Makalipas ang isang linggo nang muling magsimula ang klase nina Timothy na siyang ikinainis ng binata sapagkat kailangan na naman niyang gumising ng maaga. Malaki rin ang pasasalamat ni Timothy sapagkat magaling na si Jiselle dulot sa panghihina nito dahil sa labis na paggamit ng dalaga sa mahika nito. Ngunit, sa kanilang pagbabalik sa paaralan nila, hindi maintindihan ni Timothy ang sarili kung bakit hindi siya mapakali. Para bang pakiramdam niya ay may masamang mangyayari hindi niya lamang maintidihan kung ano ‘to.
“Hoy! Timothy, ano bang iniisip mo diyan? Bakit mukhang malalim yata ang iniisip mo? Kulang na nga lang ay matunaw ako sa pagtitig mo sa ‘kin,” nakakunot ang noo na tanong naman ni Jiselle sa binata.
Kasalukuyang nasa loob sila ng klasrum nila habang hinihintay nila ang kanilang guro. Ngunit, ganoon na lamang ang inis ni Timothy dahil hindi dumating ang guro nila sa kadahilanang may meeting itong pinuntahan. Kung kaya’t isang malalim na buntong-hininga na lamang ang pinakawalan niya habang nakatitig pa rin kay Jiselle. Dahil sa malalim na pag-iisip niya hindi niya namalayan na nakatitig na pala siya sa dalagang si Jiselle.
“Tsk! Wala ‘to!” masungit namang sagot ni Timothy kay Jiselle.
Ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ni Timothy nang bigla siyang batukan ni Jiselle sa hindi niya malamang dahilan. Bukod sa nagulat siya, hindi rin nakaligtas sa paningin ng binata ang ilang panlalaki ng mata ng mga kaklase niya dahil sa ginawa sa kaniya ni Jiselle. Para bang mapapansin sa mukha ng mga kaklase niya ang matinding takot na hindi niya alam kung bakit ganoon ang naging reaksyon ng mga ito.
“Gosh! I can’t believe it!”
“Patay na! Ayaw pa naman ni Prince Timothy na ginagalit siya.”
“Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng ‘yan!”
Samo’t sari pang bulong-bulungan ang narinig ni Timothy dahil sa ginawa sa kaniya ni Jiselle. Sa halip na pansinin pa ito ni Timothy kaagad na lamang niyang sinamaan ng tingin ang mga kaklase niya dahilan upang matigil ang mga bulong-bulungan na ginagawa ng mga ito.
“What the! Bakit mo ako binatukan, Jiselle?”
“Tss! Dapat lang ‘yan sa ‘yo! Ikaw ha, akala mo hindi ko napapansin na pinagsusungitan mo na ako ngayon! Baka gusto mong sunugin ko ang buhok mo!” litanya naman ni Jiselle sa binata habang hininaan naman ng dalaga ang huli nitong sinabi kay Timothy.
“Oo na! Heto na, magbabait na po!” asar na litanya naman ni Timothy.
“Galit ka yata e!”
“Hindi ako galit, Jiselle.”
Tatango-tango naman ang dalaga bago sagutin ang binata. “Hmm… Magaling na ‘yong malinaw.”
Sa halip na makipagtalo pa si Timothy sa dalaga pinili na lamang niyang manahimik sapagkat alam niya sa kaniyang sarili na sa bandang huli ay siya rin naman ang talo. Dahil sa pananahimik ni Timothy kaagad na sumilay ang ngiti sa labi ni Jiselle na para bang natutuwa ito dahil daig pa ng binata ang isang batang pinagalitan ng nanay niya. Hindi pa nagtagal ay tumunog na ang bell senyales na tapos na ang klase nila sa araw na ‘yon kahit wala namang guro ang sumipot sa kanila. Kung tutuusin dapat mayroon pa silang klase sa tanghali kaya lamang hindi pa natatapos ang meeting ng lahat ng guro nila. Akmang papalabas na sana sila ng klasrum nila nang bigla na lamang lumapit kay Timothy ang grupo nina Megan.
“Hi, Timothy. May gagawin ka ba ngayon?” nakangiti namang tanong ni Megan kay Timothy.
Dahil sa biglang paglapit ni Megan mabilis na napakunot ang noo ni Jiselle sapagkat hindi nito alam kung ano na naman ang balak ng grupo ng mga ito. Hindi rin nakaligtas sa paningin ng dalaga ang masamang tingin na ipinupukol dito ng dalawang kaibigan ni Megan na sina Madona at Mina. Kaagad namang nanlaki ang mata ni Jiselle nang bigla na lamang hawakan ni Megan ang braso ni Timothy na para bang inaakit ng babae ang binata.
“Yeah. I’m planning to treat Jiselle in one of my favorite Restaurant. Why?” nakakunot ang noo na pagtatanong ni Timothy kay Megan.
“Really? Can we join?”
“Hindi pwede! Narinig mo naman ang sinabi ni Timothy ‘di ba? Kami lang dalawa ang kakain!” pagsingit na litanya naman ni Jiselle.
Kasabay naman nito ay ang pag-alis ni Jiselle sa kamay ni Megan na nakahawak pa rin sa braso ni Timothy. Dahil sa ginawa ni Jiselle kaagad na nakaramdam ng inis si Megan para sa dalaga. Isama mo pa rito ang masamang tingin na ipinukol ni Jiselle kay Megan.
“Ano bang problema mong babae ka?” inis namang sabat ni Madona.
“Ha? Problema? Sa pagkakaalam ko wala naman akong problema,” mataray namang litanya ni Jiselle.
“Pwede ba, h’wag kang makisabat sa usapan nina Megan at Timothy!” nagtataray namang litanya ni Mina.
Dahil sa narinig kaagad na nakaramdam ng inis si Jiselle sapagkat hindi akalain ng dalaga na pagtutulungan ito nina Megan. Kung kaya’t mabilis na kumapit si Jiselle sa braso ni Timothy na mababakas sa mukha ng dalaga ang pang-uuyam kay Megan. Sa paraan pa lamang ng paghawak ni Jiselle sa braso ni Timothy para bang ipinapakita ng dalaga na walang karapatan sina Megan sa binata.
“Tsk! Will you plea---”
Hindi na naituloy ni Jiselle ang balak nitong sabihin ng sumabat na sa usapan ng mga ito ang binatang si Timothy. Mababakas naman sa mukha ni Timothy ang pagkainis sapagkat hindi niya akalain na siya pa yata ang pagsisimulan ng gulo sa pagitan ni Jiselle at Megan kasama ang mga kaibigan ng dalaga.
“Stop it, girls! Para walang gulo sumama na lang din kayo, Megan.”
“What? Can’t you hear yourself, Timothy?” gulat na gulat namang litanya ni Jiselle.
Kaagad namang sumilay ang ngiti sa labi ni Megan dahil sa sinabi ni Timothy. Habang si Timothy naman ay hindi malaman kung ano nga ba ang dapat niyang gawin sa mga babaeng nagtatalo sa harapan niya. Kung kaya’t para maiwasan na lumaki pa ang gulo pinili na lamang ni Timothy na isama na rin sina Megan sa pagkain nilang dalawa ni Jiselle.
“Hayaan mo na lang, Jiselle. Ano pang hinihintay ninyo? Tara na!” kaagad namang sagot ni Timothy.
“Tsk! Kayo na lang ang kumain! Nawalan na ako ng gana!” inis na litanya ni Jiselle kay Timothy.
Habang mabilis namang bumitiw si Jiselle sa pagkakahawak nito sa braso ni Timothy at lumabas ng klasrum nila ng hindi man lang nagpapaalam sa binata. Dahil dito, kaagad na kumunot ang noo ni Timothy sa biglang pag-alis ni Jiselle habang ang dalawa naman niyang kaibigan na sina Magnesium at Tungsten ay iiling-iling na lamang bago lumabas sa klasrum nila. Kung kanina ay patawa-tawa lamang sina Magnesium at Tungsten, ngayon naman ay nababakas sa mukha nila ang pagka-dismaya dahil sa desisyon ng kaibigan nilang si Timothy. Samantalang, naiwan namang naguguluhan si Timothy kasama nina Megan na ngayon ay nababakas sa mukha ang kakaibang ngisi.
“Tara na, Timothy!” nakangiti namang litanya ni Megan.
“Ha? S-Sige.”
Wala namang nagawa si Timothy kung ‘di ang sumang-ayon na lamang kay Megan. Habang sina Madona at Mina naman ay mabilis na nagpaalam sa mga ito dahil sa may biglaan daw ang mga itong lakad. Labis-labis naman ang tuwa na nararamdaman ni Megan dahil na-solo na rin nito ang binatang si Timothy. Laking pasasalamat na rin ni Megan na kaagad na nahalata nina Madona at Mina ang nais nitong ipahiwatig sa kanila. Habang si Timothy naman ay hinayaan na lamang na nakahawak sa braso niya ang dalagang si Megan. Nang makarating sila sa Parking Lot, kaagad na inilibot ni Timothy ang paningin at umaasa na makikita si Jiselle. Ngunit, ganoon na lamang ang kaniyang pagka-dismaya dahil walang Jiselle siyang nakita. Dahil ang tanging nakita lamang niya ay ang kaniyang dalawang kaibigan na halata sa mukha ng mga ito ang pagiging dismayado na hindi niya alam kung bakit. Kung kaya’t mabilis niyang nilapitan ang dalawang kaibigan upang itanong sana kung nakita ba ng mga ito si Jiselle.
“Nakita ninyo ba si Jiselle?” kaagad namang tanong ng kalalapit lang na si Timothy.
“Malay ko! Bakit mo sa amin itatanong? E ‘di ba kasama mo lang siya kanina?” may halos inis na litanya naman ni Magnesium.
“May problema ba tayo, Magna?” maangas na tanong naman ni Timothy.
Sa halip na sagutin siya ng kaibigan pinili na lamang nitong sumakay sa kotse nito at walang sabi-sabing pinaharurot ang sasakyan nito. Kaagad namang nainis si Timothy dahil sa kabastusang ginawa ng kaibigan niya sa kaniya. Kung kaya’t hindi niya maiwasan na mapakuyom ng kaniyang kamao sapagkat para bang ipinalalabas ni Magnesium na may nagawa siyang masama kahit ang totoo naman ay wala.
“Kung gusto ninyong kumain, kayo na lang siguro! Nawalan na ako ng gana!” malamig namang pahayag ni Tungsten.
Kagaya ni Magnesium mabilis rin itong sumakay sa kotse nito at kaagad na pinaharurot ang sasakyan nito. Habang naiwan namang tulala si Timothy dahil sa inasta ng kaniyang mga kaibigan. Para bang pakiramdam ni Timothy ay galit sa kaniya ang kaniyang mga kaibigan, isama mo pa rito na hindi niya malaman kung saan nagpunta ang dalagang si Jiselle.
“Ano bang problema ng mga ‘yon?”
“Hayaan mo na lang sila, Timothy. So, saan ba tayo kakain?” nakangiti namang tanong ni Megan.
“Sa isang Japanese Restaurant.”
Wala naman silang sinayang na oras at kaagad na pinasakay ni Timothy si Megan sa sasakyan niya upang makakain na sila. Dahil dito, muli na namang sumilay ang ngiti sa labi ni Megan dahil pakiramdam nito ay masosolo nito ngayon ang binatang si Timothy. Kung kaya’t walang tanging magawa si Megan kung ‘di ang lubos-lubusin ang pagkakataon na makakasama nito ang binatang si Timothy. Bukod dito, may magandang plano rin si Megan na natitiyak ng dalaga na maraming maiinggit sa ipakakalat nitong balita.
SA KABILANG DAKO, sa kagubatan hindi kalayuan sa bayan ng Sta. Ines naghihimutok sa galit ang dalagang si Jiselle habang nakaupo ito sa may sanga ng puno. Dahil sa pagkainis ng dalaga kay Timothy hindi nito namamalayan na nakarating na pala ito sa Sta. Ines. Kung tutuusin wala namang karapatan si Jiselle na magalit sa naging desisyon ng binata kaya lang hindi maintindihan ng dalaga kung bakit bigla na lamang itong nainis kay Timothy.
Bagamat, may inis na nararamdaman si Jiselle hindi pa rin nito maiwasan na mapangiti habang tinatanaw ang magandang tanawin sa harapan nito. Dahil nga nasa kaitaasang sanga ang dalaga tanaw na tanaw nito ang alagang-alaga na kabugatan sa may Sta. Ines. Isama mo pa rito na natatanaw rin ni Jiselle ang baryo hindi kalayuan sa may gawi nito. Lihim namang napahagikhik ang dalaga dahil sa nakita nitong ilang tao na abala sa paghahanap ng kahoy na gagawin ng mga itong panggatong. Hindi rin nakaligtas sa paningin ni Jiselle ang ilang hayop na abala sa pagkain sa damong nakahain sa harapan ng mga ito. May iilan din bata na nakita si Jiselle na tuwang-tuwa sa paglalaro ng mga ito. Habang nababakas sa mukha ng mga bata ang matinding kasiyahan na para bang walang pino-problema ang mga ito. Sa hindi malamang dahilan, kaagad na nawala ang inis na nararamdaman ni Jiselle nang makita nito kung gaano ka-simple ang buhay ng mga tao sa bayan ng Sta. Ines. Sa halip na umuwi na ang dalaga nagpasiya si Jiselle na huwag munang bumalik sa bahay nina Timomthy. Laking pasasalamat na lamang ni Jiselle na walang nakakakita rito dahil may kataasan ang sanga na kinauupuan ng dalaga.
“Tsk! Hindi ko alam kung hahanapin mo ‘ko! Pero, pansamantalang dito muna ako maninirahan sa itaas ng puno,” mahinang litanya naman ni Jiselle sa sarili nito.
Hanggang sa bigla na lamang ikinumpas ng dalaga ang kamay nito at sa isang iglap lamang ay maliit ng kubo ang nakatayo sa itaas ng puno kung saan ito nakaupo kanina lang. Sa takot na may makakitang iba sa dalaga, kaagad na gumamit ng mahika si Jiselle upang walang makakita sa kubo na ginawa nito. Nakangiti namang pumasok si Jiselle sa kubo na ginawa nito gamit ang mahika nito at kaagad na sumilay ang ngiti sa labi ng dalaga. Kaagad namang nakaramdam ng antok ang dalaga at ikinumpas muli ang kamay nito, kasabay nito ay ang paglabas ng isang kama na kakasya lamang ang sarili ni Jiselle. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang dalaga at kaagad na nahiga sa kama nito hanggang sa naramdaman na lamang nito na unti-unti na itong nilalamon ng kadiliman.
Isang linggo na ang nakalilipas ngunit wala pa rin balak ang dalaga na umuwi sa bahay nina Timothy. Bagamat panay ang tawag ni Timothy sa cellphone ni Jiselle para bang wala man lang balak na sagutin ito ng dalaga. Dahil sa naririndi na ang dalaga sa pagtawag ni Timothy sa cellphone nito na ang binata mismo ang nagbigay kaagad itong pinatay ni Jiselle upang hindi na ito magambala pa ng kung sino. Laking pasasalamat na lamang ng dalaga na marami itong prutas na nakukuha sa kagubatan kung saan ito pansamantalang nanunuluyan. Dahil sa nakaramdam ng gutom ang dalaga nagpasiya si Jiselle na muling maghanap ng prutas sa may kagubatan. Bagamat mataas ang sikat ng araw hindi nangangamba ang dalaga na mainitan dahil natatakapan ng ilang naglalakihang puno ang dinaraanan nito. Hindi pa man nagtatagal ang paglalakad ni Jiselle sa may kagubatan ay kaagad na napansin ng dalaga ang matandang makakasalubong nito.
Kung kaya’t abilis namang lumapit si Jiselle sa kinaroroonan ng matanda. “Ayos lang po ba kayo? Ako na po ang magbubuhat ng dala-dala ninyong kahoy,” magalang namang litanya ni Jiselle sa matanda.
“Sigurado ka ba, ineng. Medyo may kabigatan itong dala ko.”
“Hehehe! Siguradong-sigurado po ako!” tatawa-tawa namang litanya ni Jiselle.
Hindi pa nagtagal ay tuluyan ng nakarating sina Jiselle sa bahay ng matanda na siya namang ikinatuwa ng dalaga. Akmang, aalis na sana si Jiselle upang maghanap ng prutas na makakain nito nang mabilis itong pinigilan ng matanda. Dahil dito, kaagad na napakunot ang noo ng dalaga sapagkat may isang tinapay at gatas ng kalabaw na inaabot dito ang matanda.
“Para saan po ‘to?” nakakunot na tanong naman ng dalaga.
“Sa iyo na lang ‘yang tinapay at gatas ng kalabaw bilang pasasalamat ng pagtulong mo sa akin, ineng.”
Sa halip na sumagot pa ang dalaga isang matamis na ngiti na lamang ang isinukli ni Jiselle sa matanda. Hindi pa nagtagal ay tuluyan ng nagpaalam ang dalaga habang nababakas sa mukha ni Jiselle ang labis na kasiyahan dahil sa ibinigay rito ng matanda. Kung kaya’t walang sinayang na oras ang dalaga at mabilis na nagtungo sa may kubo nito.