Habang palakas nang palakas ang ulan, hindi mapagilan ng ina ni Timothy na mangamba sapagkat hanggang ngayon ay hindi pa rin tumatawag dito ang asawa nito. Dahil dito, hindi maiwasan ni Timothy na mangamba dahil sa reaksyon na nakikita ng binata sa ina. Habang si Jiselle naman ay kaagad na nag-ayos ng kaniyang sarili at pinalitan ang suot niyang damit na kanina lamang ay nababalutan ng kaniyang dugo. Bagamat, nanghihina pa rin si Jiselle kaagad na lumapit ang dalaga sa gawi ng ina ni Timothy na ngayon ay abala sa hawak-hawak nitong selpon.
“Tita, ayos lang po ba kayo?” mahinahon namang tanong ni Jiselle.
“Ayos lang ako, Jiselle. Hindi ko lang maiwasan na mangamba sapagkat hanggang ngayon ay hindi pa rin tumatawag ang asawa ko,” nangangamba namang sagot ng ina ng binata.
“Nasaan po ba si tito?” kunot-noong tanong naman ni Jiselle.
“Nasa Batangas ngayon ang asawa ko dahil may meeting sila roon. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa asawa ko,” saad naman ng ina ni Timothy kay Jiselle.
Bahagya namang natahimik ang dalaga sapagkat kahit siya ay nag-aalala na rin sa tito niya. Kung kaya’t kahit nanghihina pa rin ay nagdesisyon si Jiselle pumunta ng Batangas upang masiguro niya ang kaligtasan ng tito niya. Kagaya ng ginawa ni Jiselle upang mahanap si Timothy muli siyang naggawa ng malaking bilog na may iba’t ibang simbolo ang nakapaloob dito at mabilis na pinatakan ng dugo niya. Kaagad namang nagliwanag ang markang ginawa ni Jiselle at sa isang iglap lamang ay nakikita na nila ang kalagayan ng tito niya sa Batangas.
“Diyos ko! Ang asawa ko! Kaya naman pala hindi siya sumasagot sa mga tawag ko dahil abala ito sa pag-akyat sa may bubong huwag lamang silang matangay ng baha. Anong gagawin ko? Hindi ko makakaya kapag may nangyaring masama sa asawa ko,” nanghihinang pahayag naman ng ina ni Timothy.
Isang malalim na buntong-hininga naman ang pinakawalan ni Jiselle bago magsalita. “Don’t worry, tita. Ililigtas ko si tito sa kapahamakang maaari nilang maranasan,” seryosong pahayag naman ni Jiselle.
“Talaga? Paano mo maililigtas ang asawa ko? Mukhang namumutla ka pa rin at hindi ako nakakasiguro na makakayanan mong iligtas sila,” nag-aalala namang sagot ng ina ni Timothy.
Isang ngiti naman ang pinakawalan ni Jiselle bago sagutin ang tita niya. “H’wag kang mag-alala, tita. Ayos na po ako at maililigtas ko po si tito.”
“Are you sure that you’re okay, Jiselle?” nag-aalangang tanong naman ni Timothy.
Sa halip na sagutin pa si Timothy isang ngiti lamang ang pinakawalan ni Jiselle sa binata at pagkatapos ay muling inilabas ng dalaga ang kaniyang walis. Dahil sa ginawa ni Jiselle kaagad na nanlaki naman ang mata ni Timothy sapagkat nangangamba ito sa magiging reaskyon ng ina at mga kaibigan nito dahil sa ginawa ng dalaga. Ngunit, ganoon lamang ang pagtataka ni Timothy ng hindi man lang nagulat ang mga ito sa ginawa ni Jiselle. Kung kaya’t hindi maiwasan ni Timothy na hindi maguluhan sa nangyayari sa paligid nito. Kasabay naman nito ay ang pagtingin ni Timothy sa dalaga na para bang humihingi ng paliwanag ang binata kay Jiselle. Isang ngiti na lamang ang ginawa ni Jiselle kay Timothy bago pabulong na sabihin na magpapaliwanag siya kapag nasa ayos na ang lahat.
Hindi pa nagtagal ay nagpasiya ng umalis ang dalaga upang magtungo sa kinaroroonan ng tito niya at mailigtas ito. Samantalang wala namang nagawa sina Timothy kung ‘di ang tumango na lamang habang tinatanaw ang dalagang ngayon ay papalayo na sa gawi nila. Alam ni Jiselle na lubhang mapanganib ang gagawin niyang pagliligtas sa tito niya ngunit hindi niya maaatim kapag may nangyari masama sa ama ni Timothy. Kung kaya’t walang pagdadalawang-isip si Jiselle na suungin ang malakas na ulan na sinabayan pa nang malakas na hangin.
“Alam kong magugulat si tito sa pagkatao ko pero wala na akong pakialam pa mailigtas ko lamang ang ama ng lalaking lubhang mahalaga sa akin,” saad naman ni Jiselle sa sarili nito.
Hindi pa nagtagal ay nakarating na si Jiselle sa Batangas at ganoon na lamang ang panlulumo niya dahil sa nasaksihan ng dalaga na lubog na halos ang kapamahayan ng mga naninirahan dito. Bagamat may lungkot na nararamdaman ang dalaga kaagad niyang tinungo kung nasaan ang ang ama ni Timothy. At halos madurog ang puso ni Jiselle dahil sa nadatnan niya ang tito niya na nakalutang sa baha habang nakahawak sa pakiwari niya’y isang lalagyan ng tubig na nagsilbing salbabida nito. Habang ang iba naman nitong kasamahan ay nakalutang na sa baha habang wala ng buhay. Hanggang sa natagpuan na lamang ni Jiselle na sunod-sunod ng pumapatak ang luha niya dahil sa kirot sa kaniyang dibdib.
Bukod dito, hindi rin akalain ni Jiselle na tataas ang baha na siyang dahilan upang maraming mamatay dulot ng pagkalunod ng mga ito. Wala namang sinayang na oras si Jiselle at mabilis na lumapit sa gawi ng ama ni Timothy na nangangatal na sa lamig.
“Tito, you’re safe now!” bungad na litanya naman ni Jiselle.
“J-Jiselle! Y-You’re flying?”
Sa halip na sagutin pa ito ni Jiselle kaagad na sinenyasan ni Jiselle ang tito niya na sumakay sa may walis niya. Bagamat bakas sa mukha nito ang pagkalito walang nagawa ang lalaki kung ‘di ang sundin ang kagustuhan ni Jiselle na basang-basa na rin sa ulan.
“Kumapit ka lang sa ‘kin, tito.”
“S-Sige.”
Nang masiguro ni Jiselle na ayos na ang pagkakakapit sa kaniya ng tito niya kaagad na pinaangat ng dalaga ang walis niya upang hindi sila maabot ng tumataas pa rin na baha. Sa takot na may iba pang makakita sa kanila mabilis na pinalipad ni Jiselle ang walis niya na siyang ikinagulat ng ama ng binata kung kaya’t mahigpit itong napakapit sa balikat niya na siyang ikinangiti ng dalaga. Hindi pa nagtagal ay muli silang nakabalik sa paaralan nila at kagaya noong una muli silang dumaan sa bintana papasok sa opisina kung saan naghihintay sina Timothy. Wala namang paglagyan ang tuwa ng ina ni Timothy dahil sa nakita nitong ligtas ang asawa nito sa kapahamakan.
Samantalang, mabilis namang lumapit si Timothy sa gawi ni Jiselle na ngayon ay basang-basa ang suot niyang damit. Ganoon na lamang ang pagkabigla ni Jiselle nang bigla siyang yakapin ni Timothy na para bang takot na takot ito na mawala siya sa paningin nito. Kung kaya’t walang ibang nagawa si Jiselle kung ‘di ang suklian ang yakap na ginawa sa kaniya ni Timothy. Kasabay naman nito ay ang mabilis nilang pagbitiw sa yakap sa isa’t isa ng makarinig silang dalawa ng sunod-sunod na pagtikim na nagmumula sa mga kaibigan nila.
“Timothy, baka naman gusto mong pagpalitin muna siya ng damit?” nang-aasar na tanong naman ni Magnesium.
Isang masamang tingin naman ang ipinukol niTimothy kay Magnesium bago sagutin ang kaibigan nito. “Stop it, Magna! You’re ruining the mood!” asar na sagot naman ni Timothy sa kaibigang si Magnesium.
“Hahaha!” Isang malakas na tawa naman ni Magnesium ang bumalot sa lugar bago muling tumingin kay Timothy na ngayon ay pulang-pula na akala mo’y isang mansanas. “I can’t believe it! The so-called delinquent in our school is now blushing because of a girl!” hindi makapaniwalang litanya ni Magnesium.
Dahil sa pamumula ni Timothy kaagad na napakunot ang noo ni Jiselle sapagkat wala siyang naiintihan sa nangyayari. Akmang magtatanong pa sana si Jiselle ngunit nagulat na lamang ang dalaga nang bigla siyang makaramdam ng paninikip ng dibdib. Habang pakiramdam naman ni Jiselle ay parang sinisilaban ang loob ng katawan niya dahil sa init ng kaniyang nararamdaman na hindi niya maintindihan ang dahilan.
“Hey, are you okay?” nag-aalalang tanong naman ni Timothy kay Jiselle.
“I-I’m fine,” nahihirapang sambitla naman ni Jiselle.
“Don’t lie to me, Jiselle! I know you’re in pain!” inis na litanya naman ni Timothy.
Akmang magsasalita na sana si Jiselle upang sagutin ang binata ng maramdaman na lamang ng dalaga na may mainit na likido ang tumulo sa may ilong niya. Kung kaya’t mabilis na nanlaki ang mata ng binata sa nasaksihan nito habang si Jiselle naman ay nanghihinang napaupo sa sofa malapit sa kinatatayuan niya.
“What the! What’s happening to you, Jiselle?” natatarantang tanong naman ni Timothy.
Gustuhin mang sagutin ni Jiselle ang tanong ni Timothy pero hindi ito magawa ng dalaga sapagkat kahit siya ay hindi niya alam ang nangyayari sa kaniya. Kung kaya’t pinili na lamang ni Jiselle na manahimik kaysa sagutin pa ang tanong sa kaniya ni Timothy na nababakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala para sa dalaga.
“Come on, Jiselle! Don’t be a stubborn woman! Answer my question!” may halong inis na litanya muli ni Timothy.
Ngunit walang sagot na narinig ang binata mula kay Jiselle habang nababakas sa maganda niyang mukha ang sakit na iniinda niya. Ilang minuto pa ang nakalipas hanggang sa tumigil na ang pagdurugo ng ilong ni Jiselle na siyang ipinagpasalamat ni Timothy. Habang ang mga kaibigan naman ng mga ito ay tahimik lamang sa isang tabi habang nakatitig kay Jiselle na ngayon ay putlang-putla pa rin.
“Maraming salamat talaga, Jiselle. Kung hindi dahil sa iyo napahamak na sana ang asawa ko,” litanya naman ng ina ni Timothy.
Isang ngiti naman ang pinakawalan ni Jiselle bago sagutin ang litanya ng ina ni Timothy. “Walang anuman po, tita. Ako nga po dapat ang magpasalamat sa inyo sapagkat kung hindi ninyo ako kinupkop hindi ko na alam ang mangyayari sa akin.”
Kasabay naman nito ay ang pagyakap ng ina ni Timothy kay Jiselle na siyang dahilan kung bakit napaluha ang dalaga. Sapagkat muli niyang naramdaman ang mainit na yakap na tanging mga ina lamang ang nakagagawa. Kung kaya’t kahit nanghihina si Jiselle niyakap niya rin ang ina ni Timothy habang patuloy na lumuluha sa kadahilanang sabik na sabik na ulit siyang makita ang mga magulang niya. Ngunit, isang malungkot na ngiti lamang ang sumilay sa labi ni Jiselle sapagkat alam niya sa kaniyang sarili na hindi na niya muli pang makikita ang kaniyang mga magulang.