Maganda ang sikat ng araw at maaliwalas ang paligid. Ngunit hindi ganoon ang nararamdaman ni Aloha. Para siyang nasusuka sa tensyong kanyang nadarama. Magulo ang isipan niya, pero hindi na niya kayang ibalik pa ang nakaraan. Sabi nga ang nakaraan ay parte na lang ng buhay na hindi na maibabalik pa. "Nagsisisi ba ako?" tanong niya sa sarili at mariing umiling. Wala siyang pinagsisisihan. Maliban sa hindi niya natupad ang plano ng mga magulang niya at ng kanyang mga ninong at ninang para maging mag-asawa sila ni Facu. "Aloha Zoraida Montecillo Al----," tinigil niya ang sinasabi niya. "Magiging Watson ka na mamaya. Huwag tanga Aloha, okay. Duwag ka na nga tanga pa. Huwag ganoon," pagkausap pa niya sa sarili. Dahan-dahan siyang bumaba ng kama. Nakakaramdam siya ng pagkahilo. Hanggang sa nak

