Kabanata XIII - Ang Tagapagbantay

1641 Words
Sa lugar kung saan natatakluban ng naglalakihang bundok na nababalutan pa ng makakapal na hamog may nakatayong palasyo na tila ba hindi basta-basta napupuntahan ng kung sino lang. Sa madaling salita, tanging mga piling nilalang lamang ang maaaring makapunta sa palasyo. Ang palasyo kung saan naninirahan ang nilalang na may hawak ng oras sa mundo nila. Sa hindi malamang dahilan may isang lalaki na hindi magkaintindihan sa pwesto nito habang may malalim na iniisip. Kung pagmamasdan ang hitsura nito para bang mababakas mo sa mukha ng lalaki na may malaki itong pino-problema na siyang labis na ikinataka ng katulong nito.   “Tagapagbantay, bakit ba kanina ka pang tuliro diyan?” tanong ng katulong na babae.   “Nalalapit na ang panahon upang makamit niya ang kasukdulan ng kaniyang kapangyarihan,” saad naman ng tagapagbantay.   Kasabay naman nito ay ang pagpasok ng isang matandang lalaki habang may hawak-hawak na tungkod. Mabilis namang lumuhod ang tagapagbantay bilang paggalang sa nakakataas sa kaharian nila. Ang kaharian nila na lubos na sikreto sa lahat ng mga nilalang sa mundong kinabibilangan nila.   “Genos, mukhang natutuliro ka yata. Mayroon bang problema?” mahinahong tanong ng matandang si Pantas.   Isang malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan ni Genos bago sagutin ang pinuno nila. “Nararamdaman ko po pinuno, nalalapit na ang itinakdang oras upang magising ang nahihimlay niyang kapangyarihan,” mabilis na sagot ni Genos.   “Alam ko ang bagay na ‘yan. Kaya nga ako naparito sa silid mo upang sabihin sa iyo ang bagay na ‘yan tungkol sa binabantayan mong nabubukod-tangi sa lahat. Ngunit, mayroon tayong problema tungkol sa kaniya.”   “Problema? Anong ibig mong sabihin, Pinunong Pantas?”   “Ang nais kong ipahiwatig ay wala siya rito sa mundo natin. Batay sa aking pangitain nasa mundo siya ng mga mortal na tao na siyang labis kong ipinagtataka,” seryosong sambitla ng Pinunong Pantas.   “Paano nangyari ang bagay na ‘yon? Paano natin siya makakausap kung nasa mundo siya ng mga mortal?” kunot-noong tanong naman ni Genos.   “Isa lamang ang naiisip ko na paraan at iyon ay ang kausapin siya sa panaginip.”   Kaagad namang nabuhayan ng loob si Genos dahil sa narinig at kaagad na tumingin sa pinuno nila na mayroong ngiti sa labi. Matapos ang mahaba-haba nilang pagpupulong mabilis na nagpaalam ang matandang si Pantas habang naiwan naman si Genos na napupuno ng katanungan ang isip nito. Sa hindi malamang dahilan kaagad na nilukob ng takot ang puso ni Genos sa hindi nito malamang dahilan. Lalo na’t alam ni Genos na nagsisimula ng maghasik ng kasamaan ang taong minsan na nilang pinagkatiwalaan. Ngunit, hindi nila inaasahan na ito pala ang magiging sanhi ng pagkakaroon ng delubyo sa mundo nila.   Sa kabilang panig, tahimik at walang kahit isa ang nagsasalita sa kanila sapagkat hindi nila malaman kung bakit bigla na lamang nawalan ng malay ang dalaga. Kung kaya’t hindi maiwasan ni Timothy na hindi sisihin ang sarili sapagkat pakiramdam niya ay kasalanan niya ang lahat kung bakit bigla na lamang nawalan ng malay si Jiselle. Ang labis pang ikinaiinis ng binata ay halos isang buwan na ang nakalilipas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Jiselle buhat ng mawalan ito ng malay. Gusto mang dalhin ng mga magulang ng binata si Jiselle sa doktor pero hindi pumayag si Timothy sapagkat alam niya sa kaniyang sarili na walang magagawa ang mga ito sa kalagayan ng dalaga.   Sa isang buwan na nakalipas marami na rin ang nagbago. Bagamat maraming napinsala ang bagyong dumaan sa kanila hindi pa rin maiwasan ni Timothy na magpasalamat sapagkat kahit papaano ay nakatulong sila sa mga pamilyang labis na napinsala ng bagyo. Bukod dito, ipinagpaliban muna rin nila ang kanilang klase sa kadahilanang ginawa munang pansamantalang tuluyan ng mga taong nasalanta ng bagyo ang bawat klasrum sa paaralan nila.   “Timothy, kumain ka muna kaya? Kami na muna ni Magna ang bahala kay Jiselle,” mahinahong litanya ni Tungsten kay Timothy.   “Ayos lang ako. Nagbabakasakali lang ako na magigising na si Jiselle,” seryosong litanya ni Timothy kay Tungsten.   “Come on, Timothy, you need to eat! Tingnan mo nga ‘yang sarili mo! At saka h’wag kang mag-alala hindi aalis ng kwarto mo si Jiselle! Kaya huwag kang matigas ang ulo, kumain ka muna!” inis na pagsingit naman ni Magnesium.   Akmang mangangatwiran pa sana si Timothy nang tumango sa kaniya si Tungsten na para bang nagsasabi na magiging maayos lang ang lahat. Kung kaya’t kahit napipilitan nagdesisyon si Timothy na kumain muna ng kaniyang pananghalian habang naiwan naman ang dalawa niyang kaibigan sa pagbabantay sa dalaga. Hindi pa man nagtatagal ang pagbabantay nina Tungsten at Magnesium nang bigla na lamang nanlaki ang mata nila dahil sa nakitang pagbabago ng dalaga. Ang kaninang walang kulay na balat nito ay bigla na lamang nawala na parang isang bula at sumunod naman nito ay ang maputlang labi ni Jiselle na unti-unti na muling nagkakakulay.   Mas lalo pang nanlaki ang mata ng dalawa nang mapansin na tila humaba nang bahagya ang buhok ng dalaga. Kung pagmamasdan ang hitsura ng dalawa daig pa ng mga ito ang nakakita ng multo dahil sa panlalaki ng mga mata nila. Bagamat alam na nila ang pagkatao ni Jiselle hindi alam nina Tungsten at Magnesium na may ikagugulat pa pala silang dalawa. Kasabay naman nito ang pagpasok ni Timothy na bahagya pang nagulat dahil sa nadatnang hitsura ng dalawa niyang kaibigan.   “Anong nangyari sa inyong dalawa? Daig pa ninyo ang nakakita ng multo,” kunot-noong tanong naman ni Timothy sa dalawa niyang kaibigan. “Nagbago siya? Nagbago si Jiselle!” gulat na gulat na sagot naman ni Magnesium kay Timothy.   “Ha? Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan, Magna. Ano bang sinasabi mong nagbago si Jiselle?” muli pang litanya ni Timothy.   Isang malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan ni Tungsten bago sumingit sa usapan nina Timothy at Magnesium. “Ang ibig sabihin ni Magna nagbago ang hitsura ni Jiselle. Kung kanina ay namumutla si Jiselle ngayon ay bumalik na ang normal na kulay ng balat nito. Isama mo pa rito na bahagyang humaba ang buhok ni Jiselle,” pagsingit na litanya naman ni Tungsten.   Dahil sa narinig kaagad na lumapit si Timothy sa gawi ng dalaga at kaagad na sumilay ang ngiti sa labi ng binata ng makita ang pagbabago kay Jiselle. Akmang hahawakan na sana ni Timothy ang pisngi ng dalaga nang mabigla silang tatlo dahil bigla na lamang lumutang ang katawan ng dalaga sa ere. Kasabay naman nito ay ang biglang pag-ilaw ng buong katawan ng dalaga dahilan upang mapanganga ang magkakaibigan dahil sa nakita nila. Hindi pa nagtagal ay unti-unting nawala ang puting ilaw na nanggagaling sa katawan ng dalaga hanggang sa muling lumapag nang dahan-dahan ang katawan ni Jiselle sa kama ni Timothy.   Kasabay naman nito ay ang dahan-dahang pagmulat ng mata ni Jiselle na kaagad na ikinatuwa ni Timothy. Para bang sa isang iglap lamang ay nawala lahat ang bigat na nakapasan sa dibdib ng binata dahil nagkaroon na ng malay si Jiselle. Kung kaya’t mabilis na napakunot ang mata ni Jiselle ng makitang nasa kwarto ito ni Timothy. Ang mas ikinagulat pa ni Jiselle ay ang nanlalaking mata ng mga ito habang nakatitig sa gawi ng dalaga.   “Ayos lang ba kayo? Bakit parang gulat na gulat yata kayo? May nangyari ba habang tulog ako?” sunod-sunod na tanong naman ni Jiselle sa mga ito.   Ngunit kahit isa ay walang nakuhang sagot ang dalaga kung kaya’t mabilis na tinapik ni Jiselle si Timothy na nakatitig pa rin dito. “Timothy! Ano bang nangyayari sa inyo? Daig pa ninyo ang nakakita ng multo!” may halos inis na litanya pa ni Jiselle.   “Nagulat lang kami! Hindi kasi namin inaasahan na makakakita kami ng kakaibang bagay,” sagot naman ni Tungsten.   “Ha? Nagulat? Saan naman?” nagtatakang tanong pa ni Jiselle.   Nagulat na lamang si Jiselle nang bigla itong yakapin ni Timothy nang sobrang higpit na kulang na lamang ay mapisa ito sa higpit ng yakap ng binata. Kasabay naman nito ay ang mabilis na pagpapaalam nina Tungsten at Magnesium na para bang sinadya talaga ng mga ito na bigyan ng pagkakataon na makapag-usap sina Timothy at Jiselle.   “Are you okay now, Jiselle?” malambing na tanong naman ni Timothy kay Jiselle.   “H-Ha? O-Oo, ayos na ako.” “Akala ko hindi ka na magigising pa! Ano ba talagang nangyari sa iyo?”   “Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko mas lumakas pa ang kapangyarihan ko ngayon. Oo nga pala, ilang oras pala akong walang malay?”   Bahagya namang nanigas si Timothy na siya namang ikinataka ni Jiselle. Akmang magtatanong pa sanang muli si Jiselle nang bigla na lamang magsalita si Timothy na nakayakap pa rin sa dalaga. “Isang buwan kang tulog, Jiselle. Hindi oras, hindi araw kung ‘di isang buwan! May iba ka pa bang nararamdaman? May masakit pa ba sa ‘yo?”   “Maayos na ang kalagayan ko, Timothy. Maraming salamat sa lahat ng tulong na ibinigay mo sa akin.”   Hanggang sa mabilis na namula si Jiselle nang bigla na lamang kumulo ang tiyan nito senyales na nagugutom na ang dalaga. Kung kaya’t isang ngiti ang sumilay sa labi ni Timothy bago magpaalam saglit upang kumuha ng makakain ni Jiselle. Nang maiwang mag-isa si Jiselle sa kwarto ng binata bahagya siyang natulala sapagkat hindi niya inaasahan na isang buwan pala siyang walang malay. Kung tutuusin may hindi pa sinasabi si Jiselle sa binata pero pinili na lang muna itong ilihim ng dalaga upang hindi mag-alala si Timothy.   “Mukhang nalalapit na yatang matapos ang maliligaya kong araw. Hindi ko alam na hanggang ngayon ay hinahanap pa rin pala nila ako,” mahinang litanya naman ni Jiselle sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD