Chapter 1 - PAGKIKITA
Maya Maya dumating na si Diego " Bigyan mo kasi ako ng sticker dito sa village mo" ani ni Diego
" Taga dito ka" ani naman ni JC " At saka bakit andito ka nga pala? Hindi ka pumasok
" May problema ako "ani ni Diego kay JC sabay upo sa sofa
" Ano?"
" Yung anak ko darating "
" Anak? " gulat na ani ni JC " Kailan ka pa magkaroon ng anak?"
" Ngayon Lang , ngayon ko lang nalaman na may anak pala ako"
" Kanino?"
" Kay Luisa"
" Sinong Luisa?"
" Yung Filipina HR natin sa Switzerland
" Naging jowa mo ba yun"
" Hindi , nagka one night stand lang kami"
" Anak ng....alam mo Diego malabo yan, paano mo nasigurado na anak mo yun?"
" Ako ang nauna,okay na?"
" Kahit na , Malay mo kung after mo nagkaroon ng iba"
" Ewan ko JC, anong gagawin ko?"
" Hindi ko alam sayo, kailan ba darating?"
" Sa susunod na araw na"
" Eh bakit darating?"
" Iiwan na raw niya sa akin ang bata, mag - aasawa na raw siya , mas maigi na raw na sa akin ang bata"
" Hindi ba tanggap ng magiging asawa niya ang anak niya?"
" JC h.indi ko alam, hindi pa kami masyadong nakakapag - usap"
" Okay fine , magrelax ka muna" ani ni JC ,siya namang pasok nina Liezl at Sasha karga si Baby Callie
" O Diego andito ka pala" ani ni Liezel , tumayo naman Diego at bumeso kay at naupo ulit,tumingin naman si Liezl Kay Sasha
" Bihisan mo na siya " ani ni pamilya
" Naku, yang Si Diego may anak pala ani JC
" Talaga? Ilang taon na ?"ani ni Liezl
" Three " sagot ni Diego
" Girl or Boy?
" Girl ,Abigail Louise "
" Eh nasaan ? Ipasyal mo dito"
" Naku Wifey " natatawang ani ni JC " Hindi pa niya nakikita ang anak , nasa Switzerland pa"
" Talaga?" ani ni Liezl
" Anong gagawin ko ?" naiiyak na ani ni Diego
" Ayaw mo ba sa anak mo? ani ni Liezl
" Hindi naman sa ganun pero kasi alam mo na "
ani ni Diego nang biglang sumulpot si Callie na nakadiaper lang at hindi pa nagsusuklay habol habol ni Sasha
" Callie, maghibis na " ani ni Liezl
" Lika na " ani ni Sasha sabay buhat Kay Callie at balik na sa kwarto ng bata , Hindi niya napapansin ang kausap ni JC at Liezl , pati Si Diego ay hindi napapansin sa lalim ng iniisip
" JC samahan mo naman ako " ani ni Diego
" Ayoko nga"
" Naman to eh " maktol ni Diego, natawa naman si JC
"Oo na sige na , sasamahan na kita, gusto ko ring makita ang pamangkin ko sayo"
" Bwisit ka "
" O bakit?"
" Nag - aasar ka pa eh" ani ni Diego, siya nanamang labas ulit ni Callie at tumakbo sa mga magulang
" Come here let's play" ani ng Sasha , napatingin naman si Diego dito at natulala, napansin naman Ito nina JC at Liezl , nagkatinginan silang dalawa, napatingin Rin sa Sasha sa bisita, namilog ang mga mata niya at napangiti,
eto yung sinisilip niya sa coffee shop na kasama ni JC
" H - Hi " ani ni Diego kay Sasha
" H -Hello Sir"
" Don't call me Sir I am not a teacher" ani ni Diego , pigil naman ang tawa ng mag - asawang JC at Liezl
" Po?! " ani ni Sasha
" I mean call me Diego
" Diego ? Ang tapang ng pangalan mo"
" Ahhh, don't mention it, atapang atao talaga ako"
ani ni pa ni Diego na nalakihan pa ang boses
" Huy " ani ni JC
" Ano ba? ani ni Diego sabay tingin ulit kay Sasha " Don't mind him"
" Sasha , ipasok mo na si Callie sa kwarto ko ani ni JC
" Sasha ?" ani ni Diego " Ang ganda ng pangalan mo, sing ganda mo , ay hindi mas maganda ka pa rin "
" S- sige Sir, nice meeting you" ani ni Sasha saka kinuha si Callie" Play tayo baby " ani pa nito kay Callie
" Pey?"
" Yes Play " ani pa nito sabay talikod na
" JC ,siya Yun ,siya yung sinasabi ko sayo"
" Sinasabing ano?"
"Paano pa ako mag - asawa nito? Sana hindi akin yun "
" Eh paano kung sayo ?" ani ni Liezl
" Kasi naman , bakit ngayon pa?" ani ni Diego nailing naman ang mag - aswawng JC at Liezl
Dumating ang araw ng dating ni Luisa at anak raw ni Diego, sinunod ito nila sa airport maya maya ay nakita na niyang papalapit na babae at hawak sa kamay ang isang bata
" s**t Diego" bulong ni JC " Mukhang pinagbiyak kayo nung bata"
" Tumigil ka nga" ani ni Diego, pero sa totoo lang napansin niya rin yun
Ilang sandali pa ay nasa harapan na nila ng mag - ina
" Hi Diego" ani ni Luisa
" Hi Luisa" ani ni Diego
" Hi JC"
" H - Hi " hindi alam ni JC na kilala pala siya nito
" Abby , say hi to your Daddy" ani ni Luisa sa anak
" Where is my Daddy?"
Naupo Si Diego at tinitigan ang bata " Hello Abby"
" Are you my Dad?"
" Y- Yes i am " ani ni Diego, bigla namang yumakap ang bata sa kanya, napilitan siyang yakapin Ito
" Daddy " ani ng bata
" Ahm, do you know how to speak tagalog?"
" Opo"
" Very Good" ani ni Diego saka tumayo " Saan kayo tuloy?" ani pa ni Diego kay Luisa
" Nakapagbook na ako ng hotel, dun kami tuloy ngayon, gusto ko sana mag - stay ka dun tonight dahil bukas na rin ng umaga flight ko pabalik"
" Ha? Bukas na agad, hindi pa kami masyadong nagkakilala ng anak mo"
" Anak mo rin siya, nakaya mo ngang buuhin siya eh di kaya mo ring magpakilala sa kanya " ani ni Luisa hindi naman na nakakibo si Diego.