Chapter 6 - SINGLE DAD

1125 Words
Lumipas pa ang mga araw, linggo na, nakatingin si Diego sa laptop niya habang nakaupo sa sofa, nilapitan siya ni JC "Inemail na ang result?" ani ni JC "Oo" "Anong result?" "Hindi ko pa binubuksan" "Ano ba naman Diego" "Kinakabahan kasi ako" "Akala ko ba atapang atao ka" "Para tong siraulo eh" "Buksan mo na kasi yung email" "Oo na eto na nga eh" ani ni Diego at nagsimula nang pumindot sa laptop niya, lumipas pa ang mga minuto ay nabuksan na niya ang email, napatakip siya at bibig at hawi ng buhok, siya namang pasok nina Liezl, Sasha, Abby at Callie, ipinasyal ni Liezl ang mga bata at binilhan ng mga bagong gamit "Daddy" ani ni Abby sabay takbo sa tabi ni Diego "May doll ako, buy ni Tita Liezl for me, I already said thank you na" Ngumiti si Diego at kinandong si Abby saka niyakap at hinalikan sa anak, tumabi naman si JC sa kanila at sinilip ang nasa laptop, napangiti siya "Congrats Daddy Diego" ani ni JC "She's mine, all mine" ani ni Diego sabay hawak sa magkabilang pisngi ni Abby "Anak, anak, anak, anak" sabay yakap ng mahigpit sa bata "Daddy why?" tanong ni Abby "Nothing baby ko, happy lang si Daddy" "Wow Diego, congrats" ani ni Liezl "Congrats" ani ni Sasha "Thank you" "Daddy happy ka kasi ako ang anak mo?" "Yes Baby Abby ko" "I love you Daddy" "I love you Baby Abby ko" "Daddy may mga dress din ako, ang bait ni Tita Liezl pati ni Tita Sasha, love nila ako" "Love mo rin ba sila?" tanong ni Diego sa anak "Opo love ko po sila pati pinsan ko love ko" "Eh paano ako?" ani ni JC "Love din Tito JC" "Love ko rin siyempre Baby Abby na yan" ani ni JC sabay pisil sa pisngi ng bata "Peplay muna kami ni Callie" ani ni Abby saka lumapit kay Sasha "O lika na, pero magbihis muna saka rest, saka kayo magplay" "Okay po" ani ni Abby habang papasok sila sa kwarto "Single Dad ka na talaga ngayon" ani ni JC, tumabi naman ang asawa sa kanya "Ano wifey? Pagod ka?" "Grabe ang hyper pati ni Callie, malamang pagod din si Sasha, ang anak mo takbo ng takbo" "Tingnan mo" bulong ni JC "Tulala si Single Dad" "Overwhelm siya" "Wag niyo akong pag-usapan mga hinayupak kayo" ani ni Diego na nakatingin pa rin sa kawalan, nagtawanan naman ang mag-asawa "Grabe, anak ko si Abby, akin siya" "O paano yan? Anong plano mo?" ani ni JC "Aayusin ko ang condo, bibigyan ko siya ng sariling space, tapos uuwi kami sa probinsya para magbakasyon, papakilala ko siya sa Lolo niya, tapos pag-aaralin ko siya" "Nax naman, mukhang may patutunguhan na ang buhay mo" ani ni JC "Kailangan may Mommy" ani naman ni Liezl "Mommy?" nakangiting ani ni Diego "Mommy Sasha" "Ulol! Hoy Diego, wag mo sirain ang buhay ng bata" ani ni JC "Grabe ka sa akin ah, bibigyan ko siya ng magagandang buhay" "Hindi mo nga maligawan eh" ngingiti ngiting ani ni JC "Don't dare me bro" "Wow ah" Lumipas pa ang mga oras, gabi na, lumabas naman si Sasha sa may poolside para magmuni-muni, tulog naman na ang mga bata, naupo siya sa may long chair, nakatingin siya sa may tubig nang may biglang tumabi sa kanya "Hi" nakangiting ani ni Diego, ngumiti rin si Sasha "Hi, Anong ginagawa mo dito?" "Eh ikaw anong ginagawa mo dito?" "Wala lang, nagmumuni" "Gusto ko ring magmuni" "Hmm, paano yan? Anak mo talaga si Abby" "I'm really proud na anak ko siya, sweet ang baby ko diba?" "Oo sobra" "Mahilig ka ba talaga sa bata?" "Hmm, oo, mahilig ako sa bata, at saka sa totoo lang nakikita ko ang sarili ko kay Abby, Grade three palang ata ako nung iwan kami ng Papa at Mama namin, at least ikaw andyan ka for Abby, kaya yung pagiging madaldal niya, naiintindihan ko yun, kasi normal naman sa mga bata yun, at siguro excited siya na marami yung sumusubaybay sa kanya ngayon, marami siyang nakakausap, maraming kumakausap sa kanya" "Sasha thank you ah, makakabawi rin ako sayo" "Sus wala yun, hindi naman mahirap alagaan si Abby" "Buti pumayag kang maging Yaya ni Callie" "Buti kinuha nila akong Yaya, sa totoo lang, pagkatapos mahuli ni Ate Sally, hindi ko alam kung saan ako pupunta, kung paano ako magsisimula ulit ng buhay ko, pero hindi ako pinabayaan nila Tita Nenita, at saka at least dito hindi ako namomroblema kung saan ako titira, kung paano ako kakain, at saka hindi naman mahirap alagaan si Callie, saka kapag andito si Ate Liezl, siya ang nag-aalaga kay Callie, pinapabayaan niya akong magpahinga kahit hindi naman talaga ako pagod, nahihiya nga ako eh, hindi nila ako tinuring na iba" "Mabait naman talaga sila" "Diego, asan ang Mommy ni Abby?" "Nasa Switzerland, bumalik agad siya pagkahatid kay Abby, tulog pa nga ang bata nung umalis siya" "Pero, hindi siya hinahanap ni Abby?" "Parang hindi naman, mas hinahanap pa nga ni Abby ang swimming pool" natatawang ani ni Diego "May iba na kasi si Luisa, at yun ang priority niya" "Ganun" ani ni Sasha at napahawak sa dibdib "Kawawa naman si Abby, diba dapat mas pinriority siya? Kasi anak siya, sabagay kami ni Ate nagawa rin iiwan ng parents namin, may mga magulang talagang ganun" "Alam mo mula nang maconfirm ko na anak ko nga si Abby, gusto ko bigyan siya ng magandang kinabukasan, yung mararamdaman niya na hindi siya nag-iisa, na andito lang ako, ang single dad niya" ani ni Diego, nakatingin naman si Sasha sa kanya at napangiti "O, bakit ganyan ka makatingin? Gwapo ko noh?" "Oo gwapo ka, sobrang gwapo mo" Tinapik ni Diego si Sasha sa braso "Uy wag ka namang ganyan, kinikilig ako eh" "Totoo, gwapo ka, sobra, alam mo kung bakit? Dahil marunong kang magpakaama, kahit ngayon mo lang nakilala si Abby, handa ka pa ring maging ama sa kanya" "Salamat, naappreciate mo" "Hindi naman ako madamot sa ganun Diego, kung dapat purihin ang isang tao, pinupuri ko" "Alam mo, sana kung magkakaroon ng Mommy si Abby, gusto ko sana katulad mo" "Ako?" "Oo, mukha kasing mabait kang Mommy" "Talaga? If ever naman magiging Mommy ako, hindi ko iiwan ang anak ko, gaya ng ginawa sa amin ng parents namin" "Very Good ka dyan" nakangiting ani ni JC "Alam mo magpahinga ka na, papasok ka na bukas sa office diba?" "Oo nga susunduin ko na lang si Abby sa hapon, basta Sasha babawi ako sa iyo dahil sa pag-aalaga mo kay Abby" "Wag mo nang masyadong isipin yun" nakangiting ani ni Sasha "Lika na pasok na tayo at magpahinga na" "Lika" ani ni Diego at sabay na silang tumayo at pumasok na sa loob ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD