Mula ng gabing nagkasagutan sina Aloha at Facu ay hindi pa rin tumigil si Facu sa pagpapabalik-balik sa bahay nina Aloha. Nariyan pa iyong bigla na lang umulan pero hindi man lang binigyan ng pansin ni Aloha ang binata. "Anak, wala ka ba talagang balak kausapin si Facu," tanong nang mommy niya. Malakas ang ulan sa mga oras na iyon. Pero ni isa sa mga guwardiya, mga yaya niya at mga magulang niya ay walang nagawa para man lang kausapin niya ito. "Hayaan mo siya mommy. Malaki na iyon at matanda na rin. Baliw na siya kung magpapakabasa siya sa ulan. May kotse siya at pwedeng pumasok doon para sumilong. Ano po iyon? Pwersahang pagpapaawa para kaawaan ko. Kung nagpapakamatay siya diyan sa ilalim ng malakas na ulan. Hindi ko na po problema iyon. Problema na nina ninong at ninang iyon at ng gir

