Carol POV
Isang malalim na buntong hinga bago ulit ako tumakbo papalayo sa bahay ng lalaki.
Lakad takbo ang ginawa ko para lang hindi nila ako makita ng tauhan ni Kian.
Wala akong pwedeng mapuntahan kundi kay tatay lamang.
"Lord, wag mo naman ako hayaan makuha ulit ni Kian," dalangin ko sa panginoon.
Bakit, ba kasi ako binenta ni tatay sa lalaki yung mabuti na lang narinig ko ang mokong na iyon na may kausap sa telepono.
Kahit masakit na ang mga paa ko hindi ko inintindi. Ang tanging gusto ko lamang makaalis sa lugar na yun baka makikita pa ako ng tauhan nito.
Hindi naman ako sinasaktan ni Kian. Pero ayaw ko lang na makasama ang lalaking yun baka may binabalak pa itong masama sa akin. Tahimik kong nilakbay ang daan papunta kung saan. Walang akong idea kung saan na ako ngayon.
Bahala na ang panginoon kung saan nya ako dadalhin.
Madilim ang paligid sinadya ko talaga umalis ngayon gabi dahil wala si Kian sa bahay. Tanging katulong at guard lang nya natira sa bahay nito.
Mabuti na lang may daanan sa likod ng bahay nito.
Tumawid ako ng kalsada. Ngunit hindi ko nakita na may paparating na sasakyan.
Huli na para umiwas ako. Dahil ramdam ko na may tumama sa katawan ko at nawalan ako ng malay. Nagising na lang ako na may kamay humaplos sa mukha ko.
"Tubig, yun ang unang lumabas sa bibig ko.
Nagmadali naman ang lalaki kumuha ng tubig. "
"Ito, sabay abot nito sa akin. Walang habis na tinungga ko ito. Pakiramdam ko isang linggo ako hindi naka inom ng tubig.
"Are, okay," tinig ng isang lalaki.
Agad ko sya nilingon. Isang napaka perpektong mukha ang nabungaran ko.
"Sino ka," tanong ko sa lalaki.
"Miss, I'm Lukas Moreno," pakilala ng lalaki sa akin.
"Ikaw, " baling nito sa akin.
"Ako pala si Carol," mahina kong turan.
Nagtaka ako kung ano ang ginagawa ko dito. Wala akong naalala maliban kay Nathan."
Saan ako bakit nandito ako.
Nagmadali ako bumangon mula sa hospital bed.
Kailangan ko makauwi sa bahay ni Tatay alam ko nag-alala na ito sa akin.
"Hey, Miss! Hindi ka pa okay,at isa pa may mga sugat ka," untag ng lalaki sa akin.
"Kailangan ako ni Tatay at Kuya, kaya wag mo ako pipigilan," sagot ko sa lalaki.
"Pero baka magdurugo ang sugar mo?" nag-alaala tanong nito sa akin.
Lumapit ito sa akin at may biglang tinurok sa braso ko.
Unting-unti ako nanghina.
Ano kaya ginawa ng lalaki ito sa akin. Bakit tila nanghihina ako.
"Anong ginagawa mo sa akin?" tanong ko sa lalaki. Pero hindi ito sumagot sa akin.
"Lord, ikaw na bahala sa akin. Kung ano man gagawin ng lalaking ito sa sarili ko.
Isa pa wala akong tiwala sa tabas ng mukha ng lalaki. Kahit gwapo sya.
Nagising ako tanging ako lang sa loob ng silid na ito. Dahan-dahan ako bumangon mula sa pagkahiga ko sa kama.Pakiramdam ko matalagal na ako nakahinga sa kama na ito.
"Anong lugar kaya ito," bulong ko sa aking sarili.
Na-alerto ako na biglang may narinig akong yabag ng paa papalapit sa kinaroroonan ko.Muli ako humiga sa kama at nagtulog-tulugan.
Hindi nga ako nagkamali pumunta nga ito sa kinaroonan ko.
"Doc! Kamusta na sya?" tanong ng lalaki. Kahit hindi ko pa sya nakita kilala ko na ang boses nito.
" Okay, na sya ngayon, pero may ilang memory nawala sa kanya." Dahilan sa pagkabagok ng ulo nito.
Pero wagkang mag-alala gagawin ko ang lahat para bumalik iyon," sagot ng doctor sa kausap nito.
"Thank you, Doc!" balik na sagot nito sa kausap.
Pinagmabutihan ko ang pagtulog-tulugan ko.
Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nila.
Maya-maya wala na akong narinig na boses. Pero hindi pa rin ako gumalaw sa kama. Mahirap na baka narito pa ito. Pero nakaramdam na ako ng gutom.
Ilang minuto lumipas sinubukan ko sumilip kung naroon pa ba ang lalaki. Nakahinga ako ng maluwag ng wala ito roon. Dahan-dahan ko tinanggal ang kumot.
"Aalis, ako ngayon," saad ko sa akin isipan.
"Saan ka, pupunta," boses ng lalaki mula kung saan.
Multo ba,ito wala naman ako nakita,na may pumasok dito.
Palinga-linga ako nakita ko ito sa sulok may hawak na kape.
"Aalis na ako,hinanap na ako ni Tatay," sagot ko sa lalaki.
"Ganyan kalagayan mo,aalis ka na, sigurado ka ba," tanong nito sa akin.
Ano akala ng lalaking ito isa akong paslit.
Hindi nya ako pwede piligilan at ano ba ang narinig ko may amnesia ako. Eh lahat nga ng karanasan ko na-alala ko. Hindi kaya ang doctor na iyon ang may amnesia.
Pero kailangan ko magpanggap na totoong may amnesia ako upang hindi ako saktan ng lalaking ito.
Mas okay na ito kay sa doon kay Kian walang alam kundi magwala sa bahay. Hindi ko ba alam kung bakit palagi naiinis ang lalaking iyon eh wala naman akong ibang ginagawa kundi sumunod sa gusto nito.
"Sir? Baka naman pwede na ako umuwi sa bahay namin dahil okay naman ako. Gusto mo ba, ipakita ko sa' yo, na maayos na ako. Para maniwala ka," sabi ko dito.
"Bakit, hindi ka, magkape para mawala ang pag-alala mo sa tatay mo?" wika nito sa akin.
Ano ba gustong palabasin ng lalaking ito. Gusto nya samahan ko sya magkape eh kailangan ko na nga umalis.
"Sir! Naman pwede ba, pauwiin mo na ako.
Wala naman ako naging kasalanan sa' yo, baka naman po?" muling sabi ko dito.
"Emmhhh, tutal nandito ka na sa bahay ko hindi ka pwede umalis. Dahil lahat ng nakatungtong dito wala pa ni isa makatakas!" seryoso nitong sabi sa akin.
"Ano? Lasing ka ba, o sadyang may topak ka lang?. Hindi mo ako pag-aari bakit mo ako pipigilan?" seryosong sabi ko dito.
"Hahahaha, hindi mo ako kilala babae. Pero wag kang mag-alala tutal maganda ka naman pwede na kita pagsawaan?" sabi nito sa akin.
"Naku, po' mas malala pa pala ang lalaking ito kung ikumpara kay Kian," bulong ng aking utak.
Tumingin ako sa paligid marami nakita ko maraming kalalakihan naka hawak ng malalaking baril.
Hindi kaya isa silang sindikato.
"Lord? Katapusan ko, na ba ito kung alam ko lang na dito ako napunta di sana hindi na ako umalis sa bahay ng lalaking iyon.