Pagkalabas ni Facu ng gate sa bahay nina Aloha ay pinilit lang niyang makalayo. Hindi na siya nag-abala pang lumingon. Dahil baka pagginawa niya iyon kahit kasal na si Aloha ay itakas lang niya ito. Pinilit niyang makarating sa harapan ng gate para makapasok doon sa binili niyang bahay, na ngayon ay ibinigay na niya kay Aloha. Pakiramdam niya ay isa siyang kadila na may sindi. Kung kailan nagbibigay liwanag saka naman unti-unting nauubos. Ngayon niya mas nauunawaan ang sakit ng pagtataboy na ginawa niya noon kay Aloha. Ang pagpapanggap na isinangkalan pa niya si Dia. Kahit masakit na masakit na ang kanyang nararamdaman, ay gusto pa rin niyang tawanan ang sarili. Sa lahat ng masasakit na sinabi niya kay Aloha, ngayon nilulunok na niyang lahat. "Napakatapang mo Pinya. Kahit nagalit ka sa a

