Lumipas pa ang mga oras, naghapunan na sila pero hindi kinikibo ni Sasha si Diego "Mahal ko" ani ni Diego "Paabot naman ako ng rice" "Hindi mo ba abot?" "Masakit kasi braso ko" "Gusto mo pilipitin ko yang braso mo? Nang matuluyan ang pananakit niyan" "Ang violent mo naman Mahal ko" "Tigilan mo ako Diego Silang" Ngumiti naman si Diego "Eto naman si Gabriela Silang, matampuhin" Tumingin siya kay Diego na ngingiti ngiti, piningot niya ito sa tenga "Ang kulit mo" "Aray!" ani ni Diego sabay hawak sa tenga "Mommy" ani ni Abby "Inaaway ka ba ni Daddy?" "Nak" ani ni Diego "Ako yung piningot ng Mommy mo, ako pa yung nang-away?" "Oo Abby, inaway niya ako" ani naman ni Sasha "Daddy bad yun diba?" "Opo anak, bad yun at bad din ang nananakit" ani ni Diego sabay tingin kay Sasha "Magsorry

