Nakaramdam ng matinding inis si Seiri dahil sa sinabi ng kaniyang amo. Alam niyang magdududa ito sa kaniya dahil halos lahat ng babaeng dumaan rito. Ganoon lang ang habol. Pero iba siya, hindi siya kagaya ng mga ito. "Alam kong pag iisipan mo ako ng ganyan pero ito ang sasabihin ko sayo. Wala akong masamang hangarin sayo. Ikaw ang naunang kumilos. Hindi ako. Ikaw ang pumasok sa buhay at puso ko hindi ako. Kung ito ang paraan mo para lang lumayo ako. Kahit hindi mo sabihin. Lalayo nalang ako para sa ikatatahimik ng lahat." sagot ni Seiri, ayaw niyang makipag talo sa lalaki kahit na nasasaktan siya. "Seiri, sinong may sabing lumayo ka?! Saan ka pupunta? Hindi ba't pera ko lang ang habol mo kaya ka nakipag talik sa akin? Ganoon naman talaga ang mga taga probinsya. Naghahangad yumaman agad k

