Nagpahatid na lang ako ng almusal sa kwarto. Ayaw kong bumaba. Ayaw ko siyang makita. Natatakot ako. Naiinis din. Trip niya lang ba iyon? Kaso hindi, e! I saw his anger! Real anger. He was not pretending. But where the hell his anger coming from?
Nang matapos ako sa pagligo at paglabas ng banyo ay nakita ko na ang breakfast ko na nasa tray at nakalagay sa bedside table. Doon na lang ako kumain at pinakuha na lang sa kasambahay nang matapos. Ayokong lumabas. Kinakabahan akong makita siya. Natatakot akong baka hindi lang gano'n ang gawin niya sa akin. Sa nakita kong emosyon sa kaniyang mata ay masasabi kong sobra ang galit at pagkamuhi niya sa akin. Sa akin. Pero bakit? Sino ba talaga siya? Napahawak ako sa ulo ko nang kumirot ito. Ang aga-aga pa para sumakit ang ulo ko nang ganito kakaisip.
May first aid kit sa kwarto kaya ako na lang ang nag-asikaso at nag-ayos ng sugat sa braso ko.
Nang magtanghalian ay sinabihan ko ulit ang kasambahay na dalhan na lamang ako ng pagkain. Nang may kumatok ay pinagbuksan ko agad sa pag-aakalang iyon na ang kasambahay na magdadala ng pagkain ko. Pero napataas ako ng kilay nang makitang walang dalang pagkain ang kasambahay.
"Where's my lunch?" tanong ko agad.
"Ah, Ma'am, pinapasabi po kasi ng daddy niyo na sumabay ka sa kanila."
"Nariyan na ba sina Architect at ang dalawang engineer?"
Ang alam ko kasi ay umalis sila kanina para tignan ang mansyon ni lola. Wala nang nakatira roon at hindi iyon kalayuan sa mansyon namin kaya naisipan nina Daddy na iparenovate iyon para gawing hotel. Mas malaki iyon kaysa sa amin at nasa tabing dagat lang din. Gagawin din yatang resort?
"Opo. Kaya ka nga po pinapasabay sa kanila dahil naroon na sila."
Of course, Ally! Nariyan na talaga sila at imposibleng wala dahil dito sila pansamantalang nakatira.
I sighed. Guess I don't have any choice. Kapag sinabi kasi ni Daddy ay masusunod. I respect my Dad that's why anything what he wants or what he says, I would always obey.
Tumango lang ako at saka bumaba. Abot-abot ang kaba ko. Natigil sila sa pag-uusap nang maupo ako sa tabi ni Mommy. Sina Architect ay nasa dating pwesto ulit nila.
Alam kong nakatingin silang lahat sa akin. Nag-uumpisa na silang kumain kaya naglagay na rin ako ng pagkain sa nakahandang plato para sa akin.
Halos mabitawan ko ang kutsara nang biglang hawakan ni Mommy at iangat ang braso ko.
"What happened here?" she's worried.
Napalunok ako at sumulyap kay Engr. Kenji na nakatutok ang paningin sa braso kong may band aid. Nilingon din siya ni Engr. Rhys.
Ibinaba ko ang aking braso bago sumagot. "Nothing, Mom. Don't worry about this."
"Paano ka nasugatan?" si Daddy sa isang matigas na tono.
"Dad, wala lang ito. Nakuha ko ito kanina sa park..." hindi ko na alam kung anong idudugtong ko.
"Bakit? Ano ba ang nangyari sa park?" tanong niya ulit. Determinadong malaman ang dahilan ng sugat.
Unconsciously, I looked at Engr. Kenji. I don't know if I'm just hallucinating but I saw his soft look on my wounds. But in just a blink of an eye, his emotions disappeared.
"Allyson," tawag ni Daddy kaya napabaling ulit ako sa kaniya.
"Ah, I just... I just..." s**t! I don't know what to say!
Nahihirapan akong magsinungaling kay Daddy! Hindi rin naman pwedeng sabihin ko na lang basta na, "Dad, it's Engr. Kenji's fault." Before I could say something, Architect Alex interrupted.
"I guess you shouldn't ask her about the wounds right now, Mr. Del Real. Let her eat first."
Ilang sandaling tumitig sa akin si Dad bago tumango. I sighed. Thanks to Architect. I looked at him and he smiled at me. I smiled back.
Halos mapatalon ako nang pabagsak na ibaba ni Engr. Kenji ang hawak na spoon and fork. Hindi lang yata ako ang nagulat dahil halos lahat kami ay napatingin sa kaniya.
"What's wrong?" nag-aalalang tanong ni Mommy.
Sa itsura ni Mommy ay alam kong iniisip niya na hindi nasarapan si Engr. sa luto niya. Si Mommy kasi ang nagluto ngayon at ang mga kasambahay ay tumulong lamang sa kaniya.
Umiling si Engr, "Nothing. Sorry."
Nakita kong sumulyap siya kay Architect gamit ang matalim na tingin. Engr. Rhys smirked. Napansin iyon ni Engr. Kenji kaya nilipat niya sa kaniya ang masamang tingin.
"What?" natatawang tanong ni Rhys.
Kami naman ay clueless dahil hindi sila maintindihan. Ang weird din ng dalawang ito ah.
Nagpatuloy kami sa pagkain. At gaya kagabi ay halos hindi ako makasali sa usapan dahil hindi ako maka-relate.
Nang matapos kumain ay nauna na ulit akong umakyat. I watched television inside my room. Nang mag-alas tres ay pumunta ako sa kusina para kumuha ng ice cream. May nakita kasi ako sa isang commercial ng ice cream kaya nagcrave na rin ako. Kampante naman ako na wala rito sina Engr. dahil nasa mansyon sila ni Lola para bumisita ulit.
Nasa pintuan pa lang ako ng kitchen ay parang gusto ko na lang ulit bumalik sa kwarto.
Kahit nakatalikod ay alam kong siya 'yon. Nakapamewang siya habang nakatingin sa loob ng nakabukas na fridge. Para bang namimili ng kung ano. Nang maramdaman ang aking presensya ay nilingon niya ako. Humarap siya sa akin na nakapamaywang pa rin.
"Uh..." hindi ko matuloy ang sinasabi ko lalo na nang bumaba ang mata niya sa braso ko. Hinawakan ko agad iyon para takpan kahit useless na dahil nakita niya na.
"Why are you here?"
Napataas ang kilay niya sa tanong ko. Stupid, Ally! What kind of question is that?!
"I mean, I t-thought you're in my lola's mansion to check it a-again?"
"No. We already checked that this morning. Tomorrow we'll be back there."
Tumango ako at hindi na ulit alam ang sasabihin. Bakit nga ba ako nag-iisip pa ng sasabihin? Sino ba siya para mag-isip pa ako ng sasabihin kung pwede namang lagpasan ko na lang siya?
Sinara niya ang fridge at humakbang palapit sa akin. Napaatras agad ako sa takot na baka diinan niya ulit ang paghawak sa braso ko at masugatan ulit. Nang makita ang reaksyon ko ay tumigil siya sa paghakbang. He sighed.
"How's your wound?" he asked.
I almost roll my eyes at his questions. After you put this wounds on my arms, you will ask how is it? The nerve of you!
"Fine," tanging sagot ko.
Humakbang muli siya. This time, I did not stepped back. Nang makalapit siya ay tinangka niyang hawakan ang braso ko. Iniwas ko iyon sa kaniya. Baka dagdagan niya lang ang sugat. Muli siyang bumuntong hininga.
"I won't hurt you, alright?"
With that, he held my arms. I was shock when he gently caressed it.
"I'm sorry," he whispered.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Halos magulat pa ako nang makita siyang tinitignan ang braso kong hawak niya gamit ang mapupungay na mata. Ibang-iba sa talim na titig na ipinakita niya sa akin kagabi at kanina.
"Does it hurt?" nag-angat siya ng tingin sa akin at ganoon pa rin ang mga mata, mapupungay.
"H-hindi na," I answered in matter of fact.
Totoong hindi na mahapdi pero natatakot pa rin ako dahil baka dagdagan niya pa ito.
"I'm sorry. I was just mad," he said as he continue caressing my arms.
Sa sinabi niya ay mas napatingin ako sa kaniya.
"Why are you mad at me?" lakas-loob kong tanong.
Natigil siya sa paghaplos sa braso kong may band aid pero hindi niya iyon binitawan. He looked at me and in an instant, he became emotionless. He stared at me blankly.
Napaatras ako ng isang beses nang unti-unti na namang magbago ang tingin niya sa akin. His eyes were like daggers as he looked at mine. Kahit napaatras na ay hindi niya pa rin nabitawan ang braso ko na lalong nagpakaba sa akin.
Anong gagawin niya? Ano ulit ang gagawin niya?
"Why are you doing this, Ally?" mariin niyang tanong.
"A-anong ibig mong sabihin?" kinakabahan ako.
Umiling siya, "Like what I have said this morning, hindi mo kami madadala sa pagpapanggap mo."
Kumunot ang noo ko. "Hindi ko alam ang sinasabi mo," napatingin ako sa braso kong hawak niya, nang mapansin niya ang tinitignan ko ay binitawan niya 'yon.
"Don't act as if you don't know us! Don't act as if you don't know me! I know you are just pretending and I don't get it why are you doing this!" napasabunot siya sa sariling buhok dahil sa frustration.
Napatitig ako sa kaniya. May kung ano akong napagtatanto tungkol sa sinasabi niya pero paano? Paano nangyari?
Who are you, Kenji Villares?
Umiling ako, "I don't know what are you talking-" he cut me off.
"Liar." Pagkasabi niya no'n ay isang beses pa siyang umiling na para bang disappointed sa akin at saka ako nilampasan.
Naiwan ako roon. Naramdaman kong sumakit ang ulo ko pero hindi ko na iyon ininda. Natulala at napaawang ang bibig. May kung anong kirot akong nararamdaman. Isang salita lang iyon pero grabe ang epekto sa sistema ko. It hurts. You know how it feels when someone called you a liar when you're just saying the truth.
Sa mga sumunod na araw ay halos hindi na ako lumabas ng kwarto. Ni hindi na rin ako makaligo sa dagat. Halos ikulong ko na ang sarili ko sa kwarto. Lumalabas lang ako kapag kakain lang. Nababagot na ako. Gusto ko nang maligo sa dagat at makipag-usap sa mga kasambahay habang pinapanood silang maglinis o gawin ang kanilang trabaho. Pero dahil may iniiwasan ako, hindi ko magawa.
Kapag nasa hapag ay tahimik lamang akong kakain at hindi na sinisikap na makisali sa usapan nila. Ako rin ang nauunang natatapos sa pagkain kaya nakakaalis ako agad doon. Sinikap ko rin na hindi siya tignan kahit isang beses kahit na napapansin ko pa rin ang matatalim niyang tingin.
"Tapos na po ako," sabi ko at tumayo.
Napatingin agad sila sa akin.
"Pero kaunti pa lang ang nakakain mo, hija," si Mommy na sinulyapan pa ang plato ko.
"Busog pa po ako, My. Nagpahatid po kasi ako kanina ng snacks sa kwarto."
Tumango naman si Mommy at wala namang sinabi si Daddy kaya umalis na ako roon.
Ganoon palagi. Isang linggo na rin sila rito at halos ganoon lang ang ginagawa ko. Halos hindi rin sila umaalis ng mansyon dahil nag-umpisa na ang renovation. Ito ang nauna nilang i-renovate dahil iilang kwarto lang naman ang kailangan ng renovation. Pagkatapos ay ang mansyon naman ni Lola ang isusunod.
"Ally."
Halos mabitawan ko ang ice cream na kinuha ko sa fridge nang may magsalita sa likod ko. Kilala ko agad kung sino iyon. Sinara ko ang fridge at saka humarap sa kaniya. Mataman siyang nakatingin sa akin.
Magsasalita na sana siya nang unahan ko siya. "Aakyat na ako," sabi ko at nilagpasan siya.
"Allyson..." tawag niya pero hindi ko na siya nilingon. Nagkunyari na lamang akong hindi siya narinig.
I am trying my best just to don't talk to him. Kahit si Engr. Rhys ay iniiwasan ko. Gaya ni Kenji ay sinusubukan niya rin akong kausapin. Si Architect naman ay hindi weird kaya wala namang rason para hindi siya kausapin.
Mukhang matatagalan pa ako sa ganitong sitwasyon dahil alam kong magtatagal din sila rito para sa renovation.
Sana ay matagalan ko rin ang ganitong sitwasyon.