Pumasok sa kwarto ni Baby Callie si Liezl kasama si Abby, naglalaro naman sina Callie at Sasha
"Hi Callie may bago kang playmate" ani ni Liezl, tumalon talon naman si Baby Callie, lumapit sila sa dalawa at naupo "O Abby, siya si Callie, bale pinsan mo siya"
"Pinsan po?"
"Opo, bale second cousin, kasi magpinsan ang Daddy mo at si Tito JC na Papa naman ni Callie"
"Mam" ani ni Sasha
"Sasha, di ba sinabihan na kita na wag nang Mam ang itatawag mo sa akin"
"Ay oo nga pala, eh Ate, sino ba Daddy nitong cute na to" ani ni Sasha
"Si Diego"
"Si Diego?" ani ni Sasha, at napansin ni Liezl na bigla itong nalungkot
"Wag ka nang malungkot, anak lang ang meron siya" nakangiting ani ni Liezl, kimi namang ngumiti si Sasha
"Asan ang Mommy?"
"Sa work po" sagot naman ni Abby
"Ahh Abby, siya si Tita Sasha, siya ang nag-aalaga kay Callie"
"How old is Callie?" ani ni Abby
"One year and six months"
"Pey" ani ni Callie kay Abby at binigyan ito ng toy, lumapit naman si Abby kay Callie at naglaro na sila, medyo lumayo naman sina Sasha at Liezl
"Alam mo anak yan ni Diego dun sa dating kaopisina nila, one night stand daw sabi ng Kuya JC mo, pero eto na, alam ko kukumbinsihin ni JC si Diego ipaDNA ang bata"
"Hala, paano kung hindi pala sa kanya tapos ang alam ng bata siya ang Daddy nito?" ani ni Sasha, nagkibit balikat naman si Liezl
Maya maya ay lumabas na sila para mag-almusal, wala naman sina Norma at Nenita dahil madaling araw palang ay umalis na ang dalawa at may pupuntahang kaibigan sa Bulacan, sabay sabay na silang kumakain
"Wow hotdogs" ani ni Abby
"Para ka namang hindi kumakain ng hotdog" ani ni Diego kay Abby habang nilalagyan ito ng hotdog at rice
"Wrong ka po Daddy, madalas po hotdog ang ulam ko"
"Naku, hindi pwede yun, baka magkasakit ka" ani ni Diego
"Tita Sasha" ani ni Abby "Pwede po kaming magplay ulit ni Callie?"
"Opo naman" nakangiting ani ni Sasha
"Sa Switzerland po wala po akong playmate, mag-isa lang ako madalas sa house"
Nagkatinginan naman sila dahil sa sinabi ng bata "Eat ka na" ani ni Diego
"Eh Diego, paano pag papasok ka sa opisina, saan mo siya iiwan?" ani ni Liezl
"Yun nga, magleleave muna ako hanggat wala akong mapag-iiwanan sa kanya"
"Pwede naman na dito siya" ani ni Sasha, nagtinginan naman sa kanya ang tatlo "S-Sorry po, suggestion lang naman po, para makapagwork po si Sir Diego"
Ngumiti naman si Diego kay Sasha "Sasha call me Jigs" ani nito sabay kindat, tila kinilig naman si Sasha
"Jigs Jigs ka pa dyan, batukan kita eh" natatawang ani ni JC
"Okay lang sayo Sasha na maiwan dito si Abby?" ani ni Liezl
"Okay lang naman po Ate, eh alanganin na rin naman po sa enrollment eh, para may kalaro po si Callie na mas malapit sa age niya"
"Sabagay nga, saka kawawa naman siya" ani ni Liezl sabay tingin sa bata na kumakain ng hotdog habang sinesenyasan si Callie na tawa naman ng tawa napangiti si Liezl at tumingin sa asawa "Tingnan mo silang dalawa" ani ni Liezl
"Kanina ko pa nga sila tinitingnan eh, ang kucute nila noh?"
"Kaya nga eh" sabay tingin kay Diego "Huy Diego, mabuti pa magpahinga ka muna, mukhang wala ka pang tulog"
"Halata ba? Naku nakakahiya naman kay Sasha" ani ni Diego, napangiti ulit si Sasha
"Diego tigilan mo yang kalandian mo"
"JC, may bata ano ka ba?" ani ni Diego sabay ngiti kay Sasha
"Makinig ka kasi sa akin, matulog ka at mamaya pupunta tayo sa Testing Clinic"
"Sige, salamat" ani ni Diego sabay tingin ulit kay Sasha "Sasha sama ka?"
"Hoy Diego" ani ni JC "Tigilan mo yang bata, mag-aaral pa yan"
"Grabe ka JC ah" ani naman ni Diego
"Hubby" bulong ni Liezl "Mukhang crush nila ang isat-isa"
"Oo nga" ganting bulong ni JC "Inaasar ko lang tong si Diego" nangingiting ani ni JC
"Daddy" ani ni Abby "Swimming tayo"
"Twim Twim" ani naman ni Callie
"Mamaya na Abby ha?" ani ni Diego "Magpapahinga muna ako saglit tapos may pupuntahan tayo"
"Daddy mamasyal po tayo?"
"Ha? Eh sige mamamasyal tayo pero may dadaanan muna tayo"
"Sama natin si Tita Sasha saka pinsan ko?"
"Oo ba" ganadong sagot ni Diego, nangingiting naiiling naman ang mag-asawang JC at Liezl
"O siya sige Abby, papasyal kayo ng pinsan mo mamaya ha?" ani ni JC
"Thank you po Tito JC"
"O eat ka na, tapos eat ka rin ng fruits ha?"
"Opo"
Lumipas pa ang mga oras, pagkatapos magpahinga ni Diego ay naligo na siya, buti na lang ay nakapagdala siya ng gamit, maya maya ay lumabas na siya, nakita na siya si Sasha kasama sina Abby at Callie na nakabihis na, napangiti siya ng makita si Sasha, unang kita palang niya dito nuon habang kausap ni Sally ay hindi na niya ito nakalimutan, hindi niya ineexpect na magkikita ulit sila nuon, nawalan na rin siya ng pagkakataon na itanong nuon kay Sally si Sasha dahil nung magtanong yung isang office mate nila ay binara ito ni Sally
"Daddy" ani ni Abby nang makita siya at tumakbo ito sa kanya, binuhat niya ang bata, yumakap naman ito sa kanya
"Naligo ka?"
"Opo, nipaligo ako ni Tita Sasha, she's so kind and sweet Daddy"
Ngumiti si Diego "Talaga Abby?"
"Opo" sagot ng bata, siya namang labas nina ni JC at Liezl
"O lika na" ani ni JC "Yung montero na lang dalhin natin, ako na ang magdadrive, ipapasyal ko ang pamangkin at anak ko"
"Anak?" ani ni Abby
"Opo, anak ko kasi si Baby Callie"
"Daddy anak mo rin ako tama?" ani ni Abby kay Diego, ngumiti si Diego sa bata
"Alam mo madaldal ka, lika na" ani niya, hindi niya masagot ang bata dahil hindi niya alam kung anak niya nga ito
Umalis na nga sila, magkatabi sila Diego at Sasha sa gitna kasama ang dalawang bata
"Sasha, mag-aaral ka pala ulit?" ani ni Diego
"Opo, gusto ko po kasing makatapos, one year na lang naman po, si Tita Nenita na raw po ang bahala sa akin, kaya talagang malaki ang utang na loob ko sa kanila" nakangiting ani ni Sasha
"Sasha, pwede wag mo na ako i-po at opo hindi naman tayo nagkakalayo ng edad eh"
"Hoy!" natatawang ani ni JC "Anong hindi nagkakalayo ng edad?"
"Wag kang ano dyan John Carl Cristobal" ani ni Diego sabay tingin kay Sasha "Ha?"
"Sige"
"Tita Sasha magplay tayo ah?" ani ni Abby
"Sige ba"
"You're so kind and sweet, sana ganyan din si Mommy, kaya lang lagi siyang busy, hindi niya ako pinapasyal"
"Eh nagwowork ata ang Mommy mo eh"
"Opo, pero love ako ni Mommy, sabi niya po"
"Lahat naman siguro ng Mommy love ang baby nila" ani pa ni Sasha, ngunit sa totoo lang, parang nakikita niya ang sarili kay Abby nuon nung iwan sila ng Mama at Papa nila, ang pinagkaiba lang andito si Diego para kay Abby.