Chapter 9 - SIOPAO

1004 Words
Lumipas pa ang mga araw, niligawan nga ni Diego si Sasha, tuwing susunduin niya si Abby ay lagi siyang may pasalubong kay Sasha, isang gabi ay may dala siyang siopao para sa kanya saka 3 pcs na long stemed roses "Daddy sabi ni Manang may Yaya na po ako" ani ni Abby Napatingin naman si Diego kay Sasha "Dumating na yung mga pamangkin ni Manang Nene kanina" "Talaga?" "Oo, mamimiss ko si Abby" ani ni Sasha sabay tingin kay Abby "Tita sama ka na lang sa bahay namin ni Daddy" "Naku hindi pwede eh" "Yaan mo anak, ipagpray mo kay Papa God na sana someday makasama natin sa bahay si Tita Sasha" "Opo Daddy, pepray ko kay Papa God, gusto ko siyang Mommy" Nanlaki ang mata ni Sasha, ngiting ngiti naman si Diego "Ang saya mo ah" ani ni Sasha kay Diego "Syempre" ani ni Diego, siya namang labas ni Manang Nene kasama si Leny "Diego" ani ni Manang Nene "Eto na pala si Leny, ang magyayaya kay Abby" "Hi Leny, ako pala si Diego, tawagin mo na lang akong Kuya Diego, sakto ang pagdating mo, kasi kakalipat lang namin ng condo ni Abby" "Ahh okay po Kuya Diego" sagot ni Leny "Ilang taon ka na ba?" "16 po" "Kaya mo ba talagang mag-alaga ng bata?" "Opo Kuya, kaya ko po" "O sige, sasama ka na sa amin ni Abby mamaya ha?" "Opo Kuya" "Sa ngayon, 6k ang sweldo mo, tapos libre naman lahat, si Abby lang naman ang aasikasuhin mo, pati pagkain niyo" "Sige po Kuya" "O lika, ayusin mo na ang gamit mo" ani ni Manang Nene sa pamangkin, sumama naman si Abby sa kanila "Ano ba tong dala mo?" ani ni Sasha at sinilip ang laman ng supot, napangiti siya "Siopao? Ang laki ah" "Syempre naman" "Salamat, mamaya ko to kakainin habang nagrereview, bukas pala magpapa-enroll na ako, sabi ni Ate Liezl isasama raw namin sina Leny at Abby" "O sige, ihahatid ko na lang sila dito para hindi na kayo mahassle sa pagsundo sa kanila" Nakatingin naman si Sasha sa kanya "Alam mo nakakatuwa ka, talagang focus ka kay Abby" "Hindi lang ako kay Abby focus" "Ha?" "Syempre pati sa panliligaw ko sayo" "Talaga lang ah" nakangiting ani ni Sasha "Oo naman" sagot ni Diego, siya namang lapit ni JC "Uy Diego andito ka pala" "Syempre susunduin ko ang anak ko" "Weh?" natatawang ani ni JC at napansin nito ang hawak ni Sasha "Nax may pa-roses pa siya, at pasupot, hulaan ko siopao ang laman niyan" ani pa ni JC, napakamot naman sa ulo si Diego at nailing "Paano mo nalaman Kuya?" natatawang tanong ni Sasha "Makunat yan eh, siopao lang ang binibigay niyan sa nililigawan niyan, partida level up pa yan, kasi dati fishballs lang" "Grabe siya sa akin" ani naman ni Diego "Di bale adorable and sweet naman siya eh" ani ni Sasha "Oha! Narinig mo yun? Medyo linawan mo nga Mahal ko, pakiulit lang para sa bingi na to" ani ni Diego "Anong tawag mo?" ani ni JC "Mahal ko" "Mahal ka ba?" ani ni JC "Mahal ko?" ani ni Diego kay Sasha "Naku ewan ko sa inyo, dyan na nga kayo" ani ni Sasha at iniwan na sila "Mahal ko" tawag ulit ni Diego, nilingon naman siya ni Sasha, nagflying kiss naman ang Diego, ngumiti si Sasha at sinalo sa hangin ang flying kiss ni Diego at dinala sa dibdib saka tumalikod na ulit "Hala!" ani ni JC "Nakita mo yun? Sinalo niya, may pag-asa talaga ako noh?" ani ni Diego kay JC "Ewan ko lang" "Akala ko ba suportado mo ako?" "Oo naman, pero lumevel up ka naman Bro, siopao?" "Bro, hindi basta siopao yun, mamahalin na siopao yun" "Pero sa tingin ko may pag-asa ka nga" ani ni JC sabay akbay kay Diego "Talaga ba?" "Oo naman" "Sana sagutin na niya ako" "Pero Bro, sabi ko sayo, sana hayaan mo siyang makagraduate, sayang naman" "Oo naman, alam ko isa yun sa magpapasaya sa kanya" Maya maya ay paalis na ang mag-amang Diego at Abby, kasama na nila si Leny, si Sasha naman ang naghatid sa kanila sa may pinto "Bye Tita Sasha, see you tomorrow" ani ni Abby "Bye Abby, sleep ka ng maaga ha? Para full of energy kayo ni Callie bukas" nakangiting ani ni Sasha "Yes Tita, kiss na po ako" ani ni Abby, yumukod naman si Sasha para kumiss kay Abby "O sige na mauna na kayo sa sasakyan" ani ni Diego kina Leny at Abby "Lika na Abby" ani ni Leny, at sumakay na sila sa backseat ng kotse ni Diego "Paano? See you bukas" nakangiting ani ni Diego "Sige, ingat kayo sa byahe" ani ni Sasha "Sige goodnight" "Goodnight" "I love you" ani ni Diego, ngumiti naman si Sasha, napakamot naman ng ulo si Diego "Ingat" ani muli ni Sasha "Sige" ani ni Diego at tumalikod na "Diego" tawag ni Sasha, humarap naman si Diego dito, lumapit naman si Sasha, hahalik sana siya sa pisngi ni Diego pero bigla siya nitong hinalikan sa labi, smack lang "Ikaw ah, pilyo ka" "Sorry, mahal talaga kita" ani ni Diego "Diego" bulong ni Sasha, hinawakan ni Diego ang kamay ni Sasha "Mag-aantay ako" "Promise? Aantayin mo akong makagraduate?" "Aantayin kong makagraduate ka, dahil alam kong pangarap mo yun, aantayin ko rin na mahalin mo ako" ani ni Diego sabay halik sa kamay ni Sasha "Diego" maluha-luhang ani ni Sasha "S-Sige na, aalis na kami, magpahinga ka na, aalis pa kayo bukas" ani ni Diego, tumango naman si Sasha pero hindi siya bumibitaw sa kamay ni Diego "Diego" ani ni Sasha at hinimas sa pisngi si Diego, muli siyang hinalikan ni Diego sa labi, maiksi pero mas intimate saka sila nagtitigan "Mahal na mahal kita Sasha" "M-Mahal rin kita Diego" Nanlaki ang mata ni Diego at hinawakan siya magkabilang pisngi "Mahal mo ako?" ngumiti si Sasha at tumango "So tayo na, tayo na ba Mahal ko?" "Oo Mahal ko" "Yes!" ani ni Diego sabay yakap kay Sasha, yumakap din si Sasha sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD