Kumain muna sila sa isang restaurant saka inihatid muna nina JC at Diego sina Luisa sa hotel
"Mommy, where's daddy?" ani ni Abby
"Baby, he will go back here, don't worry, you take a rest first okay?"
"Mommy, we will stay with Daddy?"
"Ahm, Abby, Mommy will go back to Switzerland, you will stay here with Daddy for a while"
"But why?"
"Ahm, because Mommy needs to work, to provide for you, to buy you foods, beautiful dresses and toys, you want that right?"
"I want to be with you also" malungkot na ani ng bata
Hindi na nakakibo si Luisa, niyakap niya lang ang anak, maya maya ay pinatulog na niya ito, lumipas pa ang mga oras, bumalik naman si Diego sa hotel after niyang ihatid si JC, nagdala na lang din siya ng pampalit
"Let's talk Luisa" ani ni Diego "I wanna make sure na anak ko nga si Abby"
"What do you want? A DNA?"
"Yes"
"Babalik na ako bukas sa Switzerland, ikaw na ang bahala dun, ipa-DNA mo na lang siya kung yun ang gusto mo"
"Bakit ba nagmamadali ka? Hindi ko alam kung paano mag-alaga ng bata"
"Kaya mo na yan"
"Bakit ka nga nagmamadali?"
"Next week na ang kasal ko, 1 month pregnant na rin ako"
"Eh paano si Abby? Alam niya ba?"
"Ang alam niya lang babalik ako sa Switzerland to work for her, to provide for her needs, bukas pag gising niya wala na ako"
"Paano kung umiyak siya?"
"Patahanin mo, anak mo siya, naniniwala akong maaalagaan mo siya, mabait naman si Abby, may pagkamakulit nga lang, which is normal naman sa isang bata"
"Naguguluhan pa rin ako Luisa"
"Maliliwanagan ka rin" ani ni Luisa sabay kuha ng bag niya
"Saan ka pupunta? ani ni Diego
"Sa airport"
"Akala ko ba bukas pa ang alis mo"
Napabuntunghininga si Luisa "Nagparebook ako, Harold needs me asap"
"My God Luisa, sigurado ka ba? Bumiyahe ka lang ba para ihatid si Abby dito? At talagang matitiis mo?"
"I have my life Diego, parehas nating hindi alam na magbubunga ang isang gabing yun, pinili kong buhayin ang baby, pero hindi ko kayang maging ina sa kanya, mula nuon hanggang ngayon, pero mahal ko siya, kaya lang... "
"Bakit? Pero dyan sa dinadala mo kaya mo"
"Dahil mahal ko si Harold"
"Pero anak mo rin si Abby, sayo siya lumaki"
"Hindi lang ako ang magulang ni Abby, mahal ko si Abby dahil anak ko siya, pero hindi ko kayang maging ina sa kanya, mas magandang ikaw na lang ang mag-alaga sa kanya dahil ikaw ang ama niya, hindi rin siya gusto ni Harold"
Parang nakaramdam ng awa si Diego para sa bata "Ganun na lang yun Luisa? Parang bagay lang si Abby para sayo"
Tumulo ang luha ni Luisa "Mahirap din sa akin to Diego, pero kailangan kong mamili, at si Harold ang pinipili ko, alagaan mong maigi si Abby, wag mo siyang pababayaan" ani ni Luisa sabay labas ng pintuan ng kwarto, napaupo na lang sa sofa si Diego, mula sa sofa ay kitang kita niya ang batang walang kaalam alam sa buhay
Lumipas pa ang mga oras, alas tres nang madaling nang makarinig si Diego nang parang umiiyak, nakatulog na pala sa may sofa, dumilat siya bumangon, nakita niya ang bata na nakaupo sa kama at umiiyak, nilapitan niya ito
"Ssshh, don't cry baby"
"Daddy, where's Mommy, did she leave me already?" tanong ng bata, niyakap niya ang bata, awang awa siya rito
"Ahm, we need to fix your things and we will go to my house okay?"
"Daddy where is your house?"
"Ahm malapit lang" ani ni Diego pero nakatingin lang ang bata sa kanya "Do you understand me?"
"Yes"
"Ahm you told me that you know how to speak tagalog diba?"
"Opo"
"Okay, mamaya aalis tayo, pupunta muna tayo kina Tito JC"
"Tito JC?"
"Opo, alam mo may baby rin siya, si Baby Callie, pwede kayong magplay"
"Really Daddy?"
"Yes" ani ni Diego, lumapit ang bata sa kanya saka yumakap
"Daddy please don't leave me" ani ng bata, niyakap rin ni Diego ang bata pero hindi niya sinagot ang sinabi nito, inayos na nila ang mga gamit at umalis na, sobrang aga pa para magpunta kina JC kaya kumain muna sila sa McDonalds
"Daddy, thank you for buying me pancakes, I really love it" nakangiting ani ng bata
"O sige eat ka lang ng eat"
"You Daddy, hindi ka po ieat?"
"Coffee lang ako"
"Daddy pag uwi sa house mo magwowork ka rin?"
"Hmm, sa ngayon hindi, kasi nakaleave ako"
"Pag nagwork ka may kasama ako sa house?"
"Yun nga eh, hahanap ako ng makakasama mo okay?"
"Sa house namin ni Mommy minsan wala akong kasama pag nagwowork siya"
"Ha? Talaga?"
"Opo"
"Paano ka pag wala kang kasama?"
"Ako lang mag-isa, nakalock ang door, tapos may food na, tapos call lang si Mommy sa phone"
"Ha?" ani ni Diego, napailing siya, three years old lang kasi si Abby tapos iniiwang mag-isa ni Luisa sa bahay, paano na lang kung magkaroon ng emergency
Lumipas pa ang mga oras, alas sais pa lang nasa bahay na sila ni JC
"Hi" ani ni Diego
"Diego, ang aga mo" ani ni JC, kasunod niya si Liezl
"Ang cute naman ng little girl na yan" ani ni Liezl
"Say hello to Tita Liezl Abby"
"Hello Tita Liezl" ani ng bata, nilapitan nito ang bata
"Hi Abby, how are you?"
"I'm good po"
"You want to eat?"
"Do you have hotdogs?"
"Yes meron kami" nakangiting ani ni Liezl
"Abby, kakakain mo lang ah" ani ni Diego
"Yaan mo na bata yan" ani ni Liezl "You want to meet my baby?"
"Yes Tita Liezl, can I play with her?"
"Yes, come" ani ni Liezl at hinawakan sa kamay ang bata
"Daddy don't leave me ha?" ani ni Abby kay Diego
"Yes of course, I won't" ani ni Diego, at umalis na sina Liezl at Abby para puntahan si Callie sa kwarto nito, dun na ito natulog kasama si Sasha, naupo naman sa sofa sina Diego at JC
"Anong nangyari?" ani ni JC
"Umalis na siya kagabi"
"Kagabi?"
"Oo, pagbalik ko sa hotel umalis na agad siya"
"Ano yun? Alam mo kakaiba siya ha? Yung iba gagawin ang lahat wag lang mawalay sa kanila ang anak, eh siya, grabe ahh"
"Ewan ko, tapos alam mo minsan daw iniiwan siyang mag-isa ni Luisa kapag pumapasok ito sa trabaho"
"Ganun? Teka ha? Diego, kamukha mo nga si Abby pero kailangan nating malaman kung anak mo talaga siya"
"Oo alam ko"
"Gusto mo magpaDNA kayo"
"Oo gagawin ko, kahit parang siguradong sigurado naman si Luisa na anak ko ang bata" ani ni Diego sabay iling at buntonghininga.