“Ang Pagsisimula ng Panata” Nakatayo ako sa harap ni Clara, hawak ang palad niya sa likod ng salamin. Ramdam ko ang init ng kanyang kamay sa bawat pulse, parang nag-uusap kami kahit may pader sa pagitan namin. “Baby…” bulong ko, halos walang boses. “Hindi kita iiwan. I’ll protect you. Lagi.” Ngunit alam ko rin… hindi sapat ang pangakong ito. Kailangan kong kumilos. Kailangan kong labanan ang mundo na nilikha ni Lilith, ang mundong itinakda para sa akin at sa anak ko. Tinitigan ko si Lilith sa kabilang bahagi ng silid. “Gusto mo ba ng Prime, Lilith?” tanong ko, mahina ngunit puno ng tapang. “Hindi mo makukuha. Hindi sa pamamagitan ng pananakot. Hindi sa pamamagitan ng anak ko. At higit sa lahat… hindi sa pamamagitan ng akin.” Ngumiti siya, parang alam na niya ang bawat galaw ko

