
"Di mo ko masisisi kung wala akong naramdaman sa pagbabalik mo" I said staring directly to his eyes. "Eh sa hindi naman talaga ako masaya. Kung tutuusin nga hindi naman na kita kailangan."
"Pero heto na nga ako diba? Bumabalik na nga ako" He said.
"But it doesn't change the fact na iniwan mo ko. Umalis ka sa buhay ko. Tinalikuran mo ko. Ang sakit sakit. You made me question myself. Pinatay mo ko. Nung mga panahong tumatawa ka kasama sila, umiiyak ako. Nung bumubuo ka ng masasayang ala-ala kasama sila, dinudurog mo ko. Habang nakikita kitang nagsasaya, namamatay ako." I was really dying, pero hindi ko sinabi kahit kanino.
"Nung mga panahong dumudugo ang puso ko, kinakaya ko yon. Para sa sarili ko, kinaya ko. Tiniis kong mag-isa. Tiniis kong umiyak mag-isa. Hanggang isang araw nagising na lang ako, hindi na kita hinahanap. Hindi na kita iniisip. Hindi na ko nasasaktan. Hindi na kita kailangan. Kaya kung babalik ka," I took a deep sigh, and looked at him directly. He's crying but it doesn't hurt me anymore. "Wag na lang. Okay na ko eh. Masaya na ako. Let's continue to go on our separate ways. Tulad ng dati. Huwag na nating guluhin ang buhay ng isa't-isa. Huwag na nating pahirapan pa ang mga sarili natin. Hindi na natin maaayos ang kung anuman ang meron tayo."
He wasn't saying anything. I can only hear the sobs. His sobbing.
"Palayain mo na rin ang sarili mo. See? You made me stronger. You made me independent. Dahil sa'yo hindi ko na kailangan ng ibang tao to lift me up when I'm down. Kasi you taught me that. Let me go, Dax." I held his hands and wiped his tears.
"Goodbye Dax" I said, then I walked away.

