Chapter 5 - EMAIL

954 Words
Pinuntahan ni Diego sina Sasha at Abby sa kwarto ni Callie, kasalukuyan namang binibihisan ni Sasha ang bata ng bathing suit, two piece ito na stripe na white and pink "Daddy look o" ani ng bata "Ang cute mo naman" natatawang ani ni Diego "Parehas kami ni Callie, maya pag gising niya susuot niya din" "Opo sige" ani ni Diego sabay tingin kay Sasha "Ahm Sasha, salamat sa pag-aasikaso kay Abby ahh" "Wala yun Diego, okay lang" "Yaan mo babawi ako, saka pag nakahanap naman ako ng mag-aalaga sa kanya hindi na kami mang-iistorbo dito" Tumayo si Sasha at lumapit kay Diego "Okay lang naman kahit andito siya, mahirap humanap ng mapagkakatiwalaan ngayon, hindi naman alagain ang bata, nakakatuwa nga siya kasi medyo independent na rin siya" ani ni Sasha, hindi naman kumibo si Diego, nakatingin lang sa kanya "Diego?" "Ay sorry, sorry, ano nga yun?" nakangiting ani ni Diego, hinawakan naman ni Sasha ang pisngi "May dumi ba ako sa mukha?" "Wala, nagagandahan lang talaga ako sayo" "Grabe naman" nakangiting ani ni Sasha "Hindi nga, maganda ka nga, ahm Sasha, may itatanong ako" "Ano yun?" "May boyfriend ka na?" "Naku wala, focus kasi ako sa pag-aaral, nahihiya kasi ako kay Ate kasi siya nagpapaaral sa akin nuon" "Ahh okay" ani ni Diego "Tita Sasha hungry na ako" ani ni Abby na nakalapit na pala sa kanila "Okay lika na" ani ni Sasha "Lika Diego kain tayo" ani naman niya kay Diego at sabay na silang lumabas ng kwarto, nakaupo na sila sa dining kasama ang buong pamilya "Diego ang cute ng anak mo" ani ni Nenita "T-Thank you po" ani ni Diego "Anak mo yan" ani ni Nenita sabay kindat, alam kasi nitong nagpa-DNA na ang dalawa "Ahm Tita, pasensiya na po iiwan ko muna siya dito, wala kasi akong mapag-iwanan pa" "Okay lang, ano ka ba? Para kang others, at least may kalaro ang Callie namin" "Yun nga ang sabi ko sa kanya Ma" ani ni JC "Pwede po ba silang mag-weekend dito?" "Oo naman, sabi ko nga the more the merrier diba?" ani ni Nenita "By the way pupunta pala kami sa Thailand ni Ate next week" "Talaga Ma?" ani ni Liezl "Oo, sama kayo?" Nagkatinginan sina JC at Liezl "Naku Ma, busy ako this week, mag-aasikaso kami ng Anniversary Party ng company" ani ni JC "Kayo wifey baka gusto niyo" "Ayoko pag hindi ka kasama" sagot naman ni Liezl "Next time na lang Ma, biglaan rin kasi kayo eh" "Oo nga eh, bigla lang namin naisip ni Ate" "Ewan ko dyan sa Mama niyo, sabi ko nga next time na lang" ani ni Norma "Naku Ate, para matatakan na yang passport mo" natatawang ani ni Nenita, nailing naman si Norma "Tita Sasha, gusto ko na magswimming" ani ni Abby "Ssshh" ani naman ni Diego kay Abby "Hello Abby" ani ni Nenita "Hello po" ani naman ni Abby "Call me Mamita okay?" "Yes Mamita" "Mamaya kayo mag-swimming ni Callie ha? Wait mo siya para may kasabay ang pinsan mo" "Opo Mamita, thank you po" "Awww, ang sweet mo naman Abby" ani ni Nenita, ngumiti naman ni si Abby ng pagkatamis tamis "O Diego friday na ngayon, dito na kayo matutulog ni Abby ha?" "Ahh, s-sige po Tita, thank you po" "Magpapadeliver ako ng pizza" "And spaghetti" masayang ani ni Abby "You want spaghetti baby?" "Yes Mamita" "Di bale, magkucook na lang si Mamita" "Yehey" ani ni Abby saka bumaba sa upuan at nilapitan si Nenita saka yumakap, hinalikan naman sa pisngi ni Nenita ang bata "O eat ka marami ha? Tapos habang nagsuswimming ang mga apo ni Mamita magpapahanda ako ng eclairs" "Wow eclairs" ani ni Abby "Alam mo yun?" "Hindi po, pero it sounds delicious" sagot ng bata, nagtawanan naman ang mga kasama "Abby, go back here na" ani ni Diego "Finish your food na anak" ani niya pa ulit habang nauupo ulit sa tabi niya "Yehey" "Bakit?" "Kasi you call me anak" sagot ng bata, ngumiti si Diego at hinalikan ito sa buhok "Behave ka dito ha?" "Yes Daddy, behave ka rin sa work" Ngumiti si Diego "Opo anak" sagot naman niya, napangiti naman si Sasha sa kanila, naisip niya ang sweet rin pala ni Diego Maya maya ay tapos na silang kumain, nagising na rin si Callie, pinakain muna ito ni Sasha at binihisan dahil magsuswimming sila, paalis naman sina Diego at JC para pumasok, nagsabay na lang sila sa kotse ni JC "Mukhang naiinlove ka na kay Abby ah" nakangiting ani ni JC "Ewan ko JC, mahal ko na si Abby, natutuwa ako sa kanya, at saka natutuwa rin ako pag tinatawag niya akong Daddy" "Sweet kasi ang bata, saka mukhang sabik sa kasama" "Oo nga eh" "Eh paano kung hindi mo pala siya anak?" "Hindi ko na siya ibabalik kay Luisa, ke anak o hindi ko si Abby, hindi ko na siya ibabalik, I doubt na minahal niya ang bata, walang ina ang makakatiis na mawalay ang anak niya sa kanya" "Sigurado ka na ba dyan?" "Oo I am very much willing to be a single dad to Abby" ani ni Diego, ngumiti naman si JC "I support you bro" ani ni JC Lumipas pa ang mga araw, linggo na, nakatingin si Diego sa laptop niya habang nakaupo sa sofa, nilapitan siya ni JC "Inemail na ang result?" ani ni JC "Oo" "Anong result?" "Hindi ko pa binubuksan" "Ano ba naman Diego" "Kinakabahan kasi ako" "Akala ko ba atapang atao ka" "Para tong siraulo eh" "Buksan mo na kasi yung email" "Oo na eto na nga eh" ani ni Diego at nagsimula nang pumindot sa laptop niya, lumipas pa ang mga minuto ay nabuksan na niya ang email, napatakip siya at bibig at hawi ng buhok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD