Pagkagaling sa DNA Testing clinic ay nagpunta sila sa mall, si JC na ang nagtulak ng stroller ng anak, habang si Abby ay nakahawak naman sa kamay ni Sasha, maya maya ay nagreklamo ang bata
"Daddy I'm tired na"
"Sige maiwan ka dyan" sagot ni Diego
"Hoy Diego, pagod na ang bata" ani naman ni JC kaya napilitan si Diego na buhatin ito
"Nakakainis" bulong niya pero narinig siya ni Abby at nangilid ang luha
"Daddy galit ka po ba?"
"Ha?" tila nakaramdam ng awa si Diego "No, hindi ako galit basta wag kang masyadong makulit okay?" ani pa niya, tumango naman si Abby
Dinala nila ang dalawang bata sa play pen, pagkatapos ay sa labas na sila nagdinner, halos alas otso na nang makauwi sila sa bahay nila JC
"Daddy dito tayo isleep?" ani ni Abby
"Hindi, uuwi na tayo sa bahay ko" sagot ni Diego
"Wag na tayo umuwi dito na lang po tayo"
"Abby diba ang sabi ko wag makulit?"
"Opo" malungkot na sagot ng bata
"Diego" bulong ni JC "Alam ko wala kang alam sa pagiging ama, pero sana habaan mo ang pasensiya sa bata"
"Yun naman ang ginagawa ko"
"Eh paano nga kung anak mo talaga siya?"
"Anong magagawa ko?"
"Diego, I know, mapapamahal rin sayo ang bata, lovable naman siya eh, at normal sa mga bata ang pagiging makulit" ani ni JC, tumango naman si Diego, tumingin naman si JC kay Abby at kinawayan ito, lumapit naman ang bata sa kanya, binuhat naman ito ni JC "Balik ka na lang bukas ha?" ani nito sa pamangkin, napatingin naman ito kay Diego
"Sige babalik tayo, iiwan kita dito pag pasok ko sa office, tapos susunduin na lang kita" ani ni Diego kay Abby
"Diego, dito kaya kayo mag-stay bukas till weekend, hindi naman makakapunta sina Hannah kasi may out of town naman sila, may convention sina Jake at Kuya Marco sa Baguio kaya isasama na lang ang pamilya, sinasama nga kami eh pero sabi ko hindi na muna kasi nga diba nagkaproblema nga kami sa paghuli kay Sally" ani ni JC saka binaba ang pamangkin
"Nakakahiya naman kay Tita Nenita"
"Si Mama pa ba? I'm sure okay na okay sa kanya, mahilig sa tao yun eh, yun nga lang ewan ko kung tao ka"
"Tado ka ahh, pinsan mo ako ahh" natatawang ani ni Diego
"Joke lang, basta suportado kita, pero sana nga anak mo si Abby"
"Sana nga, sa totoo lang gusto ko siyang tawaging anak, pero paano nga kung hindi pala? Kasi kung hindi ko siya anak, ibabalik ko siya kay Luisa, kahit parang ngayon pa lang napapamahal na siya sa akin, eto kasi ang ayoko, yung mapamahal siya sa akin tapos hindi pala siya sa akin, wala pala talaga akong karapatan sa kanya"
"Don't worry, three days from now, malalaman na natin kung anak mo talaga siya"
Lumipas pa ang oras nakauwi na sa condo si Diego kasama si Abby
"O Abby, matulog na ha? Lilinisan muna kita" ani ni Diego, hinuhubaran na niya ang bata para malinisan, kinuhanan niya pa ito ng towel, binalot niya ang bata ng towel at pinatayo sa sofa, hinahanap niya ang bag nito "Abby asan ang bag mo? Ang mga damit mo?
"Daddy hindi ko po alam"
"Anong?" ani ni Diego at natapik niya ang noo "Naiwan natin kina Tito JC ang gamit mo"
"Daddy wala akong damit?"
"Wala, anong isusuot mo?"
"Etong towel"
"Naku hindi pwede" ani ni JC saka pumunta sa may cabinet niya at kumuha ng pambahay na tshirt, pinunasan niya si Abby at isinuot ang tshirt niya dito, natural na malaki ang tshirt sa bata, hindi pa nga makita ang paa nito, hindi niya mapigilan ang matawa
"Daddy bakit ka po tumatawa?"
"Wala, ang cute mo kasi, mukha kang pulubi"
"Ano po yun?"
"Beggar"
"Kasi ikaw naiwan mo damit ko eh"
"Hindi mo pinaalala sa akin eh" ani ni Diego, napakamot naman ng ulo si Abby "Lika na" ani niya ulit at binuhat ang bata at dinala sa kama "Higa na"
"Daddy suklay"
"Magsusuklay ka pa, matutulog na lang eh"
"Daddy gugulo hair ko eh"
"Opo na po" ani ni Diego at sinuklayan ang bata "Okay na"
"Okay na" nakangiting ani ng bata
"Higa na, tabi muna tayo ha?"
"Opo" ani ni Abby sabay higa "Goodnight Daddy" ani pa ni Abby sabay nguso, ngumiti si Diego at kiniss sa lips ang bata "Daddy hug mo ako"
"Sige ihahug kita, iooff ko lang ang ilaw" ani ni Diego at inoff na ang ilaw saka nahiga, niyakap niya ang bata at kinumutan "Kumot ka Abby, baka mahanginan ka, wala ka pa namang panty" natatawang ani ni Diego "Wag ka iihi sa kama ah?"
"Ikaw din Daddy wag ka iihi sa kama"
Kiniliti ni Diego ang bata "Hindi ako umiihi ah" natatawang ani ni Diego "Sleep na, babalik tayo bukas kina Callie para may kalaro ka" ani pa niya sabay yakap dito, maya maya ay tulog na si Abby, napangiti si Diego "Ganito pala ang maging Daddy tapos makulit ang baby, hays! Ako na ang dakilang single dad" bulong niya sa sarili, maya maya ay tulog na rin habang yakap si Abby
Kinabukasan, alas syete pa lang ay nasa bahay na nina JC sina Diego at Abby, si Sasha pa ang nagbukas ng pinto para sa kanila, nagkangitian silang dalawa
"Hi Sasha, Good Morning" ani ni JC
"Good Morning din" nakangiting ani ni Sasha saka napatingin kay Abby "Baby, ano yang suot mo?" natatawang tanong niya
"Si Daddy kasi, niiwan niya mga things ko" sagot ni Abby
"Kasalanan ko nanaman" ani ni Diego, siya namang labas nina JC at Liezl
"O bakit andyan kayo?" ani ni JC
"Anong nangyari sayo?" ani ni Liezl kay Abby
"Wala akong damit, hindi naalala ni Daddy kaya eto lang damit ko, ang laki, wala rin akong panty, pero hindi po ako nagwiwi sa bed"
"Ang bait naman, hindi nagwiwi sa bed, buti hindi ka hinangin" natatawang ani ni Liezl
"Ihahagis ko siya sa labas pag umihi siya" natatawang ani ni JC
"Nihug ako ni Daddy saka may kumot para walang hangin" ani ni Abby, napakamot naman sa ulo si Diego, nagtawanan naman ang mga kasama
"Ang daldal mo Abby" ani ni Diego, pinisil naman siya ni Abby sa pisngi, hinalikan naman niya sa leeg ang bata "Kulit kulit"
"Lika Abby, bihisan kita" ani ni Sasha, sumama naman si Abby kay Sasha at yumakap
"Tita Sasha magsuswimming ako"
"Sige mamaya pag gising ni Callie"
"May binili akong bathing suit for you and Callie" ani ni Liezl kay Abby
"Yun na po suot ko ah?"
"Sige" ani ni Liezl "O Tita Sasha nasa kwarto na ni Callie yung bathing suit, isuot mo na sa kanya, may robe din dun"
"O thank you ka kay Tita" ani ni Sasha kay Abby
"Thank you Tita Liezl" ani ni Abby, hinalikan naman ito ni Liezl sa pisngi
"You're welcome" ani ni Liezl, dinala naman na ni Sasha si Abby sa kwarto ni Callie
"Yes, Daddy Diego" natatawang ani ni JC, napangiti naman si Diego at nailing