Alas-kwarto pa lamang ng umaga nang bigla na lamang magising si Jiselle sa mahimbing niyang pagtulog. Kasabay naman nito ay ang malakas na pag-ihip ng hangin dahilan upang umuga nang bahagya ang kubong tinutuluyan ni Jiselle. Dahil dito, mabilis na bumangon si Jiselle sa kaniyang pagkakahiga at ganoon na lamang ang kaniyang pagkagulat dahil sa natanaw niya sa labas ng kaniyang kubo. Ang magandang tanawin na dati ay kitang-kita niya ngayon ay tila nababalot ng kadiliman. Isama mo pa rito ang malalakas na hangin na siyang dahilan upang lukubin ng takot ang kaniyang puso. Kung kaya’t walang sinayang na oras si Jiselle at mabilis na nag-ayos ng sarili upang lisanin na niya ang kubong kaniyang tinutuluyan. Bagamat, malakas ang ihip ng hangin hindi ito naging hadlang kay Jiselle upang lisanin ang lugar. Kung kaya’t kaagad niyang inilabas ang walis niya at mabilis na nilisan ang mumunti niyang kubo. Dahil sa malakas ang ihip ng hangin nahirapan si Jiselle na magpalipad ng kaniyang walis na siyang dahilan upang magpagewang-gewang siya sa ere. Sa halip na matakot si Jiselle sa malakas na hangin na may kagagawan ng paggewang niya sa ere, binilisan pa ng dalaga ang paglipad niya patungo sa paaralan nila.
Hindi pa nagtagal ay tuluyan nang nakarating si Jiselle sa paaralan nila. Dahil sa sinauong ni Jiselle ang malakas na ulan daig pa niya ang basang-basang sisiw dahil sa hitsura niya. Bukod sa basang-basa ang mahaba niyang buhok, kulang na lamang ay pigain ang suot niyang damit dahil sa tutulo-tulo ito. Sa halip na pansinin pa ni Jiselle ang hitsura niya mabilis siyang tumungo sa banyo upang makapag-ayos ng kaniyang sarili. Habang naglalakad siya sa hallway hindi nakaligtas sa pandinig niya ang samo’t saring bulungan ng ilang estudyante sa kaniya.
“Look at her, such a poor girl!”
“Ano bang nangyari sa kaniya?”
“Wait… I know her! Siya iyong babae na buntot nang buntot kay Prince Timothy!”
Sa halip na pakinggan niya pa ito binalewala na lamang niya ang mga bulong-bulungan sa kaniya. Nang makarating siya sa banyo kaagad niyang ikinando ang pinto nito at mabilis na ginamit ang mahika niya upang makapagpalit siya ng tuyong damit. Nang masigurado ni Jiselle na mukhang presentable na siya mabilis niyang tinungo ang klasrum nila. Kaagad namang natahimik ang mga kaklase ni Jiselle dahil sa biglang pagsulpot ng dalaga. Dahil dito, kaagad na napakunot ang noo ni Jiselle sa naging reaksyon ng mga kaklase niya. Samantalang, mabilis naman niyang natanaw ang binatang si Timothy na ngayon ay nanlilisik ang mata na nakatingin sa kaniya. Hindi rin nakaligtas sa paningin ni Jiselle ang galit na namumutawi sa mata ni Timothy isama mo pa rito na para bang pagod na pagod ito. Sa halip na pansinin pa ito ni Jiselle walang imik niyang tinungo ang upuan niya na katabi lamang ng kay Timothy. Akmang uupo na sana si Jiselle nang bigla na lamang magsalita si Timothy na labis niyang ikinagulat na siyang dahilan upang mapakunot ang noo niya sa sinabi nito.
“What are you doing here?” malamig na tanong naman ni Timothy.
“Uupo malamang! Alangan namang matulog ako rito!” mataray na litanya naman ni Jiselle.
Hanggang sa bigla na lamang pumasok sa klasrum ang guro nila na bahagya pang nagulat dahil sa nakita nito. Dahil dito, mabilis namang umupo si Jiselle habang hindi pinapansin ang malamig na pagtitig sa kaniya ni Timothy.
“Jiselle, akala ko hindi ka na papasok?” nakakunot ang noo na pagtatanong naman ng guro nila.
“P-Po?”
“Ang sabi kasi sa akin ni Timothy ay hindi ka na raw mag-aaral pa.”
Dahil sa narinig kaagad na napatayo si Jiselle sa tindi ng kaniyang pagkabigla kasabay naman nito ay ang pagbaling ng tingin niya kay Timothy. Kagaya kanina hindi pa rin nawawala sa mata ni Timothy ang galit na nararamdaman nito.
“No, Ma’am! Papasok pa rin po ako,” pangangatwiran naman ni Jiselle.
“Sorry, Miss Snow, but you can’t attend my class anymore.”
Sa hindi malamang dahilan, kaagad na namuo ang galit ni Jiselle para sa binatang si Timothy. Kung kaya’t mabilis pa sa kidlat ang ginawang kilos ni Jiselle at kaagad niyang hinawakan ang kwelyo ng damit ni Timothy dahilan upang mapatayo ito.
“Anong kasalan ko sa ‘yo at ginawa mo ang bagay na ‘to? Sagot!” galit na galit na tanong ni Jiselle.
“Tsk! Baka nakalilimutan mong ako ang nagpapa-aral sa ‘yo!” inis na sagot naman ni Timothy.
“Dahil ‘yon ang gusto mo! Nawala lang ako saglit ganito na kaagad ang isinalubong mo sa akin!”
“Saglit! Saglit lang ba ‘yong isang linggo kang nawala?”
Sa halip na sagutin pa ni Jiselle ang binata isang malakas na sampal ang iginawad niya rito dahilan upang mapasinghap ang lahat ng klase nila. Habang ang guro naman nila ay walang nagawa sapagkat kaagad itong pinanlisikan ng mata ni Timothy. Sa galit na nararamdaman ni Jiselle muli pa niyang sinampal ang binata na siyang dahilan upang lalong manlisik ang mata ni Timothy.
“Tsk! Akala ko iba ka! Kagaya ka rin pala nila! Kung ganito rin naman pala ang magiging buhay ko rito, sana’y pinatay mo na lang ako!” naghihinakit na pahayag naman ni Jiselle.
Akmang papalabas na sana si Jiselle ng klasrum nila nang mabilis na hinawakan ni Timothy ang kamay niya dahilan upang mapaharap siya rito. Sa hindi malamang dahilan kaagad na nakaramdam ng takot si Jiselle dahil sa pagtitig sa kaniya ni Timothy para bang ibang tao ang nasa harapan niya.
“Patayin? Bakit naman kita papatayin? Sino ka ba sa akala mo? Isang hamak na kaklase lang naman kita!” malamig na litanya naman ni Timothy.
Kasabay naman nito ay ang biglang pagsulpot ng ina ni Timothy sa klarum nila. Kung kaya’t mabilis na inalis ni Jiselle ang pagkakahawak sa kaniya ni Timothy at mabilis na nagtungo sa ina ng binata. Dahil dito, mabilis naman siyang sinalubong nito at kaagad na nagpaalam sa guro nila na kakausapin lamang daw siya ng ina ng binata. Hindi pa nagtagal ay nakarating na sila sa isang opisina na sa tingin ni Jiselle ay mga may malalaking posisyon lamang ang maaaring makapasok dito.
“Jiselle, bakit ngayon ka lang nagpakita?” nag-aalalang tanong naman ng ina ni Timothy.
“Pasensiya na po, tita.”
“Ayos lang ‘yon, ang mahalaga ay ayos ka na. Kaya kita dinala rito dahil gusto kitang makausap tungkol sa anak ko.”
Dahil sa narinig ni Jiselle kaagad siyang naguluhan sapagkat nababakas sa mukha ng ina ni Timothy na para bang may takot itong nararamdaman. Kung kaya’t hindi maiwasan ni Jiselle na makaramdam ng pagkalito sapagkat hindi basta-bastang takot ang nakikita niya sa mata ng ina ni Timothy.
“Tita, ano pong tungkol kay Timothy?” naguguluhan namang tanong ni Jiselle.
“Mula kasi ng hinanap ka ni Timothy bigla na lamang itong nagbago. Bukod dito, napapansin ko rin na para bang may kinakausap palagi ang anak ko sa kwarto nito. Minsan pa, hindi ko sinasadyang mapasilip sa siwang ng kwarto ni Timothy at ganoon na lamang ang takot ko ng may malaking anino akong nakita! Diyos ko, Jiselle! Anong gagawin ko? Nag-aalala na ako para sa anak ko!”
“Tita, hindi sa tinatakot kita, pero, mukhang hindi si Timothy ang nakakasama natin ngayon,” seryosong saad naman ni Jiselle.
“A-Anong ibig sabihin mo, Jiselle?” natatakot na tanong naman ng ina ni Timothy.
Sandali pang natahimik si Jiselle bago sagutin ang ina ni Timothy. “Sa tingin ko ay isang elementong gubat ang nakakasama natin ngayon. Maaaring sa paghahanap niya sa akin ay may nagambala si Timothy na hindi dapat!”
Kaagad namang nanghina sa kinauupuan nito si Mrs. Lim habang nakatakip pa ang kamay sa bibig nito. Para bang hindi ito makapaniwala sa narinig sa dalagang si Jiselle. Hanggang sa nagulat na lamang si Jiselle nang bigla na lamang lumuha ang ina ni Timothy sa harapan niya. Kasabay naman nito ay ang pagpasok ni Timothy na ngayon ay may nanlilisk na mata habang nakatingin kay Jiselle.
“Papatayin kita! Papatayin kita!” galit na galit na asik naman ni Timothy.
Kasabay naman nito ay ang bigla na lamang pagsugod nito sa gawi ni Jiselle habang may hawak-hawak na itong kulay gintong patalim. Mabilis naman ang naging kilos ni Jiselle at kaagad niya itong pinigilan upang hindi mapasaksak sa kaniya. Habang ang ina naman ni Timothy ay gulat na gulat dahil sa nakikita nitong nangyayari sa harapan nito. Isama mo pa rito ang bigla na lamang pagsulpot ng dalawa pang kaibigan ni Timothy na sina Tungsten at Magnesium na gulat na gulat rin sa nasaksihan. Mabilis namang sinenyasan ni Jiselle si Tungsten na ikandado ang pinto upang wala ng iba pang makaalam sa nangyayari.
“S-Sino ka? H-Hindi ikaw si Timothy!” nahihirapang tanong naman ni Jiselle.
Akmang aawatin sana nina Tungsten at Magnesium ang kaibigan nang bigla na lamang ang mga itong hindi makagalaw sa kanilang kinatatayuan. Kung kaya’t hindi ng mga ito maiwasan na hindi magtaka dahil pakiramdam nila ay may pumipigil sa kanila para hindi sila makagalaw. Bukod dito, labis-labis na rin silang naguguluhan sa ikinikilos ng kaibigan nilang si Timothy.
Isang nakatatakot na ngisi muna ang pinakawalan ni Timothy bago sagutin ang dalaga. “Akalain mo nga namang malalaman mong hindi ako ang tinatawag ninyong Timothy!”
“Nasaan ang totoong Timothy?” nahihirapan pa rin na tanong ni Jiselle sa kaharap niya.
Sa halip na sagutin pa siya nito bigla na lamang itong nag-iba ng anyo dahilan upang mamutla sa takot ang mga kaibigan ni Timothy lalong-lalo na ang ina ng binata. Kung pagmamasdan ngayon ang hitsura ng nagbalat-kayo bilang si Timothy, hindi mo maiiwasan na matakot sapagkat para itong isang puno na naaagnas. Habang umaalingasaw naman ang mabaho nitong amoy na siyang dahilan upang mapatakip ng ilong ang mga kaibigan ni Timothy pati na rin ang ina ng binata. Sa inis na nararamdaman ni Jiselle kaagad siyang nagpalabas ng apoy sa kamay niya dahilan upang mabitiwan siya ng kakaibang nilalang na nagbalat-kayo sa binatang si Timothy. Hindi pa nakuntento si Jiselle at mabilis niya itong hinagisan ng bolang apoy dahilan upang mapadaing ito sa sakit. Akmang magtatawag pa sana ng kasamahan nito ang nilalang na nasa harapan nila nang mabilis itong sinaksak ni Jiselle gamit ang espada na gawa mismo sa yelo. Dahil dito, kaagad na sumuka ng dugo ang kakaibang nilalang na kanina lamang ay nagtangka sa buhay ng dalaga.
“Hahaha!” Isang tawa pa ang pinakawalan nito bago muling harapin ang dalaga. “H-Hindi ko alam kung anong k-klaseng nilalang ka! Pero, isa lang ang sigurado ko, h-hinding-hindi mo na siya makikita pa!” nahihirapan naman nitong saad sa harap ni Jiselle.
Kasabay naman nito ay ang paglalaho nito na akala mo’y naaagnas sa hangin. Dahil dito, mas lalo pang lumakas ang pag-iyak ng ina ni Timothy sapagkat hindi nito alam ang gagawin upang mahanap ang anak. Habang sina Tungsten at Magnesium naman ay muli na ulit nakagalaw sa kinatatayuan nila habang nanlalaki pa rin ang mga mata dahil sa nasaksihan ng mga ito.
“Diyos ko, Jiselle, ang anak ko! Paano ko siya mahahanap?” lumuluhang tanong naman nito sa dalaga.
Saglit naman napatahimik si Jiselle sapagkat pakiramdam niya ay kasalanan niya ang lahat. Sapagkat, kung hindi lamang siya umalis hindi sana mapapahamak ang binatang si Timothy. Hanggang sa nagulat na lamang sila nang bigla humangin nang malakas sa labas ng bintana dahilan upang mas lalo pang maluha ang ina ni Timothy. Kung kaya’t walang sinayang na oras si Jiselle at kaagad na hinarap ang tatlong taong nasa harapan niya ngayon.
“Alam kong naguguluhan pa kayo sa ngayon, pero, hindi ito ang oras para sabihin ko sa inyo ang lahat. Pangako, tita, hahanapin ko si Timothy!” seryosong litanya naman ni Jiselle.
Kaagad namang pinatabi muna ni Jiselle ang mga ito, kasabay naman nito ang pagtaga niya sa kaniyang palad dahilan upang magdugo ito. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Jiselle at mabilis na pinatulo ang dugo niya sa sahig ng kwartong tinutuluyan nila. Kasabay naman nito ay ang paggawa niya ng isang malaking simbolo gamit ang dugo niya habang nanatili pa rin na nakapikit ang mata niya. Habang nasa gitna naman siya ng malaking simbolo na ginawa niya at kaagad na may ibinigkas na ritwal gamit ang ibang lenggwahe.
“Ola ta pnevmatika mou symvolaia, sas parangelno na psaxete gia ton Timotheo,” muli pang litanya ni Jiselle.
Ganoon na lamang ang gulat nina Tungsten at Magnesium nang bigla na lamang umilaw ang simbolong ginawa ni Jiselle gamit ang sarili niyang dugo. Habang wala pa rin tigil sa pagluha ang ina ni Timothy na tahimik lamang na nakamasid sa dalaga. Ilang minuto pa ang lumipas ng matapos si Jiselle sa ginagawa niyang ritwal kasabay naman nito ay ang unti-unting pagkawala ng ilaw sa simbolong nilikha ng dalaga.
“J-Jiselle, tatanong ko lang sana kung para saan ba ang ginawa mo?” nag-aalangang tanong ni Tungsten.
Sa halip na sagutin ni Jiselle ang tanong sa kaniya ni Tungsten, taliwas ang naging pahayag niya sa mga ito. “I found him! Alam ko na kung nasaan si Timothy!” nagagalak na litanya naman ni Jiselle.
Dahil sa narinig kaagad napatigil sa pagluha ang ina ni Timothy at kaagad na lumapit sa dalaga. Nagulat na lamang si Jiselle nang bigla siyang yakapin ng ina ni Timothy habang nababakas sa mukha nito ang matinding kasiyahan. Nagulat na lamang sila nang mapansin nilang napakalakas na ng ulan sa labas na sinabayan pa nang malalakas na hangin. Dahil dito, kaagad na nakaramdam ng takot si Jiselle sa maaaring mangyari kay Timothy kapag hindi niya kaagad ito napuntahan.
“Tita, kailangan ko na pong umalis!” may pagmamadali namang litanya ni Jiselle.
“Ha? Saan ka ba pupunta?” pagsingit na tanong naman ni Magnesium.
“Sa lugar kung nasaan si Timothy,” kaagad na sagot naman ni Jiselle.
“Sasama kami! Kotse ko na lang ang gagamitin natin para madali tayong makarating sa kinaroroonan ni Timothy,” litanya naman ni Tungsten.
Isang malalim na buntong-hininga naman ang pinakawalan ni Jiselle bago magsalita sa harapan ng mga ito. “Walang sasama sa akin! Lalo na’t lubhang mapanganib kapag isasama ko pa kayo! Dito na lamang kayo at bantayan ninyo si tita.”
“What the! Can’t you hear yourself, Jiselle? Kaya nga sasama kami para madali natin siyang mahahanap!” inis na sagot naman ni Magenesium.
“My decision is final! Ako na lang ang pupunta sa kinaroroonan niya!” kaagad na sagot naman ni Jiselle.
Hanggang sa inilabas ni Jiselle ang walis niya dahilan upang magulat ang mga ito. Kulang na lamang ay lumuwa ang mata ng mga ito sa tindi ng panlalaki nito. Wala namang sinayang na oras si Jiselle at mabilis na sumakay sa walis niya habang sinenyasan naman niya si Tungsten na buksan ang bintana na kaagad naman nitong sinunod.
“Holy cow! You’re a witch?” nanlalaking tanong ni Magnesium.
Sa halip na sagutin pa ito ni Jiselle isang ngiti na lamang ang isinukli niya rito kasabay ang pag-alis niya sa harapan ng mga ito. Kagaya ng palagi niyang ginagawa gumamit ulit siya ng mahika upang walang iba makakita sa kaniya. Bagamat, malakas ang hangin at ulan, pinili pa rin ni Jiselle na suungin ito mailigtas lamang niya ang binatang si Timothy.
“Wait for me, Timothy!” mahinang litanya naman ni Jiselle sa sarili niya.