Malakas ang ulan na sinabayan pa ng hangin, ngunit, para bang balewala lamang ito kay Jiselle sapagkat mas binilisan pa niya ang pagpapalipad ng walis niya. Bagamat, basang-basa na siya dulot nang malakas na ulan hindi ito naging hadlang upang tumigil si Jiselle sa pagpapalipad ng walis niya makarating lamang sa lugar kung nasaan si Timothy. Isama mo pa rito ang miminsang paggewang-gewang ng paglipad niya dulot nang malakas na hangin. Sa halip na panghinaan ng loob si Jiselle matapang niyang sinalubong ang malalakas na hangin at ulan makarating lamang sa kinaroroonan ng binata. Kung tutuusin pwede naman niyang isama sina Tungsten at Magnesium, kaya lang, nag-aalala siya na baka pati ang mga ito ay mapahamak pa lalo na’t nasa mapanganib na lugar ang binatang si Timothy. Hindi pa nagtagal ay tuluyan nang nakarating si Jiselle kung nasaan si Timothy. Ganoon na lamang ang pagkadurog ng puso ni Jiselle dahil sa nakita niyang lagay ng binata. Kung kaya’t walang sinayang na oras si Jiselle at mabilis na tinungo ang malalim na hukay kung nasaan ang binatang si Timothy. Dahil dito, hindi maiwasan ni Jiselle na mapaluha sapagkat walang malay ang binata habang puno ng galos ang buo nitong katawan. Isama mo pa rito na kaunti na lamang ay lulubog na ang binata dahil sa napupuno ng tubig ulan ang kinaroroonan nitong malalim na hukay.
“Come on, Timothy, wake up! It’s me, Jiselle!” natatakot na litanya ni Jiselle.
Ngunit, kahit anong tapik ang gawin ni Jiselle hindi niya magising ang binata. Mas na-doble pa ang takot na kaniyang nararamdaman ng mapansin niyang nangangatal na sa lamig ang binatang si Timothy. Kung kaya’t, mabilis niya itong niyakap kasabay ang pagpapalabas niya ng apoy sa kamay niya upang mainitan ang binata. Saka lamang niya pinatay ang apoy sa kamay niya ng mapansin niyang hindi na ganoong nangangatal sa lamig ang binata. Dahil sa tumataas na ang tubig sa hukay maingat na itinayo ni Jiselle ang wala pa rin malay na binata. Ganoon na lamang ang pagkainis ni Jiselle dahil hindi niya malaman kung paano niya isasakay sa walis niya ang binata. Isang malalim na buntong-hininga na lamang ang pinakawalan niya bago gawin ang nakakailang na posisyon mabuhat lamang niya ang binata. Dahil sa nananatili pa rin na walang malay si Timothy binuhat niya ito na parang bata habang nakaharap sa kaniya ang binata samantalang ang paa naman nito ay nasa magkabilang gilid ng beywang niya. Sa naging posisyon nila hindi maiwasan ni Jiselle na mamula sapagkat magkadikit na magkadikit ang katawan nila ng binata.
Sa halip na pakaisipin pa niya ito, mabilis niyang inilabas ang walis niya at tuluyang nilisan ang lugar. Dahil sa pagiging abala niya kanina sa paghahanap sa binata hindi niya napansin na sa kagubatan pala ng Sta. Ines niya matatagpuan ang binata. Laking pasasalamat na lamang ni Jiselle dahil hindi sila inabot ng baha na paparating sa hukay kung nasaan sila kanina. Sa nakikita ni Jiselle hindi niya maiwasan na hindi malungkot sa mga bahay na likas na mapipinsala ng baha na papatungo sa direksyon ng mga ito. Sa takot na mapahamak pa lalo si Timothy, kaagad na tinungo ni Jiselle ang paaralan nila kung saan naghihintay ang mga kaibigan ng binata pati na rin ang ina nito. Sa bilis ng pagpapalipad ni Jiselle sa walis niya para bang kalahating oras lamang ang itinagal nila sa ere at tuluyan na silang nakarating sa paaralan nila. Kaagad namang sumalubong kay Jiselle ang mga kaibigan ni Timothy na naghihintay sa bintana na kanina lamang ay dinaanan niya.
“What the! Is he okay?” gulat na gulat na tanong naman ni Magnesium.
“Diyos ko, ang anak ko! Anong nangyari sa kaniya?” lumuluhang salubong naman ng ina ng binata.
“We need a doctor! Mukhang labis-labis ang sinapit niya!” pag-aalala namang litanya ni Tungsten.
Akmang tatawag na sana ng doktor si Tungtsten nang mabilis itong pigilan ni Jiselle habang malungkot na nakatitig kay Timothy na ngayon ay nakahiga na sa sofa. Muli na namang kumirot ang puso ni Jiselle dahil hindi niya lubos maisip na mapapahamak ang binata dahil lamang sa paghahanap sa kaniya. Para bang habang tinitingnan niya ang binata mas lalo lamang siyang kinakain ng kaniyang konsensiya dahil sa sinapit ni Timothy.
“No! Kahit tumawag pa tayo ng doktor wala silang magagawa sa kalagayan ni Timothy,” malungkot na pahayag naman ni Jiselle.
“What do you mean, Jiselle?” nakakunot na tanong naman ng ina ni Timothy.
“Ang mga natamong sugat ni Timothy ay dulot ng mahika kaya kahit anong gawin ng mga doktor wala silang kakayahan na pagalangin ang anak ninyo, tita,” malungkot na sagot naman ni Jiselle.
“What? Anong gagawin natin para gumaling si Timothy?” pagsingit na tanong naman ni Magnesium.
Sa halip na sagutin pa ito ni Jiselle marahang lumapit ang dalaga sa gawi ni Timothy na ngayon ay wala pa rin malay. Kasabay naman nito ay ang marahang paghalos ni Jiselle sa mukha ng binata na ngayon ay nahihirapan ng dahil lamang sa kagagawan niya. Kaagad namang sinenyasan ni Jiselle ang mga ito na lumayo muna sa gawi ng binata na siyang labis na ipinagtaka ng mga ito. Nagulat na lamang ang mga ito ng tinanggal ni Jiselle ang benda sa kamay niya na may sugat. Akmang papatakan na sana ni Jiselle ng dugo niya ang sugat ng binata nang bigla na lamang magsalita si Tungsten dahilan upang maudlot ang gagawin sana niyang panggagamot sa malalim na galos ni Timothy.
“Anong gagawin mo, Jiselle?” nakakunot na noo na tanong naman ni Tungsten.
“Gagamutin ko si Timothy. Sa lagay ni Timothy, kahit sinong doktor wala ang mga itong magagawa. Lalo na’t may lumalabas na itim na awra sa katawan ni Timothy na siyang nagpapahina sa kaibigan ninyo. Bukod dito, nanganganib na rin ang buhay ni Timothy kapag hindi kaagad ito naagapan.”
“Jiselle, anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan. Ano ba talagang nangyayari sa anak ko?” naluluhang sabat naman ng ina ni Timothy.
“N-Nalason po si Timothy, tita. Kung kaya’t kahit sinong doktor walang magagawa sa kalagayan ni Timothy, lalo na’t hindi basta-basta elemento ang may kagagawan nito,” malungkot na sagot naman ni Jiselle.
Ganoon na lamang ang gulat ng mga ito nang bigla na lamang ikinumpas ni Jiselle ang kamay niya at bigla na lamang may lumabas na malaking werewolf na mistulang nag-aapoy ang buo nitong katawan. Dahil dito, hindi ng mga ito maiwasan na mapaatras sa pagkabigla dahil sa sumulpot sa harapan nila. Sa halip na gamutin pa ni Jiselle si Timothy nagdesisyon na lamang siya na humingi ng tulong sa isa sa mga ‘Elemental Spirits’ niya.
“Flemir, you can heal him right?”
“Yes.”
“Pwede mo ba siyang gamutin? Nag-aalala ako na baka mapahamak siya,” litanya ni Jiselle habang nangingilid na ang luha niya.
“Hindi mo naman siguro nakalilimutan ang maaaring mangyari sa ‘yo kapag ginamot ko ang binatang ‘to,” sagot naman ni Flemir.
“H’wag mo na akong alalahanin, Flemir,” nakangiti namang litanya ni Jiselle habang nangingilid pa rin ang luha niya.
Wala namang sinayang na oras si Flemir at kaagad na lumapit sa gawi ni Timothy na ngayon ay wala pa rin malay. Kasabay naman nito ay ang pagbuga ni Flemir ng isang maliit na apoy na hugis bilog at kaagad na pumasok sa katawan ni Timothy. Hanggang sa nagulat na lamang ang mga kaibigan ni Timothy pati na rin ang ina nito nang bigla na lamang umilaw ang katawan ng binata. Kasabay naman nito ay ang pagsuka ni Jiselle ng dugo dahilan upang mapaluhod siya sa sakit at init na nararamdaman niya na para bang napapaso siya. Sa takot ni Jiselle na madamay ang mga ito pinalibutan niya ang kaniyang sarili ng tubig na hugis pabilog kung saan nakapaloob siya rito.
“H-Hey, Jiselle! A-Are you okay?” kinakabahan namang tanong ng ina ni Timothy.
Akmang sasagot na sana si Jiselle nang muli na naman siyang sumuka ng dugo habang nararamdaman pa rin niya ang init na para bang kaunti na lamang ay magliliyab siya. Samantalang, unti-unti namang nawawala ang mga malalalim na sugat na natamo ni Timothy na siyang dahilan upang mamangha sina Tungsten at Magnesium sa nakikita ng mga ito.
“Jiselle, ayos ka lang ba?” nag-aalala namang tanong ni Flemir.
“A-Ayos lang ako! Kumusta si Timothy?” nahihirapang tanong naman ni Jiselle.
“Unti-unting nawawala na ang lason na nasa katawan ng binatang ‘to! Ang inaalala ko ay ikaw, sigurado ka bang ayos ka lamang?” naniniguradong tanong pa rin ni Flemir.
“Ahhh!” Isang malakas na hiyaw ni Jiselle dahil sa init na kaniyang nararamdaman. “A-Ayos lamang ako! H-H’wag mo na akong alalahanin, Flemir,” nahihirapan pa rin na sagot ni Jiselle.
Ilang minuto pa ang lumipas ng tuluyan nang bumuti ang kalagayan ni Timothy. Kasabay naman nito ay ang pagkawala ng harang na ginawa ni Jiselle at mabilis namang lumapit sa kaniya si Flemir, ang isa sa mga ‘Elemental Spirits’ niya. Nababakas naman sa mukha nito ang labis na pag-aalala sa kalagayan ng dalaga sapagkat ang lahat na sakit na nararamdaman ni Timothy kanina ay nalipat na kay Jiselle. Kung kaya’t hindi maiwasan ni Flemir na mag-alala sa dalagang si Jiselle na ngayon ay nababalot na ng dugo ang suot-suot niyang damit. Samantalang, ang kaninang nararamdaman na init ni Jiselle ay bigla na lamang nawala ngunit hindi niya maipagkakaila ang sakit na nakapaloob sa may kalamnan niya dulot ng lason na natamo ni Timothy. Hindi pa nagtagal ay naramdaman na lamang ni Jiselle na unti-unting nilalamon na siya ng kadiliman.
“Jiselle!!!” malakas na sigaw naman nina Tungsten at Magnesium.
Kasabay naman nito ay ang paglapit ng mga ito sa gawi ni Jiselle na ngayon ay namumutla na. Samantalang, mahinahon namang nagsalita si Flemir sa harapan ng mga ito. “Maayos na ang kalagayan ng kaibigan ninyo, kung kaya’t ilihim ninyo sana kay Timothy na si Jiselle ang lahat ng sumalo ng lason sa katawan nito,” litanya naman ni Flemir bago tuluyang maglaho sa harapan ng mga ito. Habang wala namang nagawa ang magkaibigan kung ‘di ang sumang-ayon na lamang sa kagustuhan ni Flemir. Samantalang, ang ina naman ni Timothy ay abala na ngayon sa paghaplos sa buhok ng anak nito. Hanggang sa mas lalo pang lumalakas ang ulan na sinabayan pa ng matataas na baha na siyang puminsala sa ilang kabahayan sa lugar nila. Wala namang paglagyan ang tuwa ng mga ito sapagkat ligtas na sa kapahamakan si Timothy. Habang si Jiselle naman ay maingat na binuhat ni Tungsten at inihiga sa sofa katapat ng kaibigan nilang si Timothy.