Chapter 7 - TANONG

1077 Words
Lumipas pa ang mga araw, naging ganun na nga ang routine nina Diego at Abby, ihahatid ni Diego si Abby sa bahay nila JC sa umaga at susunduin sa gabi, isang gabi, kinausap niya si Sasha "Ah Sasha, may sasabihin ako sayo" "Ano yun?" "Nahihiya ako eh" Napangiti naman si Sasha "Ikaw talaga, ang tapang ng pangalan mo pero mahiyain ka" "Eh kasi, gusto sana kitang yayaing lumabas sa sunday" "Sa sunday?" "Oo sana, tayong dalawa lang" "Eh hindi ko alam kung papayagan ako nila Ate Liezl" "Ipapaalam kita siyempre, sasapukin ko si JC pag hindi pumayag" natatawang ani ni Diego "Ay grabe siya" natatawang ani ni Sasha, siya namang labas ni Abby at Callie mula sa kwarto at naghahabulan "Uy baka madapa kayo" ani ni Sasha "Ta pey Te" ani ni Callie "Opo, play kayo ng Ate" ani ni Sasha "Naiintindihan mo siya noh?" ani ni Diego "Oo" ani ni Sasha, siya namang takbo ng mga bata sa paligid nila "Abby anak, tama na uuwi na tayo maya maya" ani ni Diego "Lika Callie, play tayo, cook na lang tayo" ani ni Abby at hinawakan sa kamay si Callie pabalik sa kwarto,!nasalubong naman nila sina Liezl at JC "Yung dalawa o, hindi mapaghiwalay" natatawang ani ni Liezl "Kala mo matigas na ang mga buto, hindi tayo pinansin wifey" Natawa naman si Liezl "Yaan mo na" "JC, Liezl" tawag ni Diego sa mag-asawa "O bakit?" ani ni JC "Ipapaalam ko sana si Sasha, gusto ko sana siyang yayaing lumabas sa linggo, yung kaming dalawa lang, alam niyo na" "Date?" "Eto naman, dineretso pa" "Akala ko ba atapang atao ka?" natatawang ani ni JC "Okay lang, kung gusto naman si Sasha, basta ibabalik mo siya ng buo sa amin" nakangiting ani ni Liezl "Ayy, salamat" ani ni Diego sabay halik sa pisngi ni Liezl "Ang bait mo talaga hipag" "Basta ibalik mo ng buo yan" ani ni JC "Saka pasalubong namin ah" "Ikaw, ewan ko sayo" "Ayaw mo?" ani ni JC "Hindi ako papayag" "Oo na, may pasalubong ka nang lollipop, iyo lang yun, kainin mo ng sabay sabay bwisit ka" gigil na ani ni Diego "Naku hindi na siya nahiya kay Sasha o, tsk" ani ni JC, natatawa naman sina Liezl at Sasha "Ang gago" ani ni Diego "Ang kulit niyong dalawa" ani ni Liezl Lumipas ang mga araw, sumapit ang araw ng linggo, sinundo ni Diego si Sasha, iiwan naman niya si Abby kina Liezl "Hi" ani ni Sasha, napanganga si Diego sa kanya, nakadress siya na maroon at doll shoes na white "Hi, ang ganda naman ng date ko" "Salamat" nakangiting ani ni Sasha "Ano? Lika na?" "Sige, nagpaalam na ako kay Ate, umokay na siya, nasa kwarto nila ang dalawang bata" "Sige lika na, baka makita pa tayo ni Abby sumama pa yun" ani ni Diego at umalis na nga sila Maya maya, hinanap naman ni Abby ang ama "Tita Liezl, daddy ko po?" "Ha? Eh baka andyan lang, dito ka lang laro lang kayo ni Callie dito" "Tita swimming kami mamaya ah?" "Sure Ate Abby" nakangiting ani ni Liezl Lumipas pa ang mga oras, after nilang maglunch, pinatulog na ni Liezl ang dalawa, nakapikit na ang dalawang bata kaya naligo muna siya, pero nagulat siya nang wala na si Abby sa kama, nagbihis siya at lumabas para hanapin ang bata, wala ito kahit sa may pool area, pumunta siya sa may pinto at binuksan yun, nakita niya si Abby na nakaupo sa may hagdan at tahimik na umiiyak "Abby" ani ni Liezl "Bakit?" ani niya saka binuhat ang bata "Si Daddy wala siya, hindi ko makita" iyak na ani ng bata "Iniwan niya rin ako" patuloy na iyak ng bata Pinasok naman ito ni Liezl sa loob at naupo sila sofa "Ssshh, hindi ka iniwan ng Daddy mo, may pinuntahan lang siya" "Wala naman siyang work today Tita, sunday today diba?" "Opo" "Hindi ako love Daddy ko, iniwan niya ako" iyak na ani ng bata "Ssshh love ka ni Daddy, may pinuntahan lang siya, ang mabuti pa sleep ka muna, pag gising niyo ni Callie kain tayo sa Jollibee" "Sama po ako?" "Opo, hindi ka namin iiwan, o sleep na muna tayo" "Tabi tayo nila Callie?" "Opo" ani ni Liezl at tumayo saka binuhat si Abby "Sleep tayo ha?" "Opo" ani ni Abby kaya pumasok na sila sa loob at natulog na Sa mall naman, pagkatapos manood ng sine ay kumain sa isang pizza parlor sina Diego at Sasha "Kain ka lang ng kain ha?" ani ni Diego kay Sasha "Kapag may gusto ka pa sabihin mo sa akin" "S-Sige lang, marami na nga to eh, may pizza, may pasta, may salad pa" "Uubusin natin to, hindi tayo aalis hanggat hindi ubos" "Ay grabe siya" natatawang ani ni Sasha, napatitig naman si Diego sa kanya "Naku Diego tinititigan mo nanaman ako" "Ang ganda mo kasi eh" "Ikaw talaga, lagi mo akong binibiro" "Hindi biro yun, maganda ka talaga" "Salamat, gwapo ka naman" "Talaga?" ngingiti ngiting ani ni Diego sabay hawi sa buhok at kindat kay Sasha, tawang tawa naman si Sasha sa kanya, natawa na rin siya "Siguro sa ganyan mo napasagot ang Mommy ni Abby" "Naku Sasha, sa totoo lang, hindi naman naging kami ng Mommy ni Abby, isang company lang kami, nagpakalasing isang gabi, may nangyari, ayun, boom, after nung gabing yun hindi na kami masyadong nag-usap, tanguan na lang pag nagkakasalubong, hanggang isang araw hindi ko man lang napansin na hindi ko na pala siya nakikita, tapos yun, bumalik na ako sa Pilipinas, until one day, kinontak niya ako sa messenger telling me na may anak kami, na nagbunga ang isang gabing yun" "Ganun?" "Pero mahal ko si Abby, mahal na mahal ko ang anak ko" "Alam ko, nakikita ko naman sayo yun kaya nga natutuwa ako sayo, sana pag nag-asawa ako gaya mo" "Eh di ako na lang" "Loko ka" natatawang ani ni Sasha "Sasha may itatanong sana ako sayo" "Ano yun?" "Pwede ba akong manligaw sayo?" "Ha? Seryoso ka? Gusto mo akong ligawan?" "Oo naman, bakit hindi? Maganda ka, sweet at mabait, and that's according to my Abby" "Naku, si Abby talaga" "Totoo naman ang sinasabi ng anak ko eh, ano? Pwede ba?" "S-Sige okay lang" "Talaga?" tila excited na tanong ni Diego "Oo nga, grabe tuwang tuwa ka naman hindi pa kita sinasagot" "At least alam kong may pag-asa ako" "Paano mo nasabi?" "Kasi pinayagan mo akong manligaw" ani ni Diego "Okay" nakangiti ring ani ni Sasha
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD