Chapter 8 - TAMPO

1058 Words
Lumipas pa ang mga oras, alas syete na nang makabalik sina Sasha at Diego, pagpasok nila ay andun si Abby sa may sala kasama sina JC, Liezl at Callie "Uy andito na sila" ani ni JC, napatingin si Abby sa kanila pero hindi sila pinansin "Abby ko" ani ni Diego, pero hindi siya pinapansin nito, nakikipaglaro pa rin ito kay Callie "Nagtatampo" ani ni Liezl, inabot ni Diego kay Sasha ang dalang pasalubong at nilapitan ni Diego ang anak, naupo naman si Sasha malapit kay Liezl "Abby" ani ni Diego, kinuha niya ito at kinandong "Anak, nagtatampo ka ba kay Daddy?" "Kasi iniwan mo ako" iyak na ani ni Abby "Iniwan na nga ako ni Mommy, iniwan mo rin ako" "Anak, hindi kita iniwan, may pinuntahan lang kami ni Tita Sasha, at saka naiiwan ka naman talaga dito pag may work ako, sa gabi sinusundo kita, wala namang pinag-iba yun" "Sunday today Daddy, wala kang work, diba nga nagpunta tayo sa church kanina" ani ni Abby, napatitig lang si Diego sa anak, naisip niya ang talino ng anak niya sa edad na tatlo "Sorry na anak ko, may dala kaming donut ni Tita Sasha" "Ayaw" Nagkatinginan sina JC, Liezl at Sasha "Anak, listen to Daddy" ani ni Diego at hinawakan sa magkabilang pisngi ang anak "I love you so much, I will not leave you, everybody might leave but not Daddy, okay?" "Promise?" "Yeah that's my promise" "Where is the donut?" Napangiti si Diego at niyakap ang anak "Ayun na kay Tita Sasha, share mo sa lahat okay?" "Share kami ni Callie, pati Tito JC at Tita Liezl" "Opo sige" ani ni Diego, lumapit naman si Abby kay Sasha "Tita Sasha delicious po yan?" tanong ni Abby "Opo" nakangiting ani ni Sasha "Saan kayo nagpunta ni Daddy?" ani ni Abby, napatingin naman si Sasha kay Diego "Ahm, may pinuntahan lang kami" ani ni Diego "Bawal bata?" tanong ulit ni Abby, napangiti naman si JC at Liezl "Opo" "Sa doctor po kayo galing?" "Hindi naman, bakit anak? Takot ka ba sa doctor?" "Hindi po" sagot ni Abby "Tita eat na ako donut" "Okay, lika sa dining" ani ni Sasha saka tumayo at hinawakan sa kamay si Abby "Tara kain tayo" ani ni JC kina Diego at Liezl saka tumingin kay Callie at binuhat yun, napatingin naman ito sa kanya "Kain tayo donut" sabi niya sa bata "Eat?" "Opo eat ka ha?" "Eat" tumatangong ani ni Callie "Pssst, anong balita? Kayo na?" ani ni JC, kinuha naman ni Liezl si Callie at sumunod na sa dining "Hindi, pero pumayag siyang manligaw ako" nakangiting ani ni Diego "Pagbutihin mo ang panliligaw" "Oo naman" "Pero bro, gusto ni Mama na makatapos si Sasha" "Oo naman, saka alam kong pangarap niya yun kaya suportado ko siya dun" "Nax naman ang pinsan ko, may direksyon na ang buhay" "Grabe siya, wala ba akong direksyon dati?" "Meron naman" "Bro, maghahanap pala ako ng bagong condo, para may sariling room ang Baby Abby ko" ani ni Diego habang papuntang dining "Tatanungin ko si Jake, kasi walang gumagamit ng condo niya, saka mas malapit yun dito" "Sige nga, sana naman wag masyadong mahal, kasi gusto ko sa susunod na pasukan makapag-aral na si Abby" ani niya habang paupo sa may tabi ng anak na nanginginain na, narinig naman siya ni Manang Nene "Ay Diego, naghahanap ka ng mag-aalaga kay Abby?" ani ni Manang "Opo eh, kaya lang sabi nga ni Sasha mahirap makahanap ng talagang mapagkakatiwalaan" "Yung pamangkin ko, si Leny, tumawag kanina at baka may mapapasukan raw sila, dalawa nga silang magkapatid ang nangangailangan ng trabaho ngayon, si Lita yung isa" "Sige po Manang, at least pamangkin niyo, kilala niyo na po, marunong po ba mag-alaga ng bata yun?" "Naku, oo, sanay sa bata yun" "Sige po" "O sige papupuntahin ko dito, bale si Lita na lang" "Ay Manang, papuntahin mo na rin si Lita, para kay Callie" ani ni Liezl, napatingin naman si Sasha sa kanya "Magpofocus na po kasi si Sasha sa pag-aaral, yun ang gusto ni Mama" "Ate, papaalisin niyo na po ba ako?" ani ni Sasha na mangiyak-ngiyak na "Hindi ah" ani ni Liezl at nilapitan si Sasha, tumayo si Sasha, niyakap naman siya ni Liezl, tapos ay hinawakan siya sa mga kamay "Sasha, andito na ang pang enroll mo, iniwan na ni Mama, alam mo naman, naglalamyerda nanaman sila ni Tita Norma, ang gusto niya magfocus ka sa studies mo, kasi parang nahihiya ka raw magfull load, lalo kang matatagalan nun, hindi ka namin paaalisin, si Mama na ang bahala sa lahat, pati allowance mo, ang gusto lang niya ay magfocus ka sa studies, basta give her good grades okay?" "Talaga Ate?" "Oo, kaya pagdating ni Lita babalik ka na sa dating kwarto mo, at saka sabi niya ibili rin kita ng laptop" "Talaga Ate? Nakakahiya naman" nakangiting ani ni Sasha "Okay lang yun, hindi ka na iba sa amin, basta mag-aral muna" ani ni Liezl sabay tingin kay Diego "Opo Ate" "Happy ka?" nakangiting tanong ni Liezl "Opo Ate, sobrang happy" "Yan ah, di bale pag nag-enroll ka na, sasamahan ka namin, tapos bibili tayo ng mga gamit mo, sama natin sina Abby at Callie" ani ni Liezl habang pabalik sa pwesto niya "Sama ako Tita Liezl ah? Sabi mo yan" ani ni Abby "Bibili po ako crayons at saka book" "May pera ka anak?" ani ni Diego "Enge ako sayo" ani ni Abby, natawa naman si Diego "Sige, bibigyan kita pambili" sabay halik sa buhok ng anak "Okay na Diego, ako na ang bahala sa Baby Ate na yan" ani ni Liezl "Gusto mo ibili kita ng backpack para dun mo ilalagay ang color at book mo?" "Opo" nakangiting ani ni Abby "Tapos ibibili rin kita ng paper and pencil" "Opo, tapos papaturo po ako kay Tita Sasha magread" "Sige ba" ani ni Sasha, tumayo si Abby sa upuan at yumakap kay Sasha saka humalik sa pisngi "Thank you Tita Sasha, I love you" Ngumiti si Sasha "I love you too Abby" "Love mo rin Daddy ko?" tanong ni Abby, nanlaki naman ang mata ni Sasha, nasamid naman si JC at natawa "Sige nga Tita Sasha, sagutin mo nga ang tanong ni Abby" ani naman ni Diego "Naku ikaw talaga Abby, eat ka na nga" "Sayang" ani ni Diego, nailing naman si Sasha, pakiramdam niya nag-iinit ang pisngi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD