Kabanata VII - Mist Forest

2969 Words
Nag-aagaw ang dilim at liwanag habang naghihikahos naman sa pagtakbo ang ilang naninirahan sa kagubatan. Isama mo pa rito ang ilang mga batang nag-iiyakan dahil sa napahiwalay ang mga ito sa kani-kanilang magulang. Para bang sa isang iglap lamang ay bigla na lamang naging masalimuot ang lugar nila dahil lamang sa mga mapansamantalang nilalang na hindi nila alam kung sino ang may pasimuno ng lahat. Isama mo pa rito ang bigla na lamang pagsulpot ng mga Ogre na hindi nila alam kung sino ang naghipnotismo sa mga ito. Sapagkat, lingid sa kaalaman ng lahat ng naninirahan sa Mist Forest, ang mga Ogre ay maituturing na pawang kaibigan na nila dahil sa taglay ng mga itong kabaitan. Bukod dito, bigla na lamang din na may sumulpot na mga itim na anino na kapag nabalutan ka nito ay bigla na lamang mawawala ang lakas mo. Sa madaling salita, ang itim na an ino ay kinukuha ang buhay ng kung sino man ang maisipan nitong puntiryahin, bata man o matanda. Ang mas ikinatakot pa nila ay pawang walang katapusan ang kaguluhang nangyayari sa mapayapa nilang lugar. Dahil sa kaguluhang nangyayari sa lugar nila mabilis na kumilos ang mga mandirigma upang makipaglaban sa mga nilalang na sumugod sa lugar nila. Kung tutuusin walang-wala lamang sa kanila ang mga Ogre, ngunit, ang hindi nila inaasahan ay kasa-kasama rin ng mga ito ang pinuno nila. Dahilan upang mabalot ng takot ang puso nila dahil alam na alam nilang kung gaano kalakas ang pinuno ng mga Ogre. “Ano bang nangyayari sa lugar natin?” nababahalang tanong ni Robert. “Hindi ko rin alam, Robert. Pero, kailangan na natin itong ipaalam sa nakatataas,” pagsagot naman ni Walter. Kilala sina Robert at Walter bilang taga-bantay sa lugar nila. Sa madaling salita, bago may makapasok sa lugar nila ay dumaraan muna sa kanilang dalawa. Kung kaya’t hindi nila maiwasan na hindi magtaka sapagkat mahigpit na ipinagbabawal sa lugar nila ang magpapasok na lamang ng kung sino-sino. Ang labis din nilang pinagtataka ay kung paano ang mga ito nakapasok sa lugar nila ganoong hindi naman sila umaalis sa kanilang pwesto. Dahil sa naisip ni Robert kaagad itong kinabahan at panay ang dasal na sana ay mali ang hinala nito. “Ayokong isipin ‘to, Walter. Pero, sa tingin ko ay may traydor sa lugar natin.” “Ganiyan din ang naiisip ko, Robert. Pero, sino naman ang maglalakas na traydurin ang lugar natin?” Bahagya namang napatahimik si Robert sapagkat kahit anong pag-iisip ang gawin nito ay walang maisip ang lalaki kung sino ang traydor sa kanila. Hanggang sa nagulat na lamang sila nang bigla na lamang may isang itim na dragon ang patungo sa direksyon nila. Wala namang sinayang na oras sina Robert at Walter at kaagad na inihanda ang sarili sa paparating na dragon. Mabilis namang ikinumpas ni Robert ang kamay nito at kaagad na nagpalabas nang matatalim na kidlat na siyang pinatama naman nito sa itim na dragon. Hindi pa nakuntento si Robert sa ginawa nito at muli itong naglabas ng kidlat at kagaya nang una pinuntirya nitong muli ang itim na dragon. Ngunit, ang lahat ng ‘yon ay pawang walang silbi lamang sapagkat hindi man lang napuruhan ang itim na dragon. Sa halip na sumuko si Robert ipinagpatuloy lamang nito ang pakikipaglaban sa itim na dragon kahit imposibleng manalo ang lalaki sa kalaban nito. Habang si Walter naman ay walang tigil sa paghagis ng bolang apoy sa papasugod sa kanila na mga Goblin. Ngunit, sa halip na mabawasan ang mga ito para bang mas lalo lamang itong dumarami. Sapagkat, kada may napapatay si Walter may panibago na namang lumalabas na labis niyang ikinainis. Isama mo pa rito ang isa-isa na rin na naglalabasan ang mga Giant Serpent na para bang wala rin ang mga ito sa sariling katinuan. Hindi na napatumpik-tumpik pa si Walter at kaagad niyang pinuntirya ang naglalabasan na Giant Serpent. Kaagad namang sumilay ang ngiti sa labi niya ng mapatay niya ang Giant Serpent, ngunit, mabilis itong nawala nang makita niya ang nilalang na nasa likuran ni Robert. “Robert, sa likod mo!” malakas na sigaw naman ni Walter. Bagamat, binigyan ng babala ni Walter si Robert pero huli na ang lahat. Sapagkat, ang kaninang nakikipaglaban na si Robert ngayon naman ay naghihingalo na dahil sa malakas na pagkakahampas dito na sa wari ni Walter ay pinuno ng mga Goblin. Halos masuka-suka naman si Walter dahil sa nakitang senaryo, dahil ang kaawa-awa at naghihingalong si Robert ngayon ay pinagpepyestahan na ng mga Goblin. “Ahhh!!!” malakas na sigaw ni Robert. Walang tanging nagawa si Robert kung ‘di ang lumuha at sumigaw dulot ng sakit na nararamdaman nito nang bigla na lamang baliin ng pinuno ng mga Goblin ang paa nito. Para bang hindi pa ito nakuntento at isinunod naman ay ang isang kamay ni Robert. Dahilan upang mapaluha sa sakit si Robert, bagamat, gusto nitong manlaban, ngunit, para bang nawalan na ito ng lakas dahil sa sinapit nito sa kamay ng pinuno ng mga Goblin. Samantalang, ang malalakas na sigaw ni Robert ay tila napalitan na lamang nang mahihinang ungol hanggang sa bawian ng buhay ang lalaki. Habang si Walter naman ay umiiyak na nakatingin sa walang buhay na si Robert. Ganoon na lamang ang takot sa mukha ni Walter dahil sa napagtanto niyang dinagit na pala siya ng itim na dragon na kanina lamang ay kalaban ni Robert. Dulot ng pagiging desperado nilaksan ni Walter ang loob niya at kaagad na nagpalabas ng apoy at kaagad na pinuntirya ang itim na dragon na ngayon ay bitbit siya. Kaagad namang pinanghinaan ng loob si Walter dahil para bang hindi man lang nasaktan ang itim na dragon sa ginawa niya. “Bitiwan mo ‘ko!!” malakas na litanya ni Walter sa itim na dragon. Kaagad namang sumilay ang ngiti sa labi ni Walter dahil sa binitiwan na siya ng itim na dragon. Sa pag-aakalang ligtas na siya mabilis na tiningnan ni Walter ang babagsakan niya sa pag-aakalang sa tubig siya babagsak. Ngunit, ganoon na lamang ang takot niya sapagkat sa tubig nga siya babagsak pero may malaking Sea Dragon na nakaabang sa kaniya. Ang mas ikinatakot pa ni Walter ay nang mapansin niyang nakanganga ito at tila ba hinihintay na lamang ang pagbagsak niya. Sa isang iglap lang, ang kaawa-awang si Walter ay nilamon ng Sea Dragon ng walang kahirap-hirap. SA KABILANG PANIG NG KAGUBATAN, lumuluha habang nakaluhod ang isang babae na mapapansin mo ang katandaan sa maganda nitong mukha. Habang ang ibang kasamahan naman nito ay pawang mga walang buhay na dahil sa iba’t ibang nilalang na sumugod sa lugar nila. Ang labis pang ikinasakit ng damdamin ng babae ay nang malaman nitong mayroong nagtaksil sa lugar nila. “B-Bakit mo ‘to nagawa sa amin, Viktor?” lumuluhang tanong ng matandang babae. “Bakit? Talagang may lakas pa kayo ng loob na magtanong sa akin!” galit na sagot ni Viktor sa matandang babae. “Dahil hindi kita maintindihan!” pangangatwirang sagot ng matandang babae. “Talagang hindi mo ako maiintindihan dahil ang mahalaga lang naman sa ‘yo ay ang pamilya ng salot na ‘yon! Simula nang ipinanganak ang anak nilang si Jiselle, ang pamilya na lamang nila ang palagi mong nakikita!” “Hindi mo ako naiintindihan, Viktor. Anak, pakiusap itigil mo na ‘to. Marami na ang namatay sa atin at hindi ko na makakaya pa kapag nadagdagan pa ang mga ito.” Ngunit, sa halip na makinig si Viktor sa inang si Floresca, mabilis na inilibot ni Viktor ang paningin niya at kaagad na natuon ang atensyon niya sa batang babae na ngayon ay umiiyak na. Kaagad namang sumilay ang nakatatakot na ngisi sa labi ni Viktor dahil sa naisip niyang gawin. Sa isang iglap lamang ay nakalapit na si Viktor sa batang babae na patuloy pa rin sa pag-iyak. Kaagad namang niyakap ng ina ng bata ang anak nito sa takot na baka may masamang mangyari rito. Ngunit, isang malakas na sampal ang natamo nito kay Viktor dahilan upang matumba ito at mabitawan ng babae ang anak nito. Halos manlaki ang mata ng lahat nang bigla na lamang kinaladkad ni Viktor ang kaawa-awang batang babae at pagkatapos ay muli siyang lumapit sa inang nakaluhod pa rin. “Nakikita mo ba ‘tong batang ‘to? Paano kaya kung patayin ko ‘to sa harapan ninyong lahat?” nakatatakot na litanya ni Viktor sa harap ni Floresca. “Huwag! Pakiusap, Viktor. H’wag mong idamay ang mga bata rito! Alam kong galit ka lamang sa akin kaya mo nagawa ang bagay na ‘to,” nagsusumamong pakiusap ni Floresca sa anak nitong si Viktor. Sa halip na pakinggan ito ni Viktor isang nakatatakot na ngisi lamang ang sumilay sa labi ni Viktor habang hawak-hawak pa rin niya ang batang babae. Mabilis namang napaluha ang ina ng batang babae dahil sa nakita nitong nangyayari sa walang kamuwang-muwang na anak nito. Isama mo pa na halos madurog ang puso nito dahil sa ginawang pagkakasakal ni Viktor sa kaawa-awang bata. “Sa tingin mo ba mapipigilan mo pa ako sa lahat ng balak ko? Puwes, diyan ka nagkakamali! Dahil uubusin ko ang lahat ng naninirahan dito! Lalong-lalo ka na!” galit na bulyaw naman ni Viktor sa inang si Floresca. Halos madurog naman ang puso ng ina ng bata nang bigla na lamang inihagis ni Viktor ang batang babae sa mga naglalaway na Goblin. Ganoon na lamang ang pagwawala ng ina ng bata at mabilis na sinugod si Viktor dahil sa nakita nitong pinagpapasa-pasahan na ng mga Goblin ang anak nitong babae. Hanggang sa naramdaman na lamang ng ina ng bata na may matigas na bagay na tumusok sa bandang tiyan nito. Dahilan upang mapasuka ito ng dugo dahil sa kutsilyong itinusok dito ni Viktor habang lumuluhang nakatingin ito sa anak na babae na ngayon ay pinaghati-hatian na ng mga Goblin. Ang mas ikinaluha pa ng babae ay nang makita nito kung paano putulin ng mga Goblin ang kamay at paa ng anak nitong babae. Dahil sa ginawa ng mga Goblin binawian na ng buhay ang bata habang nakatirik ang mga mata na bakas pa ang luha sa gilid nito. Hanggang sa tuluyan ng binawian ng buhay ang babae habang nakatingin ito sa direksyon ng anak na wala na rin buhay. Hindi pa nakuntento si Viktor at isinunod naman nito ang ilan pang taga-bantay ng lugar nila. Kaagad naman siyang sumenyas sa ilang Goblin na siya namang ikinatuwa ng mga ito. Sa isang kisapmata lamang ang lahat ng naninirahan sa lugar nila ay pawang mga naghihingalo na. Mga nagkalat na dugo, habang putol ang kamay at paa ng mga ito dahil sa kagagawan ng Goblin. Habang nasusunog naman ang ilang parte ng kagubatan dahil sa apoy na ibinubuga ng itim na dragon. “Viktor, hindi ko akalain na magagawa mo ang bagay na ‘to! Balang araw, pagsisisihan mo ang ginawa mong ‘to!” lumuluhang litanya ni Floresca. Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Viktor bago lumapit sa gawi ng inang si Floresca. “Kailan man ay hinding-hindi ako magsisisi sa ginawa ko!” Kasabay nito ay ang pagsaksak ni Viktor sa inang si Floresca dahilan upang mapasuka ito ng dugo. Hindi pa nakuntento si Viktor at ginilitan pa niya sa leeg ang inang si Floresca dahilan upang tuluyan na itong mawalan ng buhay. Sa isang iglap lamang tanging si Viktor at ang mga kasamahan niyang kakaibang nilalang ang natitirang nabubuhay sa lugar. Kasabay naman nito ay ang pagsulpot ng isang babae na may suot na maskara. “Hahaha! Hindi ko alam na madali ka lamang palang paikutin, Viktor!” “Anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ni Viktor sa kaharap niya. Sa halip na sagutin siya nito isang nakabibinging tawa lamang ang isinukli nito. Kasabay nito ay ang pagsulpot ng limang Ogre sa gilid ng babaeng may suot na maskara. Hanggang sa nagulat na lamang si Viktor nang bigla siyang sugurin ng limang Ogre kung kaya’t mabilis siyang kumilos at kaagad na umilag sa papasugod sa kaniya. “Fire wall!” malakas na litanya ni Viktor. Sa isang iglap may malaking harang na sumulpot sa harapan ni Viktor na gawa mismo sa apoy upang hindi siya masaktan ng mga Ogre na papasugod sa kaniya. Hindi pa nakuntento si Viktor at kaagad niyang pinuntirya ang babaeng may suot na maskara upang turuan sana ito ng leksyon. Ngunit, ganoon na lamang ang pagkadismaya ni Viktor ng hindi man lang nasaktan ang babae sa bolang apoy na inihagis niya rito. Sa halip, nagmistulang katawa-tawa lamang siya sapagkat hindi niya maipagkakaila na ang ginawa niyang ‘yon ang pinakamalakas na niyang mahika. “Hahaha! Hindi mo ‘ko matatalo, Viktor!” may pang-uuyam na litanya naman ng babaeng may suot na maskara. “Manahimik ka! Sino ka ba? Bakit mo ‘to ginagawa sa ‘kin?” Isang ngisi muna ang pinakawalan ng babaeng may suot ng maskara bago sagutin ang tanong dito ni Viktor. “Grabe ka naman, Viktor! Ang bilis mo naman yatang makalimot.” Mabilis na nanlaki ang mata ni Viktor dahil sa kaniyang napagtanto. Kaya pala pamilyar na pamilyar sa kaniya ang boses ng babaeng may suot na maskara sapagkat ito pala ang kasabwat niya sa planong pagpatay sa mga kasamahan niya sa Mist Forest. Ang totoo niyan, wala na siyang balak ituloy ang plano niya kaya lang muling nabuo ang galit sa puso niya nang mas binigyan pang pansin ng ina niya ang pamilya ng babaeng ‘yon kaysa sa kaniya na anak nito. Ngunit, hindi niya inaasahan na tataluhin pala siya nito sa kanilang pinag-usapan. “A-Akala ko may usapan tayo? B-Bakit mo ‘to nagawa sa akin?” hindi makapaniwalang tanong ni Viktor. Dahil sa abala siya sa kaniyang pakikipag-usap sa babaeng may suot na maskara hindi niya namamalayan na humihina na pala ang depensang ginawa niya dahilan upang makalapit sa kaniya ang mga Ogre. Hanggang sa naramdaman na lamang ni Viktor ang matigas na bagay na tumama sa may dibdib niya. Kaagad na nanlaki ang mata ni Viktor nang makitang isang palaso ang tumama sa dibdib niya. Ganoon na lamang ang panghihina niya dahil ang babaeng may suot ng maskara ang may kagagawan nito. Hanggang sa napasuka na lamang si Viktor ng dugo kasabay ang pagkahilo dulot ng pagkakahampas sa kaniya ng pinuno ng mga Ogre. Naramdaman na lamang ni Viktor ang panghihina niya kaya tuluyan na siyang natumba patihaya habang may nakatusok pa rin na palaso sa dibdib niya. Kasabay naman nito ay ang mapait na ngiti na sumilay sa kaniyang mga labi sapagkat naalala niya ang huling sinabi sa kaniya ng inang si Floresca. Marahil ay tama nga ang kaniyang ina, mukhang nakararamdam na siya ng pagsisisi sa lahat ng kasamaan na kaniyang ginawa. Kasabay naman nito ay ang dahan-dahang paglapit sa kaniya ng babaeng may suot na maskara. Nang nasa gilid na niya ito saka lamang nito tinanggal ang suot nitong maskara dahilan upang makaramdam ng galit si Viktor. Nang matanggal ng babae ang suot nitong maskara isang nakatatakot na ngisi ang pinakawalan nito sa harapan ni Viktor. Sa paraan pa lamang ng pagngisi nito para bang ipinamumukha ng babae kay Viktor na maling tao ang pinagkatiwalaan ng lalaki. “Ngayong tapos na ang pakay ko sa lugar ninyo, nararapat ka na rin mamatay!” nakangising litanya ng babaeng kanina lamang ay may suot na maskara. “Pagbabayaran mo ‘tong ginawa mo! Pinapangako, ako mis---” Hindi na natapos pa ni Viktor ang sasabihin niya ng tuluyan na siyang patayin ng babaeng kausap niya. Ang kaninang may buhay na si Viktor, ngayon naman ay isa ng kaawa-awang bangkay habang tinutupok ng apoy na ang babae mismo ang may kagagawan. “Mahal na Reyna, wala po siya rito,” litanya ng isang anino na bigla na lamang sumulpot sa gilid ng babae. “Anong ibig mong sabihin? Hindi maaaring wala siya rito! Kung kinakailangan haluglugin mo ang buong Mist Forest gawin mo!” inis na litanya ng babae sa kausap nito. “Masusunod po, Mahal na Reyna.” Sa isang iglap lamang ang aninong kausap ng babae ay bigla na lamang nawala na parang isang bula. Habang malakas na sumipol naman ang babae kasabay nito ang pagbaba ng itim na dragon sa harapan nito. Wala namang sinayang na oras ang babae at kaagad na sumakay sa itim na dragon. Nang nasa ere na sila ng itim na dragon inutusan ito ng babae na sunugin ang buong lugar kung kaya’t ng kaninang mapayapang Mist Forest ngayon ay natutupok na ng apoy kasama ang bangkay ng mga naninirahan dito bata man o matanda. “Mahahanap din kita,” litanya ng babae sa sarili nito. Hanggang sa tuluyan ng nilisan ng babae ang lugar na may kakaibang ngisi sa labi nito na tila ba natutuwa ito sa kinalabasan ng plano nito. Isang malakas na kulog naman ang bumalot sa lugar ng Mist Forest na sinabayan pa ng matatalim na kidlat. Habang ang mga naninirahan dito na wala ng buhay ay isa-isang lumutang sa ere maliban kay Viktor na tinutupok pa rin ng apoy. Kasabay naman nito ay bigla na lamang naglaho na parang isang bula ang mga naninirahan sa Mist Forest. Isama mo pa rito ang bigla na lamang pagkawala ng Mist Forest dahilan upang magkaroon ng malaking ukab ang lugar. SA KABILANG DAKO, kaagad na nakaramdam ng matinding kaba si Jiselle na hindi malaman ng dalaga kung bakit. Habang bigla na lamang tumulo ang luha ng dalaga habang may naririnig na samo’t saring iyakan na para bang nahihirapan ang mga ito. Ang hindi lamang maintindihan ng dalaga ay kung kaninong mga hinaing ang naririnig niya. “Hindi ko alam kung anong nangyayari o kaninong mga hinaing ang naririnig ko. Pero, sana ay ayos lamang silang lahat,” mahinang litanya naman ng dalaga sa kaniyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD