Nang maiwan mag-isa sa banyo si Jiselle kaagad niyang hinubad ang suot na damit upang mas maramdaman niya ang lamig ng yelo. Bagamat, maraming yelo na ang nakalagay sa bathtub ng dalaga hindi pa rin nawawala ang init ng katawan niya. Naroon pa rin ang pakiramdam ng dalaga na para bang may nagliliyab na baga sa loob ng katawan niya. Isama mo pa rito ang panghihina ng katawan niya. Noong una ay hindi akalain ni Jiselle na ganoong kalala ang magiging kapalit ng paggamit niya ng sobra niyang mahika. Sapagkat, ang inaasahan ni Jiselle ay simpleng lagnat lamang ang mararamdaman niya kagaya noong una kasama ang mga magulang niya. Hanggang sa bigla na lamang napatingin ang dalaga sa buhok niyang mahaba nang unti-unti itong nagbabago ng kulay. Ang itim na buhok niya ay unti-unti na lamang nagiging kulay ginto hanggang sa naramdaman na lamang ni Jiselle na tila nagbago rin ang kaniyang tainga na kagaya sa mga duwende. Kasabay nito ay ang pagtayo ni Jiselle sa bathtub upang pagmasdan ang sarili at ganoon na lamang ang gulat na naramdaman ng dalaga nang makita niyang kulay ginto na rin ang mata niya. Kasabay naman nito ay ang pagpasok ng binatang si Timothy na nabitiwan pa nito ang damit na pamalit niya sana.
“Jiselle is that you?” naguguluhang tanong ni Timothy sa dalagang nasa harapan nito.
Sa halip na magulat sa tanong ng binata kaagad namang namula si Jiselle dahil sa biglaang pagpasok ni Timothy. Kung kaya’t mabilis na napaupo sa may bathtub si Jiselle upang matakpan ang kahubaran niyang mukhang nakita yata ng binata. Sapagkat, hindi nakaligtas sa paningin ni Jiselle ang pamumula ng tainga ng binatang si Timothy.
“B-Bakit ka kasi basta-basta na lang pumapasok sa banyo?” namumula namang tanong ni Jiselle kay Timothy.
“H-Ha? M-Malay ko bang maghuhubad ka! At saka akala ko ba nanghihina ka?” mabilis na sagot ng namumulang si Timothy.
Bahagya namang natahimik si Jiselle sapagkat hindi niya alam kung paano ipaliliwanag sa binata ang naging hitsura niya. Samantalang, kaagad namang tumalikod si Timothy sa gawi ng dalaga habang hindi pa rin nawawala ang pamumula ng tainga nito. Hanggang sa bigla na lamang napahawak sa dibdib niya ang dalaga dahil bigla na lamang itong kumirot at pakiramdam ni Jiselle ay mas lalong nag-init ang pakiramdam niya.
“T-Timothy, it hurts!” nahihirapang litanya naman ni Jiselle.
Kaagad namang napalingon ang binata sa gawi ni Jiselle dahilan upang magulat ito dahil sa namimilipit na sa sakit ang dalaga. Kung kaya’t mabilis na lumapit sa gawi ni Jiselle si Timothy upang daluhan ang dalagang nahihirapan. Kasabay naman nito ang pag-agos ng pulang likido sa ilong ni Jiselle na siyang ikinatakot ni Timothy. Mabilis naman itong pinahid ni Timothy ngunit kahit anong pahid ng binata ay wala pa rin tigil ang pagdurugo ng ilong ng dalaga.
“Jiselle, ano bang nangyayari sa ‘yo?” natataranta namang tanong ni Timothy sa dalaga.
“I don’t know! Ngayon lamang nangyari sa akin ang bagay na ‘to!”
Bagamat nawawala na ang kirot na nararamdaman ni Jiselle sa dibdib niya wala pa rin tigil ang pagdugo ng kaniyang ilong. Isama mo pa ang pagbabago ng kaniyang hitsura na hindi niya akalain na mangyayari sa kaniya. Dahil dito, hindi maiwasan ni Jiselle na mapaluha dahil sa takot sa maaaring mangyari sa kaniya.
“What about your looks? Bakit naging ganiyan ang hitsura mo?”
“Ito ang totoo kong anyo, Timothy. Nagiging ganito lamang ang hitsura ko kapag sobra-sobrang mahika na ang nagagamit ko.”
“Bakit kasi ginawa mo pa ang bagay na ‘yon? Tingnan mo ang nangyari sa ‘yo ngayon! Paano na lang kung hindi ko naisipan na puntahan ka sa kwarto mo? E ‘di baka kung napano ka na!” naiinis na pahayag naman ni Timothy sa dalaga.
“Ginawa ko ‘yon dahil ayokong nakikitang may lungkot ang mga mata mo!” umiiyak na litanya naman ni Jiselle kay Timothy.
Hindi naman kaagad nakapagsalita ang binata dahil sa narinig nitong sinabi ni Jiselle. Dahil dito, hindi maiwasan ni Timothy na ma-konsensiya sapagkat kung hindi dahil dito hindi sana ngayon nahihirapan si Jiselle. Kung kaya’t walang nagawa si Timothy kung ‘di ang punasan ang luha ng dalaga kasabay ang pagyakap nito kay Jiselle na ngayon ay lumuluha pa rin. Hanggang sa napansin na lamang ni Timothy na unti-unting nagiging normal na ang temperatura ni Jiselle kasabay nito ay ang pagbalik ng normal na hitsura ng dalaga.
Isang malalim na buntong-hininga naman ang pinakawalan ni Timothy bago sagutin ang dalaga. “Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa ‘yo, hindi na sana ako pumayag pa na gawin mo ang bagay na ‘yon.”
Laking pasasalamat na lamang ng binata ng tumigil na ang pagdurugo ng ilong ni Jiselle. Kasabay naman nito ay ang mabilis na pagbitiw ng yakap ni Timothy kay Jiselle nang bigla na lamang bumukas ang pinto ng banyo. Kaagad namang bumungad sa kanila ang ina ni Timothy na nababakas sa mukha ang matinding pag-aalala sa dalaga.
“Jiselle, ayos ka lamang ba?” pag-aalala namang tanong ng ina ni Timothy.
“Ayos lang po ako, tita?” magalang namang sagot ni Jiselle.
Bagamat sinabi ng dalaga na ayos lang siya hindi nakaligtas sa mata ni Timothy ang matinding pagod na nababakas sa mata ni Jiselle. Habang ang ina naman ni Timothy ay kaagad na inasikaso ang dalagang si Jiselle na namumutla pa rin. Lihim namang nagpasalamat si Timothy sa Panginoon dahil bumalik na ulit sa dati ang hitsura ni Jiselle sapagkat nangangamba ang binata na baka magtaka ang ina nito sa naging hitsura ng dalaga. Hindi rin maitatanggi ni Timothy na labis-labis ang pagkagulat nito dahil sa nakita nitong anyo ng dalaga. Ngunit, hindi maitatanggi ni Timothy na labis na napakaganda ng dalaga sa totoo niyang anyo. Sa hindi malamang dahilan kaagad na bumilis ang t***k ng puso ng binata kapag naaalala nito ang magandang mukha ni Jiselle. Napukaw lamang sa malalim na iniisip nito ang binata nang bigla na lamang nagsalita ang ina nito.
“Ano pang hinihintay mo diyan, anak? Lumabas ka na sa banyo para maasikaso ko na si Jiselle.”
“Ha? H-Heto na nga po lalabas na!” tarantang sagot naman ni Timothy.
Pagkalabas na pagkalabas pa lamang ni Timothy sa banyo kaagad na namula ang pisngi nito dahil sa nakita nitong reaksyon ng ina. Para bang nababakas sa mukha ng ina nito ang matinding pang-aasar sa kanilang dalawa ni Jiselle. Isama mo pa rito nang muli nitong maalala ang maganda at makinis na katawan ni Jiselle na hindi nito sinasadya na makita. Kung kaya’t hindi maintindihan ng binata kung ano nga ba ang mararamdaman nito isama mo pa rito ang bigla-bigla na lamang bumibilis ang t***k ng puso ni Timothy. Hindi pa nagtagal ay lumabas na ng banyo ang mommy nito na akay-akay ang nanghihina pa rin na dalaga. Dahil dito, kaagad namang tumulong si Timothy at mabilis na binuhat ang dalaga patungo sa kama niya. Kung kanina ay parang nasunog ang bedsheet ng kama ni Jiselle ngayon naman ay parang walang nangyari dahil sa kaagad na itong pinalitan ng binata. Akma pa sanang tatawagan ng ina ni Timothy ang “family doctor” nila nang mabilis na tumanggi ang binata. Kung kaya’t labis na naguluhan ang ina ng binata dahil sa ikinikilos ni Timothy.
“Jiselle, ayos na ba ang pakiramdam mo?” nag-aalala namang pagtatanong ng ina ni Timothy kay Jiselle.
“Maayos na po ako, salamat po sa tulong ninyo.” Nakangiti namang saad ni Jiselle.
Sa halip na sumagot pa ang ina ni Timothy kay Jiselle isang matamis na ngiti na lamang ang isinagot nito at mabilis na nilisan ang kwarto ng dalaga. Habang naiwan naman sa kwarto ni Jiselle ang binata na ngayon ay kunot na kunot na ang noo na para bang may malalim na iniisip.
“Sabihin mo sa ‘kin, Jiselle, may hindi pa ba ako nalalaman sa buo mong pagkatao?” seryoso namang pagtatanong ni Timothy.
Dahil sa naging tanong ni Timothy hindi kaagad nakasagot si Jiselle sapagkat hindi alam ng dalaga kung ano nga ba ang dapat niyang sabihin. Bukod dito, napansin din niya ang kakaibang kaseryosohan sa mukha ni Timothy na para bang kung pagmamasdan mo ito ay parang ibang tao ang nasa harapan niya. Sa hindi malamang dahilan kaagad na nakaramdam ng kakaibang takot si Jiselle kay Timothy dahil sa pinapakita nitong kaseryosohan.
“Hindi ko naman gustong itago sa ‘yo ang bagay na ‘yon.”
“Pero, hindi mo naman sinabi sa akin! Hindi mo ba alam na mamatay-matay ako sa pag-aalala sa ‘yo!” naiinis na bulyaw naman ni Timothy kay Jiselle.
“Dahil hindi ko naman alam na mangyayari sa akin ang bagay na ‘to! At saka, bakit ka ba nagagalit?” pangangatwiran naman ni Jiselle sa binata.
“Hindi ako nagagalit! Ang akin lang, bakit hindi mo sinabi sa akin na ganoon pala ang totoo mong anyo? Paano na lang kung nakita ni mommy ang anyo mo?”
“Galit ka e!”
“Hindi nga ako galit!” pangangatwiran pa ni Timothy.
“Kung hindi ka galit sa akin, bakit sumisigaw ka?”
Kaagad namang ginulo ni Timothy ang buhok nito na tila ba nagpipigil lamang ng galit nito. Kung kaya’t hindi na rin mapigilan ni Jiselle ang galit na kaniyang nararamdaman. Kasabay nito ay ang paisa-isang pagpatak ng luha niya dahil hindi maintindihan ni Jiselle kung bakit bigla-bigla na lamang nagalit sa kaniya si Timothy. Samantalang ang kaninang inis na nararamdaman ni Timothy ay bigla na lamang nawala ng makita nito na lumuluha na si Jiselle.
“What the! Why are you crying, Jiselle?”
Sa halip na makakuha ng sagot si Timothy tanging pag-iling na lamang ang sinagot ni Jiselle habang patuloy pa rin sa pagluha. Kakamot-kamot naman ng buhok si Timothy bago tumayo sa pagkakaupo sa sofa hindi kalayuan sa pwesto ni Jiselle. Hanggang sa dahan-dahang lumapit si Timothy kay Jiselle na patuloy pa rin sa kaniyang pagluha, dahil dito hindi maiwasan ng binata na makonsensya sa naging asal nito sa dalaga. Nang makalapit ang binata marahang umupo si Timothy sa gilid ng kama ng dalaga habang matiim na nakatitig kay Jiselle na umiiyak pa rin.
“Tell me, Jiselle, why are you crying?”
Kagaya nang una wala nakuhang sagot si Timothy sa dalaga dahil ang tanging nangingibabaw lamang sa loob ng kwarto ni Jiselle ay ang paghikbi niya. Kaagad namang napabuntong-hininga ang binata bago punasan ang luha ni Jiselle sa mamasa-masang pisngi ng dalaga. Kasabay naman nito ay ang pagyakap ni Timothy sa dalaga habang marahang hinahaplos ng binata ang buhok ni Jiselle. Kung kaya’t tanging katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa hanggang sa napansin ni Timothy na inaantok na ang dalaga dulot ng kaniyang pag-iyak. Akmang aalis na sana si Timothy ng pigilan ito ni Jiselle na ngayon ay tumigil na sa kaniyang pagluha.
“Yakap mo ‘ko ulit!” parang batang litanya naman ni Jiselle kay Timothy.
“I can’t, Jiselle!”
“Why? Are you still mad at me?” nangingilid ang luha na pagtatanong ni Jiselle kay Timothy.
“N-No!” nahihirapang tugon ni Timothy.
“Yakap mo ‘ko ulit!” nagsusumamong litanya ni Jiselle.
Dahil sa pagpupumilit ni Jiselle walang nagawa ang binata kung ‘di ang tabihan ang dalaga sa pagkakahiga niya. Kasabay nito ay ang pagyakap muli ni Timothy sa dalaga habang parang isang bata naman si Jiselle na nagsumiksik sa tabi ng binata. Hanggang sa naramdaman na lamang ni Jiselle na unti-unti na siyang nilalamon ng kadiliman. Ngunit, bago siya tuluyang makatulog naramdaman pa ni Jiselle ang matamis na halik na iginawad ni Timothy sa may noo niya. Habang si Timothy naman ay walang tigil sa paghaplos sa malambot na buhok ng dalaga na para bang isang bata si Jiselle na inaalo ng isang ama. Hanggang sa hindi namamalayan ni Timothy na unti-unti na rin itong dinadalaw ng antok.
Lumipas pa ang mga oras ng magising ang binatang si Timothy buhat sa pagkakatulog nito. Samantalang payapa pa rin na natutulog ang dalaga sa tabi nito. Doon rin napansin ni Timothy na alas-dose na pala ng tanghali kaya naman dahan-dahan itong bumangon upang hindi nito magising ang dalagang natutulog pa rin. Nang makalabas ng kwarto ni Jiselle si Timothy kaagad na nagtungo ang binata sa hapagkainan nila upang kumain ng tanghalian. Pagkababa pa lamang ni Timothy ng hagdan kaagad na nakarinig nang malalakas na tawa ang binata na nagmumula sa kanilang hapagkainan. Sa halip na magulat pa, tanging pag-iling na lamang ang nagawa ni Timothy habang nakatingin sa dalawa nitong kaibigan na prenteng-prente sa pagkain. Ang labis lamang na pinagtataka ng binata ay kung bakit tawa nang tawa ang mga ito habang nakatitig sa kani-kanilang cellphone.
“Hahaha! Iba ka talaga, tita!” natatawa namang litanya ni Magnesium.
“Oo nga, tita. Hindi ko akalain na magagawa mo ‘yan,” pagsingit na litanya ni Tungsten.
“Hahaha! Ako pa! E’ sisiw lang sa akin ang bagay na ‘to!” may pagmamalaki namang saad ng ina ni Timothy.
Sa narinig ni Timothy hindi nito maiwasan na magtaka kung ano ba ang pinag-uusapan ng mommy nito pati na rin ang dalawa nitong kaibigan. Dahil sa hindi na nakatiis si Timothy kaagad itong lumapit upang tanungin ang mga kaibigan kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito.
“Ano ang sisiw lang sa ‘yo, mommy? May hindi ba ako nalalaman?” nakakunot ang noong pagtatanong ni Timothy.
“Ha? Wala ‘yon, anak. H’wang mo nang pansinin si mommy. Kumusta na pala ang kalagayan ni Jiselle.”
“She’s okay now, mommy.”
Hindi na sana tatanungin ni Timothy ang pinag-uusapan ng mga ito kanina kung hindi lamang nito napansin ang kakaibang ngisi ni Magnesium. Sa paraan pa lamang ng pagngisi ni Magnesium kaagad na nahalata ni Timothy na mukhang may halo itong pang-aasar dahilan upang mas lalong maguluhan ang binata.
“Hahaha! Iba ka talaga, Timothy!” natatawa namang lintanya ni Magnesium.
“Tsk! Ano bang pinagsasasabi mo diyan? Nakakahalata na ako sa inyo! ‘Yong totoo, may tinatago ba kayo sa akin?”
“Ha? W-Wala kaya!” kinakabahang sagot naman ni Magnesium kay Timothy.
Akmang susuntukin na sana ni Timothy sa braso si Magnesium nang bigla na lamang magsalita si Tungsten na ngayon ay namumula na ang tainga. Para bang mababakas sa mukha ni Tungsten ang matinding pagkapahiya na siyang hindi maintindihan ni Timothy.
“Nakita namin kayo ni Jiselle sa kwarto niya,” kaagad namang pagsingit ni Tungsten.
“Iyon lang naman pala! Bakit hindi kaagad ninyo sinasabi sa akin? May nalalaman pa kayong paglilihim sa akin!”
“Hehehe! Anak, h’wag ka sanang magagalit sa ginawa ni mommy.”
“Bakit naman ako magagalit sa ‘yo, mommy?” nakakunot ang noo na tanong ni Timothy sa ina.
Sa hindi malamang dahilan kaagad na nakaramdam ng kaba sa dibdib nito ang binata sapagkat alam ni Timothy kung gaano mang-asar ang mommy nito. Bagamat, may kabang nararamdaman, nilakasan ni Timothy ang loob nito upang tanungin kung ano na namang pang-aasar ang ginawa ng mommy nito. Kung tutuusin hindi na sana itatanong pa ni Timothy kung ano nga ba ang pinag-uusapan ng mga ito, kaya lamang hindi maintindihan ng binata ang sarili kung bakit hindi ito mapakali. Para bang may mangyayaring hindi nito inaasahan.
“Kinuhanan ko kasi kayong dalawa ni Jiselle ng larawan gamit ang cellphone ko habang parehas kayong natutulog. Then, I just posted it to my instagram.”
Mabilis namang nanlaki ang mata ni Timothy dahil sa narinig nito kasabay ang biglang pagpula ng tainga ng binata dulot ng pagkapahiya. Hindi inaakala ni Timothy na muling babalik sa kwarto ni Jiselle ang mommy nito kaya pumayag ang binata na tabihan ang dalaga sa pagtulog niya. Kung alam ni Timothy na babalik ulit ang mommy nito sa kwarto ni Jiselle hindi na sana ito pumayag na tabihan ang dalaga. Isama mo pa rin na sigurado si Timothy na maraming nakakita ng larawan nilang dalawa ni Jiselle.
“Mommy naman! Why did you post it in your i********:?”
“Ang cute ninyo kasing dalawa kaya naisipan kong I-post,” tatawa-tawa namang litanya ng mommy nito.
Nagulat na lamang si Timothy nang may biglang yumakap sa kaniyang likuran dahilan upang ngumisi na naman ang kaibigan nitong si Magnesium. Kasabay naman nito ay ang paglingon nito kay Jiselle na nananatili pa rin na nakayakap sa likod ni Timothy.
“Timothy, I’m hungry.”
Kaagad namang inalalayan ni Timothy si Jiselle patungo sa hapagkainan habang nakasunod naman sa kanila ang tingin ng mga kaibigan at magulang nito. Sa halip na pansinin pa ni Timothy ang pang-aasar dito ni Magnesium pinili na lamang nitong pagsilbihan ang nanghihina pa rin na dalaga. Wala namang sinayang na oras si Jiselle at kaagad na kinain ang pagkain na inihain sa kaniya ng binatang si Timothy. Habang panay naman ang ngisi ni Magnesium kay Timothy na ngayon ay naaasar na sa kaibigan nito. Bakas man ang pagtataka sa mukha ni Jiselle dahil sa inaasta ni Magnesium sa harapan nila hindi na lamang niya ito pinansin pa at ipinagpatuloy na lamang niya ang kaniyang pagkain. Samantalang, lihim na lamang na napangiti ang ina ni Timothy habang pinagmamasdan ang anak na hindi magka-intindihan sa pag-aasikaso sa dalagang si Jiselle. Sapagkat, hindi akalain ng ina ni Timothy na magiging malambot ang puso ng anak nila mula nang dumating sa buhay nila ang dalaga.