Lumipas pa ang mga oras, sobrang dami ng tao sa Consular Office kaya inabot na ng hapon sina Diego at Luisa, pag uwi nila sa condo ay andun na sina Sasha at Abby, naabutan nilang nagkukulitan ang dalawa, nakaupo sa sofa si Sasha at nakakandong paharap si Abby sa kanya habang pinipisil sa pisngi "Mommy, gagawin kitang ugly" sabay lamukos sa mukha ni Sasha, hinalikan naman siya ni Sasha sa leeg kaya tuwang tuwa naman si Abby "Hey" ani ni Diego "Daddy!" excited na ani ni Abby sabay takbo sa ama, humalik ito sa pisngi ni Diego at Luisa "Daddy may something ka for us?" "Yes, pizza and lasagna" "Wow, I wanna eat na po" "Sige punta na kayo ni Mommy Luisa sa dining" ani ni Diego at binaba si Abby, nagpunta naman sila ni Luisa sa dining, lumapit naman si Diego sa asawa at hinalikan sa labi

