veranda mo tayo dumaan.”
“Bakit kasi sa veranda ko pa? Pwede namang dumaan tayo nang maayos sa pinto!” pangangatwiran naman ni Timothy kay Jiselle.
“Hindi na nating kailangang dumaan pa si pinto lalo na’t baka magising pa natin sila. At saka hindi na rin natin kailangan ng kotse mo dahil sa walis ko tayo sasakay patungo sa paaralan natin. Naiintindihan mo na ba?” litanya naman ni Jiselle kay Timothy na bakas sa mukha ang pagkagulat nito.
Dahil sa hindi na makapaghintay pa si Jiselle siya na mismo ang nagbukas ng pinto patungo sa veranda ng binata sa may kwarto nito. Habang mabilis namang inilabas ni Jiselle ang walis niya at kaagad na sumakay dito habang si Timothy naman ay nananatili pa rin na nakatitig sa dalaga.
“Halika ka na! Sumakay ka na sa walis ko para makapunta na tayo sa paaralan natin.”
“Sigurado ka bang diyan ulit tayo sasakay sa walis mo? Hindi delikado ‘yan? Paano na lang kung bigla na lang umulan o kaya naman bigla na lang humangin nang malakas?” may pangambang tanong ni Timothy kay Jiselle.
“Tsk! Wala ka bang tiwala sa akin?”
“Hindi naman sa wala akong tiwala sa ‘yo, magaling na rin ‘yong nag-iingat tayong dalawa.”
Sa halip na sumagot pa ang dalaga marahan na lamang niyang ikinumpas ang kamay niya dahilan upang lumutang sa ere si Timothy at kaagad niyang pinalapit sa gawi niya ang binata. Halos lumuwa naman ang mata ng binata dahil sa ginawa rito ni Jiselle. Nang makalapit sa gawi niya ang binata kaagad niyang sinenyasan na sumakay na ito na siya namang sinunod ng binata na ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari sa paligid nito. Kasabay naman nito ay ang dahan-dahan na pagtaas sa ere ng walis ni Jiselle habang mabilis namang yumakap ang binata sa beywang ni Jiselle. Kagaya nang una may mahika ulit na ginamit si Jiselle upang walang ibang makakita sa kanilang dalawa ng binata.
Ilang minuto pa ang lumipas bago sila makarating sa lugar na sadya nila at kaagad na bumungad sa kanila ang nagbagsakang gusali. Laking pasasalamat na lamang ni Jiselle na sa medyo tagong lugar sila ng binata bumaba mula sa walis niya sapagkat hindi niya akalain na marami palang manggagawa na abalang-abala pa rin sa pagsasaayos ng mga nasirang gusali. Kasabay naman nito ay ang pagsenyas ni Jiselle kay Timothy na lumapit sa gawi niya. Wala namang nagawa si Timothy kung ‘di ang lumapit na lamang at hindi na itinuloy ang tangkang paninigarilyo sana nito. Kagaya kanina muli na namang nagulat si Timothy nang bigla na lamang silang nabalot sa pabilog na proteksyon na ginawa ni Jiselle.
“Ypnos!” mahinang sambitla naman ni Jiselle.
Hanggang sa isang iglap lang ay bigla na lamang nawalan ng malay ang mga manggagawa na natatanaw nila hindi kalayuan sa pwesto nila. Dahil dito, hindi maiwasan ni Timothy na hindi magtaka sa nasaksihan nito na ginawa ng dalaga sa mga manggagawa. Kasabay naman nito ay ang pagsilay ng matamis na ngiti sa labi ng dalaga na para bang natutuwa siya sa kaniyang ginawa sa mga manggagawa.
“What the! Jiselle, anong ginawa mo sa mga manggagawa?”
“Hehehe! Huwag kang mag-alala pinatulog ko lamang sila para walang sagabal sa gagawin ko.”
Kasabay naman nito ang isa-isang paglutang sa ere ng mga manggagawa na walang malay at kaagad itong inilapag ni Jiselle gamit ang mahika niya sa malawak na field ng paaralan nila. Habang si Timothy naman ay walang nagawa kung ‘di ang mamangha lamang sa ginagawa ng dalaga. Para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin ito makapaniwala na nabuhay ang isa sa mga karakter na ginawa nito. Nang masigurado ni Jiselle na nailipat na niya ang lahat ng mangagawa sa field balak na niyang simulan ang gagawin niya sa mga gumuhong gusali.
“Magsisimula na ako sa gagawin ko. Kung maaari diyan ka muna sa may tabi ng puno, Timothy.”
“Ha? Bakit ano bang gagawin mo? Bakit kailangan ko pang lumayo sa tabi mo?”
“Huwag ka nang maraming tanong! Sundin mo na lang ang sinasabi ko sa ‘yo!”
“Fine! Nagtatanong lang naman ako! Bigla-bigla ka na namang nagtataray!”
Sa halip na pansinin pa ni Jiselle ang ngawa nang ngawa na binata. Kaagad siyang huminga nang malalim bago simulan ang gagawin niya. Kung kaya’t kaagad niyang pinalutang ang sarili niya at muling bumigkas ng kakaibang lenggwahe na hindi pamilyar sa binata.
“Epistrofi!” sigaw na litanya ni Jiselle.
Kasabay nito ay ang pagkumpas ng kamay niya at ang kaninang gumuhong gusali ay unti-unti nang nabubuo ulit. Habang si Timothy naman ay napatigil sa paninigarilyo dapat nito nang makita ng binata na ang gusaling kanina ay gumuho na, ngayon naman ay unti-unti na ulit nabubuo. Nang maisaayos na ni Jiselle ang gusaling gumuho kaagad naman niyang isinunod ang isa pa rin na gusali na gumuho din dulot ng lindol.
Habang ikinumpas naman ni Jiselle ang isa niyang kamay upang itayo ang mga natumbang puno. Samantalang, kaagad namang isinunod ni Jiselle ang nasirang hardin sa paaralan nila. Kung pagmamasdan si Jiselle daig pa niya ang isang dyosa dahil sa pagmamahal niya sa kalikasan. Kung tuusin hindi inaakala ni Timothy na pati mga natumbang puno at nasirang halaman ay papansinin din ni Jiselle. Sapagkat ang buong akala ni Timothy ay tanging mga gusali lamang ang isasaayos ng dalagang si Jiselle.
Halos dalawang oras din ang nakalipas bago matapos ayusin ni Jiselle ang mga gusaling gumuho dulot nang malakas na lindol. Kung pagmamasdan ang kapaligiran ng paaralan nila hindi mo aakalain na labis itong napinsala sapagkat para bang walang naganap na lindol. Hanggang sa naramdaman na lamang ng dalaga na may mainit na likido na tumutulo sa may bandang ilong niya. Sa halip na magulat, marahan na lamang itong pinahiran ni Jiselle dahil ayaw niyang makita ni Timothy ang pagdugo ng ilong niya. Hanggang sa dahan-dahang bumaba mula sa ere si Jiselle dahil nararamdaman na ng dalaga ang matinding pagod dahil sa ginawa niya. Isama mo pa rito na pakiramdam ni Jiselle ay umiikot na ang kaniyang kapaligiran dulot ng masyadong paggamit ng mahika.
“Wow! Hindi ko akalain na magagawa mo ang bagay na ‘yon, Jiselle,” namamangha namang litanya ni Timothy sa harapan ni Jiselle,
“Hehehe! Ikaw lang naman ang walang kabilib-bilib sa akin.”
Bagamat nakangiti si Jiselle hindi nakaligtas sa paningin ni Timothy ang matinding pagod na nababakas sa mata ng dalaga. Dahil dito, kaagad na nakaramdam ng konsensiya si Timothy sapagkat pakiramdam ng binata ay kasalanan nito kung bakit ginawa ni Jiselle ang bagay na ‘yon. Kung tutuusin wala namang problema ang pamilya nila sa pagpapasaayos ng mga gusaling gumuho kaya lang hindi maiwasan ni Timothy na malungkot lalo na’t malaki ang naging epekto nito sa pamilya nila.
“Ayos ka lang ba? Parang namumutla ka yata,” nag-aalalang tanong naman ni Timothy kay Jiselle.
“Ayos lang ako. Napagod lang ako sa ginawa kong pagsasaayos ng mga gumuhong gusali sa paaralan natin.”
Akmang magtatanong pa sana ulit si Timothy nang bigla na lamang nagsalita ulit ng kakaibang lenggwahe ang dalagang si Jiselle. Muli na namang napakunot ng noo si Timothy sapagkat hindi nito alam kung ano na naman ang balak gawin ng dalaga. Lalo na’t nababakas na sa magandang mukha niya ang matinding pagod dulot ng paggamit niya ng kaniyang mahika.
“Oloi eseis eiste afto pou to chtisate,” mahinang sambit ni Jiselle.
Hanggang sa biglang may lumabas na lilang usok at kaagad na nagtungo sa gawi ng mga manggagawa na hanggang ngayon ay nanatili pa rin na natutulog. Ilang saglit pa ay nawala na ang lilang usok na bumabalot sa mga manggagawa kasabay nito ay ang muling paglabas muli ng walis ni Jiselle.
“Aalis na ba tayo?” kunot-noong tanong ni Timothy sa dalaga.
“Oo.”
“Paano ang mga manggagawa? Paano kung magising sila tapos makikita nilang ayos na ayos na ang gusali na dapat ay aayusin nila.”
“Huwag kang mag-alala hindi sila magtataka kapag nagising silang lahat,” nakangiti namang sagot ni Jiselle kay Timothy na bakas pa rin sa mukha ang kalituhan.
“Ha? Hindi kita maintindihan, Jiselle. Paanong hindi sila magtataka?”
“Nakita mo ba ‘yong lilang usok kanina?”
“Yes!” mabilis na sagot naman ni Timothy sa dalagang si Jiselle.
“Nakita ko rin. Hahaha!”
Kaagad namang nalukot ang mukha ni Timothy dahil sa naging sagot dito ng dalaga. Sapagkat hindi akalain ni Timothy na may pagka-pilosopo rin pala ang dalagang nasa harapan nito. Sa halip na magtanong pang muli pinili na lamang ni Timothy na manahimik dahil nararamdaman nito na mukhang hindi pa natatapos ang pamimilosopo ng dalaga. Hindi pa nagtagal ay nagyaya ng umuwi si Jiselle dahil malapit na rin magising ang mga manggagawang pinatulog niya gamit ang kaniyang mahika. Nang makarating sila sa bahay nina Timothy mabilis na nagpaalam ang dalaga na matutulog na ito habang ang binata naman ay naiwang tulala sa kwarto nito.
Pagkapasok pa lang ni Jiselle sa kwarto niya mabilis siyang humiga sa kama dahil sa pagod na nararamdaman niya. Hindi pa nagtagal ay tuluyan na siyang nilamon ng kadiliman. Habang si Timothy naman ay gising na gising pa rin ang diwa dahil sa pagbabasa ng mga komento sa kwentong ginawa nito. May iilan pa itong nabasa na nagagalit sa naging wakas ng kwento na ginawa nito habang may iba namang nabibitin at humihingi ng paliwanag sa binata.
“@HelloSenpai-Maganda naman ang kwento kaya lang nabitin ako sa wakas!”
“@Bunnygirl02-I can’t believe it! I demand a book 2!”
“SexyLover55-My gosh! This is it? I can’t believe it! You killed my Prince Charles!”
Pagak na lamang na natawa si Timothy sa mga nababasa nitong komento tungkol sa kwentong ginawa nito na may pamagat na “The Last Descendant.” Ang totoo sa kwentong nilikha ng binata ay tungkol sa pag-iibigan nina Prinsesa Diane at Prinsipe Charles. Kung saan naging matalik na kaibigan ni Jiselle ang Prinsesa dahil sa minsan na niya itong tinulungan noong nanganganib ang buhay nito sa kagubatan. Hanggang sa hindi nagtagal naging matalik silang magkaibigan kahit na kinatatakutan sa lugar nila ang angkan nina Jiselle. Ngunit, kahit na ganoon, hindi naging hadlang ang pagiging magkaibigan ng dalawa. Habang, unti-unti namang nahuhulog sa isa’t isa sina Prinsesa Diane at Prinsipe Charles lalo na’t bata pa lang sila ay gusto na nila ang isa’t isa. Marami man ang dumaan na pagsubok sa kanila nanaig pa rin ang pagmamahalan nilang dalawa. Kung tutuusin dapat ay ikakasal na silang dalawa pero sa kasamaang palad ay binawian silang dalawa ng buhay.
Napukaw lamang ang malalim na iniisip ni Timothy nang bigla na lamang may nag-message rito mula sa editor nito. Kaagad namang napakunot ang noo ni Timothy dahil bigla na lamang nagpadala ng mensahe ang editor nito. Kung kaya’t wala namang sinayang na oras si Timothy at kaagad na binasa ang mensaheng pinadala rito.
To: Mr.Delinquent
Hi! This is your editor Chacha, I know that you’re still busy with your study. May I know, when will you start writing your book 2? Aside from that, I’m happy to tell you that your book will be published at the end of this month. Kindly response to this message if you’re done reading this. Thank you!
From: Editor Chacha
Matapos mabasa ni Timothy ang mensahe ng editor nito kaagad na sumilay ang ngiti sa labi ng binata dahil sa tuwa na nararamdaman nito. Kung kaya’t mabilis namang sinagot ni Timothy ang mensahe ng editor nito. Hanggang sa makaramdam na ng antok si Timothy at mabilis na pinatay ang kompyuter nito. Namalayan na lamang ng binata na unti-unti na itong nilalamon ng kadiliman dulot ng pagod sa buong araw na nangyari rito.
Hindi pa nagtagal ang kuliglig ng kulisap sa labas ng bahay nina Timothy ay napalitan nang malalakas na tilaok ng manok na nagmumula sa kapitbahay nila. Ilang oras pa ang lumipas nang magising ito at halos manlaki ang mata ng binata nang malaman nitong alas-nueve na ng umaga ito nagising. Laking pasasalamat na lamang nito na ngayon ay wala pa silang klase dahil kung hindi malamang ay nahuli na ito sa klase.
Matapos gawin ang palagi nitong ginagawa sa umaga mabilis na bumaba si Timothy upang makapag-agahan na. Kaagad naman nitong naabutan sa hapagkainan ang mommy at daddy nito na tila kagigising lamang din. Mabilis namang napakunot ng noo si Timothy ng mapansin na wala ang dalaga sa hapagkainan nila.
“Mommy, where’s Jiselle?” nakakunot ang noo na tanong ni Timothy sa ina nito.
“Ha? Baka tulog pa anak.”
“Himala! Sige mommy, puntahan ko lang siya sa kwarto niya.”
Hindi na hinintay pa ni Timothy ang sasabihin ng mommy nito nang mabilis itong magpaalam upang magtungo sa kwarto ni Jiselle. Nang marating nito ang harap ng kwarto ng dalaga mahinang kumatok si Timothy ngunit kahit anong gawing katok nito ay walang Jiselle na bumungad dito. Dahil sa pagtataka marahan nitong bunuksan ang kwarto ng dalaga, hindi pa nagtagal ay natanaw na ni Timothy si Jiselle na himbing na himbing pa rin sa pagtulog. Akmang gugulatin sana ni Timothy si Jiselle ng mapansin nitong parang namumutla ang dalaga. Halos manlaki naman ang mata ng binata dahil sa napansin ni Timothy na medyo sunog na ang hinihigaan ng dalaga. Maihahalintulad naman ang hinihigaan ng dalaga sa damit na nasunog dulot ng plantsa. Bagamat, sobrang init ng dalaga, marahang tinapik-tapik ni Timothy ang pisngi ni Jiselle upang gisingin sana siya.
“Hey, Jiselle! Come on, wake up!”
“Hmm.. I’m tired, Timothy.”
“I know that you’re tired but you need to change your clothes,” malambing naman na litanya ni Timothy sa dalaga.
“I can’t, Timothy! I’m too tired to moved on my own.”
Wala namang nagawa ang binata kung ‘di ang maingat na ibinangon at isinandal ang dalaga sa headboard ng kama niya habang tinitiis nito ang init ng katawan ni Jiselle. Habang nangangalumata namang sinalubong ni Jiselle ang tingin sa kaniya ni Timothy. Bagamat alam na ni Jiselle na ganito ang mangyayari sa kaniya pakiramdam ng dalaga ay sinusunog ang loob ng katawan niya dahil sa sobrang init ng kaniyang nararamdaman.
“Pwede mo bang punuin ng yelo ang bathtub sa banyo?” nahihirapang tanong naman ni Jiselle sa binata.
“Ha? Ano naman ang gagawin mo roon?”
“Kailangan kong ibabad ang katawan ko sa yelo. Dahil kung hindi baka mas lumala pa ang kalagayan ko.”
Kaagad namang tumango si Timothy at mabilis na nagpaalam sa dalaga upang kumuha ng yelo. Sa bilis ng kilos ni Timothy daig pa nito ang kidlat habang pababa ang binata sa hagdan ng bahay nila. “Yaya, kailangan ko ng maraming yelo!” malakas na litanya naman ni Timothy.
“Ha? Sandali lang Senyorito, kukuha lang ako,” aligaga namang sagot ng katulong nito.
Mababakas naman sa mukha ni Timothy ang matinding pag-aalala dahilan upang mapakunot ang noo ng mommy at daddy nito dahil sa naging kilos ng anak nila. Hindi nila alam kung bakit natataranta ang anak nilang si Timothy, isama mo pa rito ang paghingi ng yelo ng binata sa katulong nila na hindi alam ng mag-asawa kung saan ito gagamitin. Kasabay naman nito ay ang paglabas ng yaya nito na may dala-dalang maraming yelo na ngayon ay nakalagay na sa malaking timba.
“Ano bang gagawin mo diyan?” nakakunot na noo namang tanong ng ina ni Timothy.
“Mommy, I need your help!” litanya naman ni Timothy na hindi sinagot ang tanong ng mommy nito.
“Ha? Para saan anak? Ano bang nangyayari at tarantang-taranta ka diyan?”
“Jiselle has a fever and I need your help to change her clothes.”
“Sige, anak, susunod na ako diyan.”
Mabilis namang tumango ang binata at kaagad na nagtungong muli sa kwarto ng dalaga. Wala namang sinayang na oras si Timothy at kaagad na nilagay sa bathtub ang maraming yelo na dala-dala nito. Hindi pa nagtagal ay binuhat na nito ang dalaga upang ilagay sa bathtub na napupuno ng yelo. Pagkalagay pa lamang nito kay Jiselle sa bathtub na napupuno ng yelo kaagad na umusok ang katawan ng dalaga habang lumalabas sa katawan ang init na nararamdaman niya. Saglit namang nagpaalam ang binata upang ikuha ng pamalit ang dalaga. Nang makuha nito ang pamalit ng dalaga halos manlambot ang tuhod ni Timothy dahil sa nakikita sa harapan nito. Dahilan naman upang mabitiwan ni Timothy ang hawak nitong pamalit na damit ng dalaga.
“Jiselle is that you?” naguguluhang tanong ni Timothy sa dalagang nasa harapan nito.