Lumipas pa ang mga oras, pinatulog na ni Sasha si Abby sa kwarto ni Diego, nakatawag na rin siya kina Liezl na dun siya matutulog sa condo, habang si Diego naman ay nasa may sala at kausap si Rico "Mabuti naman at nagawa mo Diego" ani ni Rico "Oo nga, akala ko talaga hindi na niya sasabihin" "Hayaan mo muna siya, ngayon kung magsasampa siya ng custody case laban sayo, ako nang bahala" "Salamat Rico" "Wala yun, pangako ipapanalo natin yan, saka diba sabi mo may pagdududa ka kaya gusto nilang makuha ulit si Abby? Kailangan malaman natin yun, lalo na kung hindi ito makakaigi sa bata" "Oo Rico" ani ni Diego "Sige may gagawin pa ako, update mo na lang ako" "Okay sige salamat" ani ni Diego at inoff na nila ang phone, siya namang labas ni Sasha "Mahal, tulog na si Abby" "Mahal ko, lika"

