bc

Forgotten Love

book_age16+
3
FOLLOW
1K
READ
others
love after marriage
second chance
drama
sweet
self discover
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Ally was living peacefully and she likes how peaceful her life was. Not until she met this man who's always mad at her. She didn't know where his anger coming from. Basta simula nang una niya itong makita ay halos hindi na siya lubayan ng masasamang tingin na para bang siya na ang pinakamasamang taong nakilala nito. Na para bang sobrang laking kasalanan ang nagawa niya rito na halos sumpain na siya sa tuwing magkakatinginan sila.

What's the reason behind those glares?

chap-preview
Free preview
SIMULA
It was a normal afternoon. Halos papalubog na ang araw. Kaaahon ko pa lang sa dagat. Pabalik ako sa aming mansyon. Our mansion was just meters away from the shore. I was just in my bikini as I walked towards the backdoor of our house. Inabutan ako ng kasambahay ng puting roba nang makapasok ako. Agad ko itong iniyakap sa aking katawan. Didiretso na sana ako sa hagdan nang marinig ko ang tawag ni Daddy. Nasa unang baitang na ako ng hagdan nang lingunin ko siya. "What is it, Dad?" "Go and change, honey. We have visitors." Visitors? I wanted to ask if who are our visitors but I chose to shut my mouth. Malalaman ko lang din naman mamaya. I nodded as I went upstairs. Dumiretso na ako banyo upang makaligo. Gusto ko pa sanang magtagal sa ilalim ng shower but then I remember may mga bisita nga palang naghihintay. Nang matapos ay nagbihis na ako. Light pink na bestida ang suot ko na abot hanggang sa ankle ko ang haba. Inayos ko ang pagkakatali ng strap nito sa likod ng leeg ko. Inalagay ko ang iilang takas ng buhok sa likod ng tainga ko. Isang beses ko pang pinasadahan ng tingin ang kabuuhan ko sa salamin bago nagpasiyang lumabas na. Hindi pa ako nakararating sa hagdan nang makasalubong ko ang isa sa mga kasambahay. Ilang taon lang yata ang tanda ko sa kaniya. Ngumiti siya agad nang makita ako. "Ay sakto, Ma'am, at pababa ka na. Pupuntahan sana kita sa kwarto mo dahil pinapatawag ka ng daddy mo," nakangiting aniya. Tumango ako, "Naroon na ba ang ang mga bisita?" Agad siyang pinamulahan ng pisngi. "Opo, Ma'am. Ang guguwapo nga po e," she giggled. Natawa ako sa kaniyang reaksyon at saka umiling. "Okay," ani ko at saka nauna nang bumaba. "Nasa dining room na po sila, ma'am at ikaw na lang ang hinihintay," dagdag niya. Hindi na ako sumagot at bumaba na lang. Sa sala pa lang ay dinig ko na ang mga boses ng mga nag-uusap sa dining room kaya dumiretso na ako roon. Papasok pa lang ako ay tanaw ko ang likod ng tatlong lalaki na nakaupo na. Si Daddy ang nasa kabisera at nasa kanan niya si Mommy. Sa harap naman ni Mommy ang tatlong lalaki. Si Mommy ang nakaharap sa akin kaya siya rin ang unang nakakita sa akin. Agad niya akong nginitian. "Oh, narito na pala si Ally," nakangiting aniya at inilahad pa ang kamay sa akin na para bang itinuturo ako. Sabay-sabay na lumingon sa akin ang tatlong lalaki pati na rin si Daddy. Kitang-kita ko ang panlalaki ng mata ng nasa gitna. Ang nasa kaliwa niya naman ay palakaibigan na ngumiti at ang lalaking nasa kaliwa ni daddy at kaharap ni mommy ay nangunot ang noo. "Ally," nakangiting tawag ni Daddy. Lumapit ako sa kaniya at humalik sa pisngi. Gano'n din ang ginawa ko kay Mommy bago umupo sa tabi niya. Napabaling ako sa mga lalaking nasa hapag. Hindi pa rin nagbabago ang kanilang ekspresyon. Kumunot ang noo ko. "Anak, naalala mo ang sinabi kong ipaparenovate natin ang mansyon? Pati na rin ang mansyon ng lola mo?" "Yup," tumango ako at sumulyap sa harapan. Ganoon pa rin ang reaksyon. "Uh, well, sila ang kinuha kong engineer at architect para mamahala sa renovation." Muli akong tumango. Tinignan ko ang kaninang nakakunot noong lalaki. Napataas ako ng isang kilay nang mapansin nakatingin na ito nang masama sa akin. Uhm? What did I do? Bukod sa 'yup' ay wala pa naman akong ibang nasasabi, ah? Bakit parang may nagawa agad akong masama sa kaniya? Isa-isa silang pinakilala sa akin ni Daddy. Architect Alex Alejandro, iyong lalaking palakaibigan ngumiti. Engineer Rhys Torre naman ang nasa gitna at Engineer Kenji Villares naman ang panghuling lalaki na kung makatingin ay parang may atraso ako sa kaniya. "And this is my daughter, Allyson." Naglahad ng kamay si Architect Alejandro at tinanggap ko naman iyon. Naglahad din ng kamay si Engineer Torre. Tumingin siya sa akin ng makahulugan ngunit hindi ko iyon naintindihan. Pinagkunutan ko na lang iyon ng noo. Naglahad na rin ako kay Engineer Kenji. Ang akala ko'y hindi niya iyon aabutin kaya babawiin ko na sana nang iangat niya ang kamay. Nagsimula kaming kumain. Tahimik lamang ako dahil hindi naman ako makasali sa usapan nilang halos sa renovation ng mansion umiikot. Paminsan-minsan naman ay sumasali rin si Mommy. Bukod sa hindi ako makasabay sa topic ay naiilang din ako sa maya't-mayang pagsulyap ni Engineer Rhys at halos hindi rin ako lubayan ng masamang tingin ni Engineer Kenji. What the hell? Halos hindi ko na malunok ang kinakain ko dahil sa pagkakailang na nararamdaman. "Saan ba kayo tutuloy?" tanong ni Daddy sa tatlo. "Sa Rivera's, Mr. Del Real," si Architect Alex ang sumagot. Hotel ang Rivera's na nasa kabilang bayan pa. "Bakit doon? Pwede namang dito na lang sa aming mansyon," alok ni Daddy. Nag-angat ako ng tingin kay Engineer Kenji nang magsalita ito. "Hindi na, Mr. Del Real. Ayos na ho kami sa hotel. Tsaka baka makaabala pa ho kami rito," aniya at hindi nakaligtas sa akin ang matalim niyang tingin sa akin. "No hijo, you can stay here. Besides, may iba pa namang bakanteng kwatro rito bukod pa roon sa irerenovate," singit ni Mommy. "Well I guess, we should grab the opportunity, Kenj. You see, hassle kapag babiyahe pa tayo araw-araw sa kabilang bayan," ani Engineer Rhys na sumulyap muna sa akin bago tumingin kay Engineer Kenji. "At tsaka para na rin may ibang makita at makausap itong si Ally rito. Bukod kasi sa mga kasambahay at sa amin ng daddy ay halos wala na siyang ibang makausap. Ayaw kasi lumabas man lang o mamasyal. Kung hindi sa dagat ay narito lang sa loob ng mansion." Napalingon agad ako kay Mommy nang sabihin niya iyon. Kumindat lang siya at muling sumubo. Si Daddy naman ang sunod kong nilingon nang humalakhak siya. "I told you hija, you should at least go out. Shopping or what." Umiling ako, "I told you too, Dad, I don't feel like going out. Besides, I don't have friends to go out with." "Because you don't want to have," umiling din siya. "So you're antisocial, Ally?" si Architect. "Not really. I just prefer staying here." Nakita kong umismid si Engineer Rhys sa sinabi ko. Si Engineer Kenji naman ay mas lalong tumalim ang tingin sa akin. Ano bang problema niya? Kanina pa siya, ah. "So, Engr. Kenji, would you like to stay here rather than in that hotel?" tanong ni Dad. Tumitig muna siya sa akin bago lumingon at tumango. Pumalakpak si Mommy na para bang tuwang-tuwa dahil pumayag sila na rito sila pansamantalang tutuloy. Nagpatuloy ang usapan na tumalon sa ibang topic kaya muli akong nanahimik. Nang matapos maghapunan ay nagpaalam na akong aakyat sa aking kwarto. Maaga pa pero mas pinili ko na ang umakyat dahil hindi na ako komportable sa titig na ibininigay ni Engr. Kenji. Naiwan sila roon sa sala at nagpatuloy sa pag-uusap. Nakahiga na ako nang maalala ang tingin sa akin ng dalawang engineer. It makes me wonder. Kilala ba nila ako? Saan nila ako nakilala? Kailan? Paano? I don't even know them. They are a complete strangers to me. But then again, I remember those piercing eyes glaring at me the whole time. Pati na rin ang reaction ni Engr. Rhys. Para bang gulat na gulat siya nang makita ako. Para bang hindi niya inaasahan na makita ako. Ipinilig ko ang ulo ko. Baka nagandahan lang sa akin. Pero kung nagandahan, bakit gano'n kung makatingin? Maaga akong nakatulog kagabi kaya maaga rin akong nagising. 5:30 am pa lang nang tignan ko ang wall clock. I usually woke up at 8:30 or 9:00. Maaga lang dahil maaga rin ako natulog. Napagdesisyunan kong magjogging na lang muna since maaga pa naman at para may iba rin akong tao na makita. Tss. Bumangon na ako at nag-ayos ng sarili. Pumasok ako sa banyo para makapaghilamos at toothbrush. Mamaya na lang ako maliligo pag-uwi. Cropped white v-neck shirt paired with black leggings ang sinuot ko at tsaka black sneakers. Usual na outfit ko kapag magjojogging. Dadalhin ko rin ang cellphone at earphones ko para may papakinggan ako. Pagbukas ko ng pinto ay siya ring pagbukas ng pinto ng kaharap na kwarto. Nag-angat ako ng tingin at nagulat pa ako nang makita si Engr. Kenji. Medyo magulo pa ang kaniyang buhok at halatang kagigising lang. Nagtaas siya ng isang kilay sa akin. "G-good morning...?" nag-aalinlangan kong bati. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuhan ko. Nang magtama ang tingin namin ay muli siyang nagtaas ng kilay. Akala ko ay babatiin niya ako pabalik pero tinalikuran niya lang ako saka naunang pumunta sa hagdan para bumaba. Tss. Ang sungit. Ayos lang. Hindi naman nakamamatay ang hindi batiin ng good morning. Umirap ako at tsaka bumaba na rin. Naabutan ko siya sa sala at kausap na si Mommy. Namataan agad ako ni Mommy kaya kumaway siya. Lumingon naman si Engr. Kenji at hayan na naman ang titig niyang nanunusok. "Good morning, Mom," bati ko at humalik sa pisngi. "Good morning." Huh! Buti pa si Mom bumabati ng good morning. Hindi katulad ng isa r'yan. "Ang aga mo yata ngayon. Jogging?" tanong niya nang mapansin ang suot ko. "Yes, Mom. Maaga rin po kasi akong natulog kagabi kaya maaga rin ako ngayon. I decided to go jogging today." Tumango siya at bumaling sa isa pang nasa harap namin. "Oh, Ally, hindi mo man lang binati si Engr.?" Kung hindi lang nakatingin si Mommy ay paniguradong umirap na ako. Kung alam mo lang, My. Pilit akong ngumiti at tsaka tinignan si Engr. na hanggang ngayon ay madilim pa rin ang titig. "Morning." "Good morning," he nodded. Tss. Nagpaalam na ako sa kanila na lalabas na. May kalayuan ang bahay sa mismong gate namin. May mga artificial na halaman din ang nagkalat sa paligid. Sementado na ang daan sa labas ng gate. Ang dagat kasi ay nasa likod ng mansyon. May malapit na parke kaya roon ako pumunta. May mangilan-ngilan nang mga tao ang nandoon na siguro ay katulad kong magjojog din. Wala pang vendor dahil masyado pang maaga. Pero may mga nadaanan na akong bukas na lugawan at bakery. Nakailang ikot ako sa park at nang mag-alas syete ay napagpasyahan nang bumalik. Hindi kalayuan ang parke kaya nakauwi ako agad. Pinagbuksan ako ng guard nang makita ako. Sa malayo pa lang ay tanaw ko na ang dalawang taong nag-uusap ilang hakbang mula sa main door namin. Mukhang seryoso ang dalawa sa pag-uusap. Kung hindi ako nagkakamali ay ang dalawang engineer iyon. Engr. Rhys and Engr. Kenji. Dahan-dahan ang lakad ko para hindi ko maagaw ang atensyon nila lalo na at mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan. Ngunit hindi maiwasan na hindi nila ako lingunin at talagang madaraanan ko sila papasok sa mansyon. Heto na naman ang ilang na nararamdaman ko lalo na at silang dalawa na ang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung didiretso na ako papasok at lalagpasan na lang sila o hihinto at babatiin sila. Pero we're not close naman diba? Ba't ko pa sila babatiin? Kaso parang ang rude naman kung lalagpasan ko lang sila? Bago pa ako makapagdesisyon ay tinawag na ako ni Engr. Rhys. "Ally..." Nilingon ko siya at nakita kong may dumaang galit sa kaniyang mata. Hindi ko maintindihan kung bakit. "Bakit?" Hindi ko alam kung bakit ko ako kinakabahan. "Kumusta ka na?" Agad siyang nilingon ni Engr. Kenji at sinamaan ng tingin. Nagkibit balikat lang ang isa. "Uh? Maayos naman?" tugon ko. "Kailan ka pa rito?" tanong ulit ni Engr. Rhys. Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Nagtataka. "Matagal na. Taga-rito ako, Engr. Bakit mo naitanong?" Nakita kong kumunot ang noo niya na para bang hindi tanggap ang sagot ko. What? Did I said something wrong? Napasinghap ako nang lapitan ako ni Engr. Kenji at hawakan nang mahigpit sa magkabilang braso. "Aww," napadaing ako sa sakit. Tinignan ko siya sa mata at halos manginig ako nang makita ang galit, poot at panganib sa mata niya. Hindi ko maintindihan! Natatakot ako sa ipinapakitang galit ngayon at alam kong kita niya ang reaksyon ko. "W-what are you d-doing? W-why?" nagkanda-utal utal na ako sa takot. "Kenj..." mahinanong tawag ni Engr. Rhys at hinawakan ang kamay ni Engr. Kenji para tanggalin ang pagkakahawak sa braso ko. Pero ayaw niyang magpaawat at mas lalo lamang humigpit ang hawak sa braso ko. "Don't play around," mariing sabi niya at kitang-kita ko ang pag-igting ng kaniyang panga. "W-what are you s-saying?" nanginig ang boses ko. Hindi ko alam ang mararamdaman ko! Oo natatakot ako pero may parte sa akin ang nagagalit din dahil hindi ko maintindihan bakit ganito siya. Kagabi ko pa napansin ang matalim na titig niya at hindi ko rin alam kung bakit. Ano bang kasalanan ko sa lalaking ito? Kagabi ko lang siya nakilala pero kung umasta ay para bang sobrang laki ng kasalanan ko sa kaniya! "Don't fool us, Allyson! Just tell us the truth!" mas humigpit ang hawak niya at mas lalong bumaon ang kuko niya sa braso ko. Fuck! Ang sakit. Sobrang bilis na ng t***k ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Napabitaw na rin si Engr. Rhys dahil mukhang napansin niyang walang balak si Engr. Kenji na bitawan ako. "What truth are you saying, Engr. Kenji? I don't understand!" Kahit na kinakabahan ay tumaas na ang tono ng boses ko. Mas lalong dumilim ang titig niya at ngayon ay mas lalong nadepina ang kaniyang panga dahil sa pag-igting nito. "f**k, Allyson! 'Wag mo kaming paikutin at paglaruan. We need your explanations and reasons so tell us!" mas mariing sambit niya na tila ba nagpipigil. "What reasons and explanations are you talking about? I don't understand! Kagabi lang kita nakita! Kagabi ko lang kayo nakita!" ani ko at sumulyap saglit kay Engr. Rhys na umiiling sa akin, tila disappointed. Muli kong binalingan si Engr. Kenji na hindi nagbabago ang ekspresyon. "I don't know you, Engr. Kung hindi ka naman pinakilala sa akin ni Dad kagabi ay hindi talaga kita makikilala! Kaya hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang galit mo sa akin! I don't understand!" frustrated kong sabi. "Stop this, Allyson. Hindi mo kami madadala sa pagpapanggap mo." Halos maiyak na ako sa frustration dahil hindi ko talaga maintindihan! Umiling ako at halos wala nang masabi dahil hindi ko na alam kung paano pa ipapaintindi na hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. "May pinaplano ka ba, huh, Allyson?" mariin ang pagkakabanggit niya sa bawat salita. Nangilid ang luha ko dahil sa sakit ng braso ko. "L-let me go. Nasasaktan ako." "Kenj, enough," awat ni Engr. Rhys. "Bitawan mo ako," halos magmakaawa na ako. Pakiramdam ko ay dudugo na ang braso ko. Pumatak ang luha ko. Bahagya siyang nagulat nang makita niya iyon kaya agad niya akong binitawan. Hinawakan ko agad ang braso kong sobrang sakit. Nang tignan ko iyon ay napasinghap ako. s**t! Sobrang namumula at bakat ang kuko niya roon. May kaunting dugo na rin doon. Nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya ay kita kong sa braso ko rin siya nakatingin. Napaawang naman ang bibig ni Engr. Rhys na nakatingin din sa braso ko. "s**t," mahinang mura ni Engr. Rhys. Umiling ako. "I don't really understand what's up with you, Engr. Villares. I don't know why you are glaring at me the whole time. I don't know where your anger coming from. I don't even know you. Besides on your name, of course. I just... I just don't understand. Really," iling ko bago sila talikuran.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.2K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.3K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.9K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook