CHAPTER ONE

2028 Words
Tatlo kaming sabay naglakad patungo sa dean's office. Medyo kabado dahil, hindi man lang namin alam kung ba't kami pinatawag. Sa pagkakaalam ko wala naman kaming nilabag na rules at saka mataas naman ang grades namin. Bakit kaya pinatatawag? weird. "Uy, Mau. Bakit kaya tayo pinatatawag ng dean?." Tanong ni Desteen, habang nakakapit sa balikat ko. Bali, nasa kanan ako, nasa kaliwa naman si Ulap, at sa gitna si Des. "Hindi ko alam." kibit balikat kong sabi. Narinig ko siyang nagmaktol, malay ko. Hindi ko naman talaga alam. "Ikaw diyan, Ulap. May alam ka ba?" baling niya kay ulap na nakasilid ang dalawang kamay sa bulsa. "I don't know, either." He just shrugged. Padabog siyang naunang mag lakad, nagkatinginan naman kami ni Ulap at sabay nag kibit balikat. Minsan talaga tinutuyo 'tong pinsan ni Ulap. Babae nga naman. Ay! babae din pala ako. Una kong nakilala si Des kaysa kay Ulap dahil, magka-dorm mate kami ni Desteen. Siya ang kauna-unahan kong naging kaibigan simula nung lumipat ako. Naging malapit din ako kay Ulap, 'nung ipinakilala ako ni Des sakanya. Naalala ko pa kung papaano niya kami ibarko. Kaya ayon LUBUG. Mabait, matalino, at syempre gwapo naman si Ulap. Hindi pa ako handang buksan ang puso kong muli, kumbaga. Pinagbuksan naman kami ni Ulap ng pinto ng makarating na kami. " Oh, nandiyan na pala kayo, please be seated." ani Dean. Kaya't sumunod naman kami, na unang umupo sa visitor's chair si Des kaya't umupo rin ako sa isang bakante habang nakatayo si Ulap sa gilid ko. "Dean! Bakit niyo po pala kami pinatawag." buong lakas kong tanong. "May kasalanan po ba kami? May nilabag po ba kami? Please, please spare us Dean!" Nag hi-histerical na singit ni Desteen. Hayst. Napafacepalm nalang ako dahil sa reaksyon ni Desteen grabe! Hindi pa nga sinasabi ni Dean kung bakit kami pinatawag dito kung, makareact wagas. Mahinang humagikgik naman sa gilid si Cloud dahil narin siguro sa reaksyon ng pinsan niya. "Ms. Ruiz, kalma hindi 'yan ang dahilan kung bakit ko kayo pinatawag dito.." natatawang ani niya. "Omy! Thank goodness." kumalma siya at ginawang pamaypay sa hangin ang kamay. "Kaya ko kayo pinatawag dito ay dahil, kayong tatlo ang napili kong maging exchange students." masayang ani Dean. "Wow! talaga po?" Ani Desteen. "At saang school naman po iyon?" Nakakunot noo kong tanong. "Sa CU....Crimson University. Oo, dun." Pagkasabi nun ni Dean ay napansin kong napatikhim at napa irap sa kawalan si Ulap. Mas lalong nangunot ang noo ko, napabaling naman ako kay Des na mukhang excited na excited. Hmm... kakaiba ang naging pakiramdam ko sa pag banggit ng paaralang iyan. 'Yung tipong hindi ko maipaliwag basta kakaiba, nakakapangamba. "All of your subject teachers are already informed. Mag simula na kayong mag impake dahil sa linggong ito ang lipat niyo. Six am, maghihintay ang sundo niyo kaya agahan niyo ang gising malayo layo rin ang lalakbayin niyo." Mahabang lintaya at paalala ni Dean. Tumango tango nalang ako ganoon rin si Ulap at umalis na rin kami dahil, may nag-aantay pa sa aming last class lesson. Halos takbuhin naming tatlo ang classroom, nakahinga naman ako ng maluwag ng wala pa si Ms. Alicia medyo strikta kasi siya history techer namin. Iba ang history teacher namin hindi siya yung tipong makakatulog ka dahil sa pagkabagot, pagtayo niya palang sa harapan ay gaganahan ka maganda at seksi kasi si Ms. Alicia kaso nga lang masungit. One fact... I'm her nephew and she's my one of a tita. I'm turning eighteen while she's turning thirty this year. Hindi halatang lalampas na sa kalendaryo yung edad siya basta mga Martinez, MAGAGANDA. Sabay kaming tatlong pumasok ng pagpasok namin ay sinalubong kami ng sandamakmak na tanong hindi na ako nag atubiling sagutin sila, laking papasalamat ko kay Desteen ay nariyan siya para sagutin ang mga nakikiisyosong classmates namin. Umupo ako at idinukdok ang ulo sa lamesa ng inuupuan ko. Naramdaman ko ang isang mainit na palad ang dumantay sa balikat ko, itinaas ko ang aking ulo at ipinatong ang aking siko sa lamesa. My chin rested on the back of my palm. Marahan kong tinitigan ang mga mata niyang mapupungay, pababa sa kanyang ilong na matangos na mas lalong nakakadepina ng kanyang kagwapohan at hanggang sa kanyang labi na mapula na para bang nag li-lip care araw-araw, malambot kaya? "Ok. Ka lang ba, Mau?" tanong ni Cloud na nakapagpabalik sakin sa reyalidad. Kaagad akong nag-iwas ng tingin. Hindi ko namamalayang nagtagal ang paninitig ko sa kanya. Iniwas ko ang tingin ko at dumako sa bintana, biglang uminit ang pisngi ko. Gosh! Nakaka-intimidate. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng hiya dahil lang sa pagtitig ko kay Ulap. Ah basta! "Hey! Ang sabi ko okay ka lang ba?" Iwinagayway niya ang palad niya sa mukha ko kahit naka talikod ako ng bahagya sa kanya. Napapikit mata ako dahil sa ginawa niya. "Huh? Uhm....Oo! O-okay lang may i-iniisip lang." Agad akong napalingon. Mas lalong uminit ang pisgi ko ng mapagtantong dahil sa biglaan kong pag lingon ay nagkalapit ang mukha namin. Kita ko ang pagkabigla niya ganun rin ako, naipatong niya ang kamay niya sa lamesa ng upuan ko. "Uhm." tumikhim siya at nag-iwas rin ng tingin habang marahang lumunok. "O-okay?" Umupo siya sa pangatlong upuan, bakante ang gitna dahil busy pa si Desteen na sagutin ang mga tanong ng classmates namin. Nakinig nalang ako sa usapan nila at muling idinukdok ang aking ulo sa mesa. "Bakit kayo pinatawag, Desteen?" "May nagawa ba kayong tatlo na hindi namin alam?! "Or di kaya'y something?" "Hep! Wala no! Ang sabi ni Dean kaya niya kami pinatawag tatlo dahil magiging exchange students daw kami. 'Yun yun." "Ha?" "Ilang araw o linggo?" "Mga dalawang linggo lang daw sabi ni Dean." "Eh, san namang school at anong pangalan? Baka may kakilala ako." "Ay! Nakalimutan ko kung saan yung school malayo daw. Pero yung name ng school alam ko sinabi ni Dean, syempre." "Ah... Anong pangalan ng school?" "Hmm..CU daw.. Crimson University." "Wow! Ngayon ko lang narinig ang school na yan." "Oo nga, ako rin." "Mismong ako nga rin. Ngayon ko lang din narinig, kaya excited na excited na ako. Super!" "GUYS! Nandito na si Ms. Alicia mukhang badmood, patay!" Sigaw ng isa kong classmate. "Palagi naman, ihhhh." Sabay-sabay nilang reklamo. Nagsimula ang buong klase ng tahimik at ni isa walang imik habang ng tuturo si tita s***h Ms. Alicia. Natapos ang klase ng umalis na si Ms.Jopel at dun na din nagsimulang mag ingay ang mga classmates namin. Nagligpit ako ng tahimik dahil gusto ko ng makapagpahinga sa dorm namin at umidlip para makapagpahinga. Si Ulap ang naghatid sa amin dahil wala daw siyang gagawin pagkatapos ng school at maghahanda na rin daw siya para sa pag alis namin sa linggo. Pagkarating namin ay humiga na ako sa kama at dinalaw ng antok. NAGISING ako sa ingay na nang gagagling sa cabinet. Kinusot-kusot ko ang aking mata at nag stretching, napabaling ako kay Desteen na busy sa pagliligpit ng gamit at mga damit niya. "Good Morning aga mo ah, halatang hindi ka excited." I mocked while yawning. "Good Morning! Hindi talaga halata." Napahagikhik siya at hindi ako nilingon dahil sa sobrang ka-busy-han niya. Bumungad sa akin ang malaking salamin ng cr, naka uniform pa ako nakalimutan ko siguro kahapon na mag palit dahil sa pagka-antok. Pagkatapos kong mag toothbrush ay bumalik ako sa kwarto namin para kumuha ng tuwalya at damit. Nadatnan ko parin si Desteenna bising-busy sa paghahanda. "Hulaan ko pang one month na damitan mo yan noh?" Sarcasm. "Oo naman! Sinabi mo pa. Ang ganda kasi ng name ng school sure akong ang dami rin ng mga gwapo dun!!" Napailing nalang ako at dumiretso sa cabinet para kumuha ng aking susuotin. I do my usual routine in the shower. Binuksan ko ang shower curtain at lumabas sa shower. Nakatapis ako ng puting tuwalya habang dumadaloy pababa ang tubig mula sa aking buhok. Matamlay akong nakatitig sa repleksyon ko sa malaking salamin dito sa CR. Dahan- dahan kong hinagod ang aking leeg kung saan may marka ako na hindi mawala-wala, napapikit ako ng muling naalala ang nakaraan. Nagagalit at naiinis ako dahil kahit anong gawin ko ay gindi mawala ang tanginang marka na to! Palagi ko itong tinatago o di kaya'y ni lalagyan ng concealer para hindi ito makita ng kahit sino man. Wala akong pinagsabihan ng nangyari sa akin dati kahit si Tita, Desteen at Cloud ay hindi nila alam. Wala ako pinagsabihan dahil natatakot ako, natatakot akong layuan ako at aakalaing nababaliw na. Kinuha ko ang concealer ko na nasa sink at linagyan ang markang nakatatak sakin pagkatapos ay kinuha ko ang damit kong nakapatong sa sink at kaagad din akong nag bihis. Ng makalabas ako ay saktong natapos si Desteen at pabagsak na humiga sa kama niya. Nagpaalam din ako sa kanya na magkikita kami ni Tita. Saturday is our bonding day, si tita ang tumayong magulang ko simula nung namatay ang parents ko. My dad and my halfsister died in a car accident, sadly that was their first bonding end up worst. My mother died in depression, because of my father's death. I was just f*****g fifteen when they left me but then my tita and tito adopt me and help me. Si tito Dencio ang panganay, si Dad naman ang pangalawa at si tita Alicia ang bunso. Sila ni tito ang naghandle sa naiwang kompanya ni Dad, atat na si tito na ako ang mag handle dahil mayroon rin siyang sariling kompanya pero, balang ay nangako ako na pag handa na ako ay ako na ang mamahala rito dahil iyon ang ipinama ni dad sa akin. Isang mercedes ang naghihintay sakin sa labas ng gate at alam na alam ko kung kanino iyon. Binuksan ko ang pintuan at nandun si tita nakaupo sa driver seat, she looks so hot in her blue body con dress. "You look so gorgeous as always, like me." She gestured as she looks at me. I'm wearing my yellow gingham bow tie top and and high waist maong. Habang nakalugay ang wavy kong buhok. "You look hot tita!" I complemented. She smiled and start the engine. "But you are so strikta! Natatakot kaya yung mga classmates ko sayo." Napatingin siya sa desk mirror diretso sakin. Nakaangat ang isang kilay. "Well, someone told me I'm super hot daw, when I'm always mataray. So that's why." She just shrugged Napangiwi ako. Ang sarap batukan ng nag sabi niyan kay tita! "Well, let me guess that oh so called 'someone' is that your crush in the office?" Makahulugang kong sabi. Bigla siyang nag-iwas ng tingin pero huli na dahil nakita ko kung paano nagblush yung pisngi. Ang cute! "Change that f*****g topic! I'm embarrassed!" Tinukso ko lang siya hanggang sa nakarating kami sa mall. We do shopping and spa it's her treat after all. Nagpa massage siya kaya't nagpaalam akong ilalagay sa kotse niya ang mga pinamili namin. Ng maka baba ako ng elevator sa ground floor ay biglang tumindig ang balahibo, madilim at walang tao dito sa parking area puro kotse lang. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kotse ni tita, napahigpit ang hawak ko sa mga bitbit ko ng maramdamang may sumusunod sakin. Nangiginig na ipinasok ko ang car key ni tita para makapasok ako sa loob ng sasakyan. Thank god it's tinted! Kaagad kong tinawagan si tita. It rang two times before she answered. "Why did you call swetie-" Hindi ko na siya pinatapos na magsalita. "Tita! I want to go home. Please, please!" I sighed multiple times and my heavy breath "Oh! Wait a minute, hold on sweetie" naramdam ko ang pag-alala sa boses niya. I turned the call down. One Ducati caught my attention. Dinaanan nito ang sasakyanan ni tita kung saan ako nakasakay, nakita kong napatigil ito ng nagkaharap ang binta ng aming sasakyan. Nagunot ang noo ko at mas lalong lumapit sa bintana para tignan iyon. Ng nakalapit na ang mukha ko sa bintana ay kaagad din itong umandar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD